Chapter 09

2.4K 78 0
                                    

Bryce's POV

Kakagising ko lang at kasalukuyan akong kumakain ng breakfast ngayon. Ako lang nag-iisang anak at ako lang din naiwan dito sa bahay dahil nasa Japan ang parents ko. Kasama ko ang Yaya namin na siyang nag-alaga sakin simula bata pa lang ako at hanggang ngayon.

6am pa lang ng umaga at kanina pa ako gising ng 3am.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog kagabi kaya parang zombie ako ngayon.

Nagbe-breakfast nga ako pero wala naman akong ganang kumain. Hanubayan! Ang sarap pa naman ng breakfast ko tapos wala pa akong ganang kumain!

Umakyat na lang ako sa taas at saka nagkulong sa kwarto dahil nakakatamad ang araw na 'to. Napa-dive na lang sa ako kama saka ko isinubsob ang mukha ko sa unan.

Bakit ba kasing tinatamad pa ako ngayong araw eh!

Bigla ko naman naalala nung nakita ko si Veda sa may hagdan na humihikbi pero sa totoo lang sobrang naawa talaga ako doon sa nangyari kay Veda dahil sa ginawa ni Marcus.

Abnoy talaga yon kahit kailan! Ma-karma ka sana Marcus!

Napabangon na lang ako at tumayo saka agad nagtungo sa C.R. para maligo na lang.

'Papasok na lang ako ng school dahil baka mamaya hindi pa ako maka-graduate'

Pagkatapos kong maligo ay agad na akong nagbihis saka umalis ng bahay. Sumakay na ako sa motor kong Ducati Macchia Nera.

Pagkadating ko naman sa Stanford University ay agad muna akong nag-park ng motor sa may parking lot.

Naglalakad na ako ngayon sa may hallway papuntang classroom namin. Wala pa sila Ayden, Scott, Quinn at Dylan dahil mamaya pa silang papasok.

Sadyang maaga lang talaga ako ngayon at hindi ko alam kung bakit. Wala pang mga students dahil masyado pang maaga.

Nagtungo muna ako sa locker para kunin yung mga books sa first subject namin at saka na ako tuluyang pumunta ng classroom namin.

Pagkadating ko dun sa may classroom ay nakita ko naman si Veda na nakasandal sa may upuan at nakapikit ang mga mata niya.

Lumapit naman ako sa kanya ng dahan-dahan at saka umupo sa may tabi niya. Pinagmasdan ko ang buong mukha niya.

Maamong mukha at mahaba rin ang mga pilikmata niya saka napansin ko naman ngayon na parang nawala bigla yung mga peklat niya sa mukha tapos bigla rin tumangos yung ilong niya na ipinagtataka ko naman ngayon, dahil kahapon lang nung pinagmasdan ko siya ay hindi naman gaanong matangos ang ilong niya. Hindi ko na lang yon pinansin at pinagmasdan ko na lang yung labi niya.

Rosy lips.

Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya saka akong tumayo at maglalakad-lakad na lang muna ako kaso narinig kong biglang nagsalita si Veda.

"Bryce?"Sambit niya kaya dahan-dahan akong napalingon sa kanya.

"S-sorry... Naistorbo ata kita,"Napapayuko kong sabi.

"Nako hindi ah"Rinig kong sagot niya kaya napaangat agad ako ng ulo at nakita kong nakangiti na siya sakin.

Bigla naman akong natulala dahil ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganyan.

Nagulat naman ako ng bigla siyang tumayo at lumapit sakin.

"Ang aga mo naman ata?"Nagtataka niyang tanong kaya naman napatango-tango ako.

"Oo nga eh, boring kasi sa bahay kaya maaga na akong pumasok."Sagot ko, at ngumiti lang ako ng tipid."Teka? Magaling na yung sapak sayo ni Marcus kahapon?"Gulat na tanong ko. Napansin ko kasi biglang nawala yung pasa niya sa may gilid ng labi niya.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Where stories live. Discover now