Chapter 45

1.2K 49 2
                                    

Bryce's POV

Naglalakad kaming lima ngayon papasok ng Stanford at nakatingin naman samin ang mga babae na nakakasalubong namin tapos sabay na magtitilian. Nakalabas na pala si Quinn kanina at okay na rin siya ngayon.

Hindi na bago sa amin mga yan dahil halos araw-araw tumitili mga yan lalo na kapag ang Black Army na ang nakikita nila. Sa aming Black Crown naman ay tinitilian din kami, feeling tuloy namin mga artista kami at fans naman namin sila haha.

Patuloy pa rin kaming naglalakad ng biglang bumulong sakin si Ayden."Bryce? Narinig ko kahapon na magkakaroon ng Stanford Ball party next month at pagkatapos 'non ay yung Sportsfest naman"Bulong na sabi ni Ayden, napatingin naman ako sa kanya.

"Wala bang practice muna? Eh paano tayo makakapaglaro kung hindi pa tayo nakakapag-practice?"Takang tanong ko.

"Oo nga eh, masyado silang advance mag-isip. Hindi nila naisip na magpa-practice pa tayo"Inis na sagot ni Ayden pero hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad.

Mayamaya pa ay nakarating na kami sa classroom kaya pumasok na agad kami baka kasi may Teacher na sa loob pero mabuti naman wala pa kaya naman umupo na kami sa kanya-kanya namin upuan.

Napansin ko naman na wala pa si Veda. 'Baka ma-late siya niyan?'
Mayamaya pa ay dumating na yung teacher namin pero hindi pa siya nakakaupo ng bigla na siya nagtawag ng student para sumagot sa itatanong niya.

d>>__<<b

Kinakabahan ako dahil baka mamaya hindi ako makasagot dahil baka mag-loading pa sa utak ko yung tanong niya.

"Mr. Aguas?!"Malakas na tawag ni Miss.

'Potek! Sinasabi ko na nga ba eh!'

"Stand up"

"Y-Yes, Miss?"

"What is globalization?"Seryosong tanong ni Miss. Napalunok naman ako dahil sa kaba. Hindi naman kasi ako si Veda na laging nasa-ulo yung mga napag-aaralan niya eh. Alam niyo na matalino diba?

"Mr. Aguas? What is globalization?"Seryoso pa rin tanong ni Miss. Napahinga na lang ako ng malalim saka sinagot yung tanong niya.

"Globalization is a process of interaction and integration among the people, companies, and governments of different nations, a process driven by international trade and investment and aided by information technology. Likewise, for centuries, people and corporations have invested in enterprises in other countries"Kalmadong sagot ko, napatango-tango naman si miss saka nagpalakad-lakad sa may platform at nung huminto naman siya ay saka tumingin sakin ng seryoso.

"What is globalization and why is it important?"Seryoso na naman niyang tanong.

"Globalization is about the interconnectedness of people and businesses across the world that eventually leads to global cultural, political and economic integration. It is the ability to move and communicate easily with others all over the world in order to conduct business internationally"Kalmadong sagot ko ulit at napatango-tango ulit siya.

"Good... how about ethics?"Seryoso niyang tanong na naman. "What is ethics?"

Napalunok ulit ako at ewan ko ba kung bakit parang pang-college ang tinatanong dito.

"Ethics or moral philosophy is a branch of philosophy that involves systematizing, defending, and recommending concepts of right and wrong behavior. The field of ethics, along with aesthetics, concerns matters of value, and thus comprises the branch of philosophy called axiology"Kalmado ko ulit sagot. Napatango-tango naman ulit si miss.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Where stories live. Discover now