Fifty

964 49 13
                                    

Charlie

Pinagtitinginan ako ng ibang mga nanay dahil siguro sa suot at kilos ko. In celebration ng mother's day naisipan ng school ni Christa na magkaroon ng maliit na activity. Ang awkward kasi puro mga nanay , mukha ba akong nanay 😅 at  ako pa yata ang pinakabata. Alam naman nilang babae ako, tomboy ganun. Di ko pa nakikita yung teacher na kamukha ni Kristel, baka busy pero okay lang, di naman siya ang pinunta ko dito kungdi ang anak ko. Maliit lang itong school 3 sections lang sila and each section 10 kids, pang pre-school, private siya pero pasok sa budget ang tuition.

"Dada tara dun magsisimula na yung sack race kasali tayo dun sabi ni teacher Donna."

Hinayaan ko lang na hilahin ako ng anak ko di ko rin naman alam kung ano ang mga activities nila ngayon na dapat kasali siya, late ko na nabasa yung letter na pinadala busy kasi ako sa kakaisip ng paraan para mapalapit kay Athena, sinubukan ko din siyang lapitan pero wala eh, parang iniiwasan ako. Alam ko nga kung san siya nakatira at nagtratrabaho pero parang ayaw niya akong makita at makausap. Ayokong sumuko kaya after nitong activities pupuntahan ko siya ulit, susubukan suyuin.

"Excuse me everyone we are about to start our first activity for the day, sack race together with your kids, after that we will have spelling bee for the kids may pang-group at individual contest, some will perform a play or presentation for their mother and we will have an amazing race kind of game with both parent and child participation of course anyone can join but we can have a minimum of 10 pairs, as for the last performance magkakaroon tayo ng talent competition, para sa mother and child. sabi nung isang teacher

Later....

Natapos ang mga pang-umaga na games at nilabas ko na yung niluto kong baon namin ng anak ko.

"Baby kain ka lang ng marami para may lakas ka sa performance later okay."

"Dada thank you po for coming here."

"Anak I will always be there for you, okay kahit malaki na ang baby ko."

Patapos na kaming kumain ng anak ko ng biglang may lumapit sa aming teacher.

"Hi, ako yung teacher ni Christa, yung kausap mo last time, kinakamusta ko lang ang mga nanay sana nag-eenjoy kayo."

Its her.

"Sige alis na ako."

"Wa-wait!" sabay hatak ko sa braso niya

"May problema po ba?"

"A-ah wa-wala, sorry, gusto ko lang mag-thank you kasi bihira ko ng makabonding itong anak ko and with this school activity mas nakatulong siya."

"Wala ho yun, Ahm ang totoo every year namin itong ginagawa."

Umalis na si teacher Donna, mabait siya at mukhang mahal na mahal siya ng mga bata. Kaya di na ako magtataka kung mahulog man ang loob ko sa kanya yun nga lang may Athena na ako hehehe

Donna

Agad akong umalis kasi pinag-titinginan at pinag-uusapan na kami lalo na nung bigla niyang hawakan ang braso ko. Baka ma-issue pa na may pinapaboran akong estudyante.

Toot! Toot! Toot! Toot!

Agad kong nilabas ang cellphone ko

"Napatawag ka Athena?"

"Payag ka na ba? Please para sa akin kahit wedding gift mo na sa amin ni Richard. Kasama naman si Cindy eh, yun nga lang balak pa niya isama yung boyfriend niya."

My Labs StoryWhere stories live. Discover now