Sixteen

1.6K 73 5
                                    

Charlie/Adrian

😳

Hala! Teka! Siya yung chiks na sakay ng sasakyang nakabangga sa unit ni Mang Raul.

Naku paano na ito? Lagot ako! Kilala niya ako! Mapupurnada pa ang pagpapanggap ko. Bakit siya pa? Andami naman ibang tao diyan.

"Hi A-Athena." utal na sabi ko

Nag-hi din naman siya, yun nga lang parang hindi niya ako namumukaan. Okay ito, isa pa medyo nag-iba ang itsura ko, kahit nga ako nanibago nung makita ko ang sarili ko sa salamin.

Nagpaalam siyang kukuha ng pagkain at maiinom, pero di yun natuloy dahil nagsalita ang Mama niya kesyo bagay daw kaming dalawa. Oo aaminin ko attracted ako sa kanya, nagagandahan ako pero halata naman di niya ako gusto at isa pa meron na akong Rosalie. Hay! Ang destiny ko, ang future wife ko, ang ina ng mga magiging anak ko. Miss ko na tuloy siya, kapag may time magpapaalam ako na uuwi muna ako sa amin kahit isang araw lang para makita ko siya syempre kasama na ang mga kapatid ko.

Nabalik ang atensyon ko sa pag-uusap nila. Magkakakilala pala sila ni Adrian. Patuloy sa pagkwekwento yung Mama niya pero siya walang modong tumayo at umalis sa pwesto niya.

"Pagpasensyahan niyo na ang anak ko. Masungit yun pero sobrang bait." sabi nung Papa niya

"Ayos lang yun kumpare, ganyan talaga ang mga bata ngayon. Hahahaha!"

Napunta sa business ang pinag-uusapan nila, nasa advertising business ang mag-asawang ito, at kasama nila ang anak nila sa pagpapatakbo. May mga ino-offer na proposal yung kumpare ni Dad, medyo di ko maintindihan at paunti-unting nawawala ang focus ko sa kanila dahil sa isang babaeng tinitignan ko. Paano ba naman pinapagalitan niya yung mga waiter and I find it hot.

😨

Ehhhh! a-ano? Wha-what? T-teka b-bakit ko si-ssinabi yun? Charlie may Rosalie ka na. Ano ba ang iniisip mo?

"Adrian anak okay ka lang? Kain ka lang ha para sa iyo itong handa kaya enjoy ka lang." bulong sa akin ni Mommy

Nginitian ko siya at para makaiwas sa babaeng yun sumubo ako ng sumubo ng pagkain.

"What took you so long iha?" tanong nung Papa niya

"Wala kasi yung gusto kong inumin kaya kinausap ko yung waiter."

Kinausap daw, galit na galit nga siya eh.

"Adrian, may kasintahan ka na ba?" biglang tanong nung Mama niya

🤭

Ah!!! Hi-hindi aaa-ako m-maakahinga.

""Khoff Khak Khak!!""

"Ayos ka lang ba anak?"

"A-aayos la-lang p-po Mom."

Grabe nabigla ako dun, syempre alam ko na kasi kung saan mapupunta ang usapan na yun at di pwede ang gusto nilang mangyari, iba ang tinitibok ng puso ko.

"Sorry po sa tinanong ni Mama, hindi niya kasi alam na taken na ako."

O ayun naman pala taken na siya. Wag na ipilit.

My Labs StoryWhere stories live. Discover now