Two

2.6K 76 4
                                    

Charlie

Maaga ako nagising dahil school day, may pasok ang mga kapatid ko at may pasok din ako. Di man ako nakagraduate nakahanap naman ako ng maganda at disenteng trabaho.

Masakit pa din yung mga pasang natamo ko kagabi pero minsan wala na rin akong iniinda na sakit nasanay na lang siguro ako. Ayaw na ayaw ko na nasasaktan ang mga kapatid ko, kapag nagagalit si Inay ako na ang nagprepresentang punching bag. 23 years old na ako, kahit anong trabaho yata napasukan ko na para may pantustos kami. Kano ang tatay ko, yung dalawang kapatid ko na babae, taga-japan ang tatay, nakilala ni Inay ng magbakasyon dito, ayun nakuha lang ang gusto tapos iniwan din tulad nung walanghiya kong Sperm donor, ay este tatay pala. Sorry sa language ko pero yun ang totoo.

"Gising na kayo diyan, ihahatid ko pa kayo."

"Kuya inaantok pa ako eh!" sabi ni bunso

"Tara na Judy kailangan na din mamasada ni Kuya Charlie, sige ka papagalitan ka nanaman ni titser Anette."

"Ikaw na bahala sa kapatid mo ha, magluluto muna ako ng agahan. Dapat Cecil pagnatapos ako, nakaligo at bihis na kayong dalawa."

"Okay!"

Lumabas na ako sa kwarto at napansin ko naman tulog pa si Inay mukhang napagod sa kakasugal, sana may napanaluhan man lang siya baka kasi mamaya humingi ulit sa akin wala pa nga akong kita.

"Goodmorning Preng Charlie, alis na ba tayo?"

"Kita mo nga na nagluluto pa yung tao aalis na agad, mag-antay ka dyan at sumabay ka na rin kumain sa amin. Pagkatapos nun kunin na natin yung tricycle."

Tinuloy ko na ang pagluluto at malapit ng mga alas syete baka malate sila.

"Judy nasaan ang Ate Cecil? Sabihan mo ngang bilisan niya para makapag-breakfast pa sya mahirap ng mag-aral na walang laman ang tiyan."

"Palabas na po, nagbibihis lang."

"Sige na maupo ka na dito, Joey sumabay ka na din."

7:00 am

"Ready na ba kayong dalawa? Wala na kayong nakalimutan?"

"Tara na Kuya, dali, wala na kaming nakalimutan." pagmamadali ni Judy

Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa may paradahan ng tricycle.

"Charlie hindi ba ang usapan natin maaga ka, para marami kang kita."

"Sensya na Mang Raul kinailangan ko pa kasing asikasuhin yung mga kapatid ko pasukan na nila."

"Sige na nga, kunin mo na yung pedicab at magsimula ka na magtrabaho tandaan mo ung boundary araw-araw ko ibabawas yun ah!"

"Grabe naman Mang Raul boundary agad magsisimula pa lang ako."

"Oo nga Mang Raul, tag-hirap na po ba kayo at pera agad ang hinahanap niyo." pang-aasar ng bespren ko

"Aba! Gag* itong mga ito ah! Sige ipapabyahe ko na lang sa iba yung mga tricycle ko at maghanap-hanap na kayo ng ibang trabaho."

"Joey siraulo ka talaga! Idadamay mo pa ako sa kalokohan mo. Alam mo na ngang kailangan na kailanagang kong kumita." panunuway ko sa kanya

"Naku po, di na kayo mabiro. Joke lang yun Mang Raul, sabi ko nga po aalis na kami."

Binatukan ko nga ng malakas.

"Aray naman Charlie, tara na nga."

Umalis na kami at kinuha na yung tricycle.

Pinasakay ko na yung dalawa para maihatid ko muna sila bago makapagsimula, tipid din yun noh!

"Salamat Kuya, ingat ka sa pasada mo." sabi ni Cecil

"Okay, mag-aral ng mabuti para sa kinabukasan niyo din yan."

Tumango yung dalawa at tumakbo na papasok ng gate ng eskwelahan.

Hay makapagsimula na nga para may kita agad.

"San po kayo manang?"

"Sa Palengke lang iho." sagot ng pasahero ko

Ito ang bago kong trabaho, natanggal kasi ako dun sa construction site kasi sa kapalpakan ko na din. Hindi ko naman sinasadya pero ganoon talaga ang buhay lalo na kung babae ka. Buti na lang at napaki-usapan namin ni Joey si Mang Raul na kami na ang magbyahe ng mga unit niya.

"Manang sukli niyo po." sabay abot sa matanda

"Iho pwede mo ba akong antayin na."

"Naku manang kakasimula ko pa lang at wala pa po akong kita. Ganito na lang po babyahe lang ako, tapos balikan ko kayo after 30 minutes, dito din po sa pinagbabaan niyo."

"O siya sige ayos lang sa akin yun, maraming salamat."

Nagkapagbyahe naman ako, tatlo din yun bago ako nakabalik kay manang.

"Iho buti at dumating ka na, andami kasi nitong napamili ko, pwede mo ba akong tulungan."

"No problem po, pasok na kayo ako na bahala diyan."

Makalipas ng ilang minuto....

"Ito bayad ko."

Inabot sa akin ni Manang ang singkwenta, binabalik ko nga sa kanya yung sukli pero pilit niyang sinasabi na okay na. Sa huli tinggap ko na lang din.

"Salamat po ulit."

"Wala yun basta kapag namalengke ulit ako, ikaw na ang sumundo at maghatid sa akin, tuwing lunes naman yan."

"Sige po."

Iniwan ko na sya at balik byahe na ulit ako di pa sapat ang kita ko, magbabayad pa ako ng utang sa tindahan para maka-utang ulit, aish! Meron pa pala yung share ni Mang Raul. Tsak, hanggang gabi ako nito, daanan ko na rin yung magkapatid, mamaya.

"San po?"

"Sa may bago bantay lang, aabot ba?"

"Naku malayo po yun, dapat dito-dito lang po."

"Sige na at magdagdag na lang ako, nagmamadali lang."

"Di nga po pwede baka mahuli pa ako, ay! Sige na nga po. Pasok na."

Naisip ko malaki din yun kung magdagdag siya siguro dalawa o tatlong sakay din ang bayad.

Bago Bantay.......

"O bayad ko may dagdag na yan ha."

50?

"Sir wala na po bang dagdag?"

"Aba sobra naman na yan Kuya."

"Sir di naman po sa.."

"Ay naku parang inuutakan mo na ako, para na rin ba kayong mga taxi driver eh di sana nag jeep na lang ako o kaya taxi."

"Kuripot! Di bale na sir SALAMAT na Lang Po."

"Aba! May sinasabi ka pa....."

Pinaharurot ko na ang tricycle baka may marinig pa ako at di ko mapigilan, mabugbog ko pa.

Habang nagmamadali ako makabalik para masundo ko yung dalawa kasi malapit na rin dumilim..

Bogsh! (Tunog po ng banggaan.)

"Ay! Syete naman, sino bang tang.."

End of Chapter Two

Comment and Vote po! :)

My Labs StoryWhere stories live. Discover now