Thirty Six

1.2K 50 7
                                    

Charlie/Adrian

I've been visiting her for months now, same pa din, ako lang ang nagsasalita, kwento dito kwento doon para bang wala akong kausap, minsan kinakausap niya ako pero yung mga simpleng sagot lang like oo, hindi, wag na, ganun.

I understand, mahirap ang pinagdadaanan niya, she made the guy her world her everything, yung pang-forever ba only to be broken up in the end. Naawa ako sa kanya, pero I know for sure na hindi dahil sa awa kaya ako nahulog sa kanya, there is something about her that makes me want to stay, want to fall in love with her.

"Adrian magmerienda muna kayong dalawa ni Athena."

"Salamat po Tita, pero aalis na din po ako."

"Ambilis naman kararating mo pa lang di ba."

"Ah eh mukhang pagod po si Athena aalis na lang po ako para makapagpahinga siya at tsaka nasabi ko na po sa kanya yung update about our major project. Yun lang din naman po ang pinunta ko dito."

Habang papalabas kami ng kwarto patuloy sa paghingi ng tawad ang mama niya.

Ilang beses ko din sinabi na ayos lang ako at wag siyang mabahala.

Hinayaan ko si athena na magpahinga muna, ang kausap ko tungkol sa project namin ay yung secretary at Papa niya. Mukhang matatagalan pa na makabalik siya sa dati pero naging successful ang start ng project namin, I think, well nasimulan naman na siya at ngayon nga ako na ang head ng department.

Mabilis ang mga pangyayari, the next thing I know nasisante na yung bading naming boss eh paano ba naman sinubukan niyang i sabotage yung major advertisement project ko ayun nahuli.

Sa Office nila Athena.....

"Well I think this is it. The plan is looking good, execution is on going and more positive feedback are coming in."

"Oo nga po. Buti na lang at nakalahati na namin ni Athena itong project kahit na pahirapan siyang makausap and it is looking good po ngayon na natapos natin."

"Ganoon na talaga ang batang yun hardworking kahit na medyo matigas ang ulo, medyo lang naman. But I'm glad at nandyan ka para sa kanya, ngayon pang..."

"Kalimutan niyo na po iyon Tito, di po makakabuti sa inyo at sa pamilya niyo na alalahanin pa ang ginawa ng hayop na yun."

"Iho, matanong nga kita."

"Ano po iyon?"

"Its been months since the break up of Athena and that sön öf ä bitch. When do you plan to court my daughter?"

Kamuntikan ko ng maisaboy kay Tito ang kapeng ininom ko. Alam kong alam nila ang pakay ko kay Athena, pero di ko akalaing tatanungin ako ng diretsong ganito.

"Mas makakabuti sa anak ko na may makakasama siya during this times, and ikaw lang ang mapagkakatiwalaan namin. We know that you like our daughter despite of her attitude towards you simula ng makilala mo siya."

Paano ko ba sasagutin ito? Oo mahal ko siya pero hindi naman ako nagmamadali....

"Adrian?"

"S-sorry Tito may naalala lang po ako. Ahh ehh kasi, tama po kayo I like Athena ang kaso po di naman ako gusto ng anak niyo, mahal pa din niya yung hayop na yun. Kung mas maaga ko lang siya nakilala baka, baka may chance pa ako."

"Don't give up, isa sa mga nagustuhan ko sa pamilya niyo ay yung katatagan niyo kahit sa anong sitwasyon."

Ngumiti na lang ako sa sinabi niya. Di ko kasi alam kung ano ba dapat ang isagot ko. After ng meeting namin, niyaya ako for lunch but I decline nakareceive kasi ako ng text from Joey na may emergency daw. At napansin ko din na kanina pa siya tumatawag, 10 missed calls na.

Nagmadali na ako pabalik sa condo, naabutan ko sa labas si Joey na pawis na pawis.

"Bat ganyan itsura mo para kang hinabol at kinuyog."

Tinignan lang niya ako, halatang hirap siya magsalita.

"Tara sa loob, dun tayo magusap at malamigan ka man lang.

Papasok na ako ng pigilan niya ako.

"Kung may sasabihan ka gawin mo na, namumukha kang tanga sa ginagawa mo. Sabi mo may emergency, tignan mo nga yung phone ko naubos na ang battery kaka missed call at text mo."

"Pre kasi.... Si... eh.... Si...."

"Ano ba kasi yun! Bakit di ka magsalita ng maayos? May ginawa ka bang masama? Nakabuntis ka ba? Ano!"

"C-charlie an-ang ma-mama... mo biglang inatake sa puso. H-hindi n-namin alam ang gagawin kanina pa iyak ng iyak yung mga kapatid mo. Sinubukan kitang kontakin pero di ka sumasagot. Tinakbo ko na siya sa ospital, iniwan ko muna ang mga kapatid mo doon para magbantay."

"Ano pang ginagawa natin dito! Saang ospital?"

"Sa ******##$£ Hospital"

Nagmadali kami sa pagpunta sa ospital, hindi ako mapakali kaya si Joey na ang pinagdrive ko. Diyos ko po ayaw kong mawala ang nanay ko, hindi ko pa po napaparamdam sa kanya ang magandang buhay na inaasam niya.

Kahit sinasaktan niya kaming magkakapatid, nagpapasalamat pa din kami dahil hindi niya kami iniwan at pinabayaan tulad ng ibang mga magulang.

After 30 minutes na biyahe nakarating na kami, hinayaan ko na si Joey magpark at nagtungo kaagad ako sa emergency room.

Agad kong napansin ang mga kapatid ko na umiiyak hawak hawak ang kamay ni Inay.

"Kamusta siya?"

"Kuya!" Sabay na sigaw ng mga kapatid ko

"Ok na ba siya? Ok lang ba kayo? Ano sabi ng doctor? Nagising na ba si Inay?"

"Kuya andami mo namang tanong, kalma ka muna." sabi ni Cecil

"Eh papaano ako kakalma humahagol-gol kayo. Para kayong namatayan eh."

"Kuya sabi kasi ng doktor malubha na si nanay. Baka daw hindi na niya kayanin kung atakihin siya ulit."

"Dito muna kayong dalawa aasikasuhin ko lang lahat tungkol kay nanay para makakuha na tayo ng kwarto at magkaidea ako kung ano ang dapat gawin sa sakit niya."

Iniwan ko silang dalawa at dumiretso sa reception.

"Ito po ang mga kailangan niyong ifill-up, tapos kailangan namin ng ID. Kapag okay na sasabihan po namin kayo kung may available ng room."

"Sana masabihan niyo kami agad, di naman kailangan mamahalin basta may kwarto lang ang nanay at mga kapatid ko kapag nagbabantay sila."

Nang matapos ako sa pagaasikaso sa kailangan ni inay sa ospital, binalikan ko na ang mga kapatid ko, saktong nadatnan ko si Doktora.

"Ikaw ba ang nakakatandang kapatid nila Cecil at Judy?"

"Ako nga po, Charlie po pala."

"Hi Charlie ako si Doktora Aguilar, head cardiologist dito sa ospital."

"Cardi-Cardiologist? Ba-Bakit doktora ano po ba ang lagay ng nanay ko?"

Lumayo kami ng kaonti sa mga iyakin kong kapatid, sabagay okay na rin ang ganito para bawas sa pag-aalala nila.

"Tatapatin na kita kung hindi nadala agad ang nanay mo maari di mo na siyang maabutan..."

"Ha? A-Ano po ang problema?"

"She needs a heart transplant."

End of Chapter Thirty Six

Comment and Vote po! :)
Share to others na din!!!!

My Labs StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon