Six

1.9K 84 2
                                    

Charlie

"Thank you for your interest in applying for the position. We reviewed your application. Unfortunately you are not the right fit for the position at this time. Best of luck in your job search."

Tumango na lang ako at nagpasalamat. Aruy ko naman! Straight english eh mababang position lang naman ang pinag-aplayan ko.

Isa lang yan sa mga pinuntahan namin, puro ganyan at kungdi naman ay sorry lang, o kaya we will call you.

Alam na namin yan kasi nangyari na before kaya nga hirap na hirap kami maghanap ng trabaho. Yes! Kami! Kasama ko ngayon si mokong este si bespren, si preng Joey. Napagbalingan din ni Mang Raul ng galit ayun binawi ang binigay na trabaho.

"Buhay! Bakit napakapait mo sa amin!" sigaw nitong siraulong katabi ko

"Hoy! Tumigil ka nga nakakahiya sa mga katabi natin dito sa jeep. Pag di ka pa tumigil, who you ka sa akin."

"Preng Charlie kanina pa tayo, pero hanggang ngayon sapul pa rin tayo, gutom na nga ako eh!"

"May last pa tayong pupuntahan, konting tiis na lang. Malay mo ito na yung hinahanap natin."

"Kanina mo pa sinasabi yan, pagod na ako. Kung bakit kasi ako nadamay sa alitan niyo ni Mang Raul. Nagtratrabaho ako ng matino eh tapos bigla niya ako tatanggalin. Nasaan ang hustisya?"

"Isa di ka ba titigil? Pag wala pa rin ito, alis na tayo para kumain."

Tumigil na siya sa pagrereklamo. Papasok na kami ng building ng biglang.....

"Hoy! Tumigil ka ibalik mo yan! Tulong ! Tulong !" sigaw ng isang matanda

"Uy preng anong gagawin natin tumatakbo papalapit sa atin. Makikialam ba tayo?"

Bago ko sagutin si Joey, malakas kong sinipa yung salarin. Namimilipit sa sakit at nang subukan tumayo may mga pulis na dumating.

"Salamat! Mabuti na lang at napigilan niyo itong magnanakaw. Yung asawa ko kasi medyo may sakit kaya madali lang nahablot ang bag niya." sabi nung nagsisisigaw na matandang lalaki

"Wala pong anuman."

Paalis na kami nang...

"Sandali! Wag muna kayo umalis. Kayo na ang bahala diyan sa snatcher."

Lumapit sa amin yung matanda.

"Bakit po sir? May kailangan pa po ba kayo sa amin?" tanong ni Joey

"Gusto ko kayong pasalamatan." sabi niya habang seryosong nakatingin sa akin

"Ah ganun po ba, kahit magkano po ayos lang sa amin." sagot ni Joey

Sinuntok ko siya sa tagiliran.

"Pasensya na po kayo sa kaibigan ko. Di naman po kami naghahanap ng kapalit."

"Anong hindi..." singit ni Joey

Tinignan ko siya ng masama.

"Ha!Ha!Ha! Ayos lang nakakatuwa nga yang kasama mo. I insist, gusto ko kayong pasalamatan. Tara sa loob." sabay turo niya dun sa building na dapat papasukan namin

Habang nasa elevator kami, nagtanong si Joey kung ano ang trabaho nung matanda at laking gulat namin na siya pala ang may-ari. Naikwento din namin na naghahanap kami ng trabaho kahit sa janitorial services lang.

Nang makarating kami sa isang malaking opisina sa tuktok ng building
"This is great! Naghahanap kayo ng trabaho di ba. Sige, ganito you will work for me. Bayad at tulong ko na sa inyo tutal dahil sa inyo nahuli yung magnanakaw."

My Labs StoryWhere stories live. Discover now