Five

2K 74 4
                                    

Athena

"I told you I need those files today pero bakit hanggang ngayon wala pa, talaga bang gusto niyo akong nagagalit."

"Ma-Maam A-athena ka-katapos ko lang po ipacheck sa bawat department. Pasensya na po, medyo na-natagalan po sa Fi-Finance k-kasi marami pa po silang kailangan.."

"Reasons puro na lang reasons, may lakas loob ka pang manisi ng ibang department. Kung alam mo na ngang kailangan ko yun within the day you could have done it earlier hindi yun aantayin mo pang mag-uwian na. Ano ito overtime! Hay! Naku walang kwenta kang secretary!"

"Athena! Ano ito? Bakit nagkalat ang mga papeles?" tanong ng isang matandang lalaki

"Wala ito Papa."

"Anong wala, tignan mo nga yang secretarya mo iyak ng iyak at nagmamakaawa. Pang-ilan na ba yan?"

"Papa hayaan mo na ako, dinidisiplina ko lang itong incompetent na secretary ko. Biruin mo ba naman tsaka lang ihahabol kung kailan pauwi na ako. May dinner pa akong pupuntahan."

"Athena iha, learn to respect and understand your employee, kung palagi mo silang pagagalitan at sisigawan hindi sila kikilos ng maayos. Anlaki ng turnover rate mo, pang-pito na yata yan ngayong taon. And its not even the middle of the year."

"Go!" sabay turo ko sa labas ng pintuan

"M-Maam?" pagtatakang tanong niya

"I said Go! Get out of my office! Ako na ang tatapos nito at mag-aasikaso."

Tumakbo palabas ang t@ngang secretary. Sinumulan ko na ring pulutin isa-isa ang mga nakakalat na papel.

"Jerry,ikaw na ang mag-ayos ng kalat, kakausapin ko lang ang anak ko." sabi ni Papa sa assistant niya

Si Jerry Fatima, assistant ni Papa, matanda lang ng limang taon sa kanya. Matagal na siyang nagsisilbi sa pamilya Delgado, naabutan pa nga niya si Lolo. Siya ang parang butler namin sa bahay pati na din dito sa opisina. Siya ang katulong ni Papa sa mga financials.

"Ako na Papa!"

"Hayaan mo na siya diyan, I need to talk to you!"

Asar naman eeeh!

Iniwan ko na yung assistant niya at sumunod kay Papa sa kabilang room, which is a conference room.

"Sit down!"

"Papa!"

Sinamaan lang niya ako ng tingin. Kaya umupo na ako sa tabi niya.

"Iha matanda na ako, binigay ko naman ang lahat ng gusto at kailangan mo."

Ito nanaman po kami.

"Papa, guilt seriously. Matanda na rin ako para diyan. Kasalanan ko ba kung yung mga na-hire eh mga walang kwenta at mahina makaintindi."

"Walang perpektong secretary, assistant o maski employee. May mangyayari at mangyayaring mali sa bawat gawain o kilos nila, parte na yan ng buhay."

Di na ako nakaangal, syempre baka mamaya saan pa umabot ang pagtatalo namin.

"Respect and learn to treat your employees well and equally. Kung papakitaan mo sila ng masama at pagagalitan do it in a nice way kasi minsan nakakaapekto yan sa susunod nilang performance. Tandaan mo din na kung wala sila, hindi lalago ang negosyo natin."

"I can easily replace them."

"Yan diyan ka magaling, papaano kung wala ka ng ma-hire o di kaya wala ng nag-aapply."

"Okay fine! You win!"

Nakita kong nag-smile si Papa 😊

"Are we done? May pupuntahan pa ako Papa."

"O san yan? Uwian na, may pupuntahan ka pa. Bisitahin mo ang Mama mo, ilang weeks ka nang di nagpapakita o nagpaparamdam pero kung ayaw mo umuwi ka na sa condo mo at tigilan mo na ang paglalakwatsya."

"Sorry Papa, kailangan ko na talagang umalis. I'll see you soon, bibisita ako sa makalawa tutal weekend naman." sabi ko habang palabas ng conference room

Paglabas ko maayos na ang lahat wala ni isang papel ang nakakalat

"Maam nai-ayos ko na po ang lahat, yung kailangan niyo po nasa mesa na din, pirma na lang ang kulang."

"Bukas na lang yan. Tutal late na rin. Salamat. Paano mauna na ako. Si Papa nasa loob pa."

Babe,
Papunta na ako diyan. See you soon! Love you 💕😘

Message sent

Nasaan na si Manong Leo? Dapat yata dinala ko na lang ang sasakyan ko. Kawawa ang Babe ko kapag pinag-antay ko, gutom na yun.

Ako si Athena Delgado, COO ng Delgado Media Group (DMG) isang advertising company. Sikat kami sa Pilipinas at marami din kaming clients mapa-local or international. Nagsimula ito sa Lolo ko hanggang naipasa kay Papa. Masungit, Mataray, Terror, Sexy, Maganda, Matalino narinig ko na lahat mula sa mga employees namin dito sa company, mga katulong namin sa bahay o sa mga kaibigan at nakakakilala sa akin. Yung tunay na ako tanging malalapit lang sa akin ang nakakakita at nakakaalam. Mahirap na magtiwala. Mabilis kasi ako mawalan nun. Nag-iisang anak ako, sa pagkakaalam ko ha! Nakabukod na rin ako sa pamilya ko kasi nga yung boyfriend ko nakatira na kasama ko.

Hay! SALAMAT!

"Sorry po Maam Athena, mahaba po ang pila palabas ng parking."

Aysus ayan reasons nanaman. Pabayaan ko na nga lang, ayoko masirang tuluyan ang araw ko lalo na at may dinner kami ni Babe.

"Pakidalian na lang po Manong Leo sa dati po ulit."

Alam na niya kung san kami madalas mag-date. Kaya di ko na sinabi kung saan kami pupunta. Napansin ko papasok, sira pa rin yung harapan ng sasakyan. Bukas ko na siya pupunahin.

"Babes angtagal mo naman. Gutom na ako eh!"

Ang Babe ko si Ethan Vargas, ang bad boy boyfriend ko, guwapo, habulin ng mga babae, mapang-asar, malakas mag-yosi at uminom ng alak pero wag ka mahal ko yan. Siya lang kasi ang nakilala kong nakakatiis sa ugali ko.

"Babe pwede mo ba ako samahan sa sabado?"

"San babes? Ipagshoshopping mo ba ako ulit? May gusto nga pala akong motor kaso kulang yung sweldo ko."

Maraming kailangan yan ngunit never ako nagreklamo, ewan ko kung bakit, malakas talaga sa akin. Pero with moderation hindi agree agad. Ano ako sugar mommy.

"Bibisita ako kayna Papa at Mama, namimiss na daw nila ako.  Naisip ko na din dun ka ipakilala."

"Okay ba sila sa akin?"

"Don't worry they'll love you for me. If may tutol sa atin I don't care hindi naman sila ang makakasama mo kungdi ako."

"Sige babes, sabihan mo lang ako kung anong oras para check ko yung sched ko."

Dumating na yung order namin at kumain na kami.

I hope everything will turn out well this Saturday.

End of Chapter Five

Comment and Vote po! :)
Share to others na din!!!!

My Labs StoryWhere stories live. Discover now