Twenty Eight

1.3K 54 4
                                    

Athena

"Layuan mo na ang lalaking iyon wala siyang maidudulot na mabuti sa buhay mo. It seems very romantic when you fight for love, but relationship without our approval and support is not worth it. We know what's best for you and your future family." galit na sigaw ni Mama

"Di niyo pa siya ganoon kakilala, he can make an effort to connect with you kasi mahal niya ako at ang gusto lang niya ay tanggapin niyo siya para sa akin."

"Nakakasiguro ka ba na mahal ka niya, na hindi ka niya iiwan. Kaya ba niyang buhayin ikaw at ang magiging anak ninyo. Anak sanay ka sa luho sa tingin mo matatamasan mo pa iyon kapag siya ang pinili mo."

"Ma Minahal niya ako dahil mahal niya ako at hindi sa pera o kayamanan ko. He has good intentions and I know that he will be always beside me until we get old."

"Nasasabi mo lang yan because you are blinded. Ano yung nababalitaan namin ng Papa mo na you spend so much for his birthday at meron pa raw post birthday gift that cost millions. Di ba mukhang pera ang habol niya sa iyo."

"Ako ang kusang nagbigay, ganoon naman kapag mahal niyo ang isa't isa give and take."

"Pero sa inyo parang puro give. Basta kay Adrian ka pa din, ipinagkasundo ka na namin, kung susuway ka pa din wala kang makukuha sa amin at sisiguraduhin namin ng Papa mo na wala makakatulong sa inyo, you both will work hard to earn for your family. Tignan natin kung makakatagal kayo."

Tumayo si Mama sa upuan at dumiretso sa kusina.

"Anak, Athena, pagpasensyahan mo na ang Mama mo, mahal ka namin, we just want what's best for you, we want to protect you and your future. Magulang kami, kasama mo kami simula ng na sinapupunan ka pa lang, alam namin yung gusto mo, ayaw mo, ang ugali mo, ang mga makakabuti sa iyo. Sundin mo na lang kami, after naman na magkaroon ka ng sarili mong pamilya ikaw na ang bahala. We feel na hindi siya ang para sa iyo."

Pagkatapos manermon ni Papa ay pumasok na siya sa Home Office niya.

Ang sinasabi ba nila si Adrian ang para sa akin at hindi si Ethan.

Argh!!!!! Bwisit!

Umalis ako sa mansion para puntahan ang boyfriend ko.

"Babes ano ginagawa mo dito? Di ba mamaya pa tayo magkikita."

"So babe ayaw mo ko makasama!"

"Naku nagtatampo babes ko, halika nga dito sa tabi ko."

Lumapit ako sa may bar kasi dun siya nakaupo nagtsetsek ng inventory

"Bakit malungkot ang babes ko? Sino nanaman ang kaaway mo?"

"Di pa ba halata. Babe kaya mo naman akong ipaglaban di ba. Hindi lang pera ang habol mo sa akin at mahal na mahal mo ako di ba."

Kaasar ito angtagal sumagot. Pinag-iisipan pa ba yun.

"Babes magpanggap ka na lang kayang inlove sa kanya, pakasalan mo siya yung parang fake marriage sa mga palabas. Ako pa rin naman ang boyfriend mo, di kita iiwanan."

"Babe ano ba yang plano mo, seryoso ka fake marriage. Bakit di mo pa kasi ako pakasalan. Kapag ginawa mo yun wala naman na ring magagawa sina mama at papa. Tsak tatanggapin ka nila agad."

"Babes alam mong nag-iipon pa ako, and may mga pangarap pa ako. Para sa atin din naman yung ginagawa ko."

"Babe kaya mo na akong buhayin pati ang mga magiging anak natin. Meron ka naman nitong bar."

"Babes hindi sa akin ito, yun nga ang pinag-iipunan ko, magkaroon ng sarili kong bar, at iba pang business. Please tiisin mo muna ang parents mo, sundin mo sila, sayang naman ang yaman mo kung hindi nila ibibigay yun, para sa mga anak natin babes."

"Wala akong pakialam sa pera nila ikaw lang masaya na ako."

"Pag-isipan mo babes madali lang naman enter that fake marriage pagkatapos ng 1-2 years maghiwalay kayo. Para lang hindi ka mawalan ng mana. At yung makukuha mo sa parents mo pwede natin ipampatayo ng sarili kong bar at bahay natin. Sayang din yang work mo, mahirap maghanap ng trabaho ngayon."

Yung totoo puro na lang pera, yaman, mana. Ganyan na ba ang love it revolves around money. Siya lang naman ang kailangan ko.

Iniwan ko na si Ethan sa bar at dumiretso na ako sa condo dahil di ko matatagalan ang panenermon ni Papa lalo na si Mama.

Condo

Fake marriage! Aabot ba ako sa ganoon makamit ko lang ang kaligayahan inaasam ko. Ayoko din naman mawalan ng trabaho at lalong lalo na ang malayo ang loob ng mga magulang ko sa akin, kapag nangyari yun pati mga magiging anak namin ni Ethan ay mahihirapan din.

1-2 years kaya ko ba yun?
Makita ko nga lang ang pagmumukha ng patpatin na yun ay nabibwisit na ako at nasisira ang araw ko. Matagalan ko kaya siya.

Sa sobrang stress ng pag-iisip ko sa suggestion ng boyfriend ko, di ko namalayang nakatulog na pala ako.

Friday

Hay.... Di ba matalino ako, matapang pero bakit ganito. Kaya ko naman mabuhay mag-isa marami na akong naging accomplishments so looking for another job wouldn't be hard. Hindi ako maghihirap.

"Wala namang mawawala kung susubukan mo babes. Mas pabor pa nga sa iyo kasi I will still stay with you."

Yes nandito ang boyfriend ko, katabi ko siya sa kama, actually kararating lang niya kanina, naging busy daw sa bar kaya late na nakauwi.

"Okay fine, I will do it. Basta after the fake marriage, I want a real marriage with you."

Ay bastos tinulugan ako.

Tumayo ako sa kama, iniwan ko na sa kwarto si Ethan to eat breakfast and freshen up.

After I've done everthing I needed to do for the day, pinuntahan ko na si Adrian sa office. Well the usual happen, bangayan.

Nag-usap kami na willing ako to do the project at di din naman ako makakatanggi kasi yun ang gusto ng parents namin.

Sinabihan ko siya na magkita kami bukas at nakuha ko na din ang personal number niya para madali siyang makausap.

Subukan lang talaga niyang di sumipot malilintikan sa akin yung patpatin na yun.

I hope I am doing the right thing.

End of Chapter Twenty-Eight

Comment and Vote po! :)
Share to others na din!!!!

My Labs StoryWhere stories live. Discover now