Thirty One

1.3K 63 7
                                    

Charlie/Adrian

Naubos ang buong umaga ko kasama ng pamilya, yung totoong pamilya ko ha! Oo nga pala alam niyo bang simula ng magkatrabaho ako at kumita ng malaki nag-iba na ang ugali ni Nanay. Parang bumalik na sa dati mabait ay maalagang ina yun ang naalala ko sa kanya. Hindi ko na rin siya pinagtratrabaho sabi ko ako na ang bahalang bumubay sa kanila. Yung dalawa kong kapatid tuwang-tuwa kasi nailabas ko sila syempre kasama si Nanay. Dinala ko sila sa mall. Una naming ginawa ay kumain. Gusto nila sa Jollibee kaya dun kami pumunta matapos naming kumain pinagshopping ko sila ng mga damit at iba nilang kailangan sa school at sa bahay. Tapos sinamahan ko yung dalawang bata sa arcade habang si Nanay nasa grocery namimili. Dala dala ko nga pala yung kotseng ibinigay sa akin ni Dad kaya lahat ng nabili inilagay ko muna doon mahirap ng magbitbit ng marami.

Hapon na din ng matapos kami. Kinakailangan ko ng magpaalam sa kanila dahil may pupuntahan pa akong dinner mamaya. Nang maibaba ko sila sa bahay nagpaalam na ako kay inay at sa mga kapatid ko. Tinanong nila ako kung kailan ulit ako makakadalaw sabi ko ay titignan ko pa. Inabot ko kay nanay yung mumurahing cellphone na binili ko kanina tatlo iyon tig-iisa sila para madali ko silang macontact. Sobra sobra na daw ang nagawa ko sagot ko naman kulang pa yun sa ginawang pag-aalaga niya sa aming magkakapatid kahit na nasasaktan niya kami noon.

Baka pa magkadramahan umalis na ako at nagmaneho papunta sa mansion nila Athena.

5:30pm

"Adrian buti nakapunta ka. Akala ko nakalimutan mo na."

"Sorry Mom may inasikaso lang kasi ako."

"Naku sino naman kaya yan!" pang-aasar ni Mom

"Ah eh ma ako na lang ba ang inaantay, tara pasok na tayo."

Sabi niya wala pa daw si Athena. Sa garden kami dumiretso kasi dun gagawin ang dinner. Nang makaupo, isa-isang nilabas ang pagkain. Wala pa ang Papa ni Athena atsaka siya kaya nagkwekwentuhan muna sila.

Alas sais na ng nakarating si Athena nasa likod siya ng Papa niya.

"Athena glad you could join us. Akala ko hindi ka na pupunta." sabi ng Mama niya

"I wouldn't miss it for the world Ma. Hi Tita Hi Tito." sabay beso sa parents ko

"So ano itong good news na sasabihin mo? Your Papa was telling me earlier that you will announce something."

Natahimik ang lahat at kita kong tumingin muna siya sa akin bago nagsalita

"Well your prayers have been answered Adrian and I are dating."

😯😳😳😯

😱

OMG muntikan ko ng maibuga yung pagkain sa bibig ko. Oo alam kong magsisimula na ang fake relationship namin pero agad agad wala man lang pasabi or rehearsal na naganap.

"Really! Totoo ba yung sinasabi niya anak?" si mom ang unang nagsalita at nagtanong

"Congratulations Adrian." sabi naman ni dad

"Ambilis naman yata. Kailan pa ito Athena?" tanong ng mama niya

"Paano na yung boyfriend mo, what's his name?" singit ng Papa niya

"Ethan and I broke up last night, then nagkita kami ni Adrian somewhere we talk and one thing led to another."

"What do you mean? Buntis ka ba?"

My Labs StoryOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz