Forty Five

1.2K 56 15
                                    

Charlie/Adrian

"Dada look o I got you something."

"Ano yan baby?"

"I got you your favorite ice cream."

"Thank you anak, nag-enjoy ka ba kasama ng Lola at Titas mo?"

"Opo sumakay kami ng fewis wheel and the horsy."

"Baby we call that ride merry go round."

She just smiled at me and then binigay niya sa akin ang ice cream, kinukulit pa akong buksan ko na daw so I did.

"Wow! Chocolate."

"Our favorite." sabi niya

"Anak hawak hawak niya yan hanggang makauwi kami at sinabi niyang para sa iyo daw ito. She is so sweet." sabi ng Lola niya

"Christa tara sa labas with Lola, okay? Gagawa siya ng madaming cupcakes and cookies for you. Let's eat it, tara." pag-aaya ni Cecil

Umiling ang anak ko at lalong yumakap sa akin.

"Christa, halika na sa labas magdrawing na lang tayo o kaya basahan kita ng mga stories, ano gusto mo?" si Judy naman ang nagtry

Ayaw pa din ng bata at patuloy sa di pagpansin sa mga titas niya.

"I want to be with Dada. I will be quiet and behave. Shh! Shh! Shh!" sabi ng anak ko

"Okay baby." sabay halik ko sa noo.

Bumaba sa lap ko si Christa at nagtungo sa may table, doon kasi nakalagay ang mga photos namin.

"Dahan dahan lang apo." sabi ni inay habang umaakyat sa upuan at inaalalayan niya.

"Anak..."

Bago pa matuloy ni Inay ang sasabihin niya ay nilapitan ko ang anak ko.

"Christa anak, punta tayo sa beach, okay?"

"Di ba pagod po kayo?"

"No I'm not. Ikaw ba?"

"No! Lets go, I want to pick shells and sand."

Lumabas kami at iniwan sila inay.

At the beach.......

"Dada you really like the beach."

"Syempre baby, alam mo dito dapat tayo maninirahan kasama ng Mama mo. Its peaceful and quiet at yung tunog ng alon can be calming." sagot ko sa kanya habang naglalakad kami.

"Anak maglaro ka lang ha, uupo lang si dada doon habang pinapanood ka. Don't worry I will never leave you."

Hinayaan kong maglaro sa buhangin at mamulot ng shells ang anak ko.

"Dada ang dami shells dito!" sigaw niya

Nginitian ko lang siya.

Bakit?

Bakit ikaw pa?

Ako.. Ako na lang sana.

Bigla akong bumalik sa ulirat nang lumapit si Christa

"Dada, Dada this is for you, so pwetty right?"

My Labs StoryМесто, где живут истории. Откройте их для себя