Forty Seven

760 40 7
                                    

Happy New Year sa inyo 🎆😊

Athena

"Hun napadala mo na ba yung mga invitations?"

"Oo last week pa, bakit?

"May isa kasing naiwan dito sa may dresser mo. Hun sino si Charlie?"

"A friend." sagot ko habang papalabas sa bathroom.

"Okay. Ready ka na ba? Sabay na tayong pumunta dun sa store."

"Hun mauna ka na sabay sabay kasi kami ng mga friends ko, tsaka alam mo naman malas kapag nakita ng groom ang bride in her wedding dress di ba."

"Sige na nga malakas ka sa akin eh, I'll see you soon hun, ingat ka, text or call me kapag tapos na kayo para masundo kita."

Nang makaalis si Richard nagpunta ako sa dresser para kunin yung invitation para sa kanya, sakto naman ang pagdating ng mga kaibigan kong si Donna at Cindy.

"Ready ka na ba girl?"

Siya si Cindy I met her before sa isang seminar that I was force to attend, si Papa kasi pinilit akong pumunta para naman daw makakilala ako ng ibang tao, simula kasi nung bumalik ako sa office puro trabaho na lang ang inatupag ko napagod na siguro ako magtiwala at magmahal sa ibang tao well im sure you know what happen to me before. Anak siya ng kaibigan ni Papa, nung una nakukulitan ako sa kanya pero habang tumagal I got to know her more and we have so many things in common.

"Kunin ko lang yung bag ko at magdamit lang ako tapos diretso na tayo sa store, tinawagan ako kanina ansabi ready to fit and for pick up na ang mga damit natin."

"Di ba naipadala na natin lahat ng mga invitations may nakalimutan ba tayo?" sabay turo sa hawak kong invitation

Siya naman si Donna, friend ni Trixie na naging friend ko na din, teacher sa isang private pre school, matalino yan, mabait na anak, maganda din siya tulad ko, pero ang totoo sa aming tatlo ako ang pinakamaganda. Medyo may pagkaconservative ang dating feeling ko nga tatandang dalaga ang babaeng ito.

"I'll explain later magbihis lang ako para makaalis na tayo."

Mga ilang minuto din silang nag-antay.  Sa sasakyan ni Cindy kami sumakay kasi yung isa di marunong magmaneho, at yung driver ko naman naka-off ngayon.

"Girl ano na, sabi mo magkwekwento ka."

"Naalala mo yung nakwento ko sa iyo before na tumulong sa akin to move on?"

"Oo yung prince charming mo ay este Charlie right?"

"Sa kanya itong invitation, gusto ko kasi personal kong ibigay sa kanya ito pero...."

"Wala kang lakas ng loob." singit naman ni Donna

"Paano nabasted ng kaibigan natin eh." sambit naman ni Cindy

"Di ko binasted parehas kaming nagdesisyon na ipahinga muna ang mga puso namin kasi kapag minadali naman pareha kaming masasaktan at tuluyang igive-up ang love."

Pagkatapos kong makilala sina Cindy at Donna nagdesisyon ako magpakalayo-layo muna but I still did my work, at dun ko nakilala ang fiancé ko si Richard Rojas, isang businessman mas matanda sa akin ng ilang taon. Honestly his a lot different from my previous relationship, gentelman, mature, goal oriented, he can take care of himself and doesnt ask me anything ang gusto lang daw niya ay mahalin ko siya at laging nasa tabi niya, sweet pero may iba kasi.

Para bang may mali, may kulang....

"Uy Athena tulala ka na diyan, siguro iniisip mo yung Charlie noh! Girl remember ikakasal ka na."

My Labs StoryWhere stories live. Discover now