Forty Three

1.1K 48 3
                                    

Nanay ni Charlie

.........

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Kahit man ako nagulat dahil hindi ko akalain may pagsasabihan ako ng sikreto na ito. Nangako akong ibabaon ko ito kasama ko.

"A-ano po?"

"Hindi ko anak si Charlie."

"Pero paano po nangyari yun, nagpabackground check po yung boss namin at sabi dun anak niyo siya at foreigner na tatay."

"Hahaha foreigner na tatay, oo may nakadate akong foreigner pero never ako nagkaanak sa kanya maingat ang g@gö."

Patuloy pa rin si Kristel sa pagsasalita ang totoo wala na ako maintindihan dahil biglang nagflashback ang lahat.

Flashback 1990's .....

Nakipagsapalaran ako sa Maynila, wala na din naman akong pamilya mabuti pang iwanan ko na itong probinsya. Sabi nila maraming oportunidad doon, maraming pera at trabaho.

Dahil wala akong natapos, namasukan akong bayarang babae sa isang high class club. Sinubukan kong humanap ng iba pero ayaw nila akong tanggapin bukod sa bata pa eh wala akong alam.

Maingat ako di ko hinahayaang mabuntis ng kung sino di ko nga maalagaan ang sarili ko bata pa kaya.

Papunta na kami ng foreigner na kasama ko sa sasakyan niya, take home ako ngayon, well sa hotel lang naman kami kung san siya naka-stay.

"Hey! Stop it not here."

"Ey baby I can't wait to taste you."

Hinawakan niya ako sa pwet at marahas na hinalikan sa hood pa lang kami ng sasakyan niya ganyan na siya kapusok.

"What is that? D-do y-you hear it?"

"Come on I don't here anything." patuloy sa paghimas sa maselan kong bahagi

Pinatigil ko siya dahil palakas ng palakas yung ingay.

Naglakad ako ng konti at nakita ko may limang bata na pinagtutulungan ang isang maliit na bata.

"Hoy kayong mga bata itigil niyo tatawag ako ng pulis o taga dswd."

Tara! Tara!

Mabilis na tumakbo ang mga bata at agad ko naman nilapitan yung taong sinasaktan nila.

"Ayos ka lang?"

Di na siya nakasagot kaya inuwi ko na siya, iniwan ko yung foreigner. Hindi ko alam kung bakit ginawa ko yun di ko kaano-ano ang batang tinulungan ko. Sabi ko nga di ako mag-aaanak dahil di ko maalagaan ang sarili ko bata pa kaya. Pero naawa ako, parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Nag-iisa, walang pamilya.

Present 2020.....

Nabalik ang atensyon ko sa taong nasa harapan ko.

"Paano po nangyari yun? Hinanap niyo po ba ang tunay niyang mga magulang?"

"Nangulila ako, naghanap ako ng pagmamahal sa iba, ng pamilya. Ako na lang ang magisa sa mundo at naramdaman kong di ko kakayanin pang mabuhay. Ang totoo buntis ako ng umalis ako sa probinsya, lumayo ako sa kasintahan ko dahil alam kong di niya kami tatanggapin at wala na rin naman akong dahilan upang manatili doon. Nang makarating ako dito sa maynila may nangyari sa akin na naging sanhi ng pagkakunan ko. Simula noon ayoko na magpabuntis, ayoko na magkaanak.

Nagbago ang lahat ng makilala ko ang batang iyon."

"Kilala niyo po ba kung sino ang tatay at nanay niya? Bakit nag-iba ang pakikitungo niyo sa kanya?"

"Oo sinasaktan ko sila at napapagalitan pero mahal na mahal ko ang mga anak ko. Mahirap ang buhay lalo pa at wala akong kasamang bubuhay sa mga bata. Nagpakalasing ako, lalaki dito, lalaki doon. Parang walang papatutunguhan ang buhay ko kaya mas pinili ko na lang maging miserable, ibinuntong ko ang galit ko sa kanila. Kung di ko sana tinulungan si Charlie, at hindi ako nagpabuntis eh di sana maganda ang buhay ko ngayon baka nga nakapag-aral pa ako. Pero nandyan na eh, si Charlie, Cecil at Judy."

"Si Cecil at Judy po anak niyo talaga tama? Nasaan ang ama nila?"

"Ang hayop! Aba malay ko. Iniwan niya kami, di na nagpakita."

"Dapat kayo ho ang magsabi kay Charlie, mas alam niyo ang nangyari, maaring makatulong kayo kung sakaling hanapin niya ang tunay niyang pamilya."

"Hindi mo naiintindihan, ayokong bago ako mamatay eh magkagalit kami. Ang mga anak ko ang buhay ko, sinamahan nila ako inalagaan, nakaya nilang tiisin ang pag-uugali ko, ayokong...."





Kristel

Kitang kita ko ang lungkot sa mukha niya. Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya na biglang naghihingalo siya.

"Nurse! Nurse!" sigaw ko sa labas

Dalawang nurse at isang duty doctor ang pumasok nakita kong para siyang walang buhay, sinubukan nilang irevive. 

The doctor rub a pair of paddles together, tapos sumigaw ng 'Clear!' and the doctor zaps her with the paddles. Ginawa niya yun ng tatlong beses nang....

Toot! Toot! Toot! Toot!

"Okay may pulso na siya ulit."

Kinakabahan ako, nanginginig, Diyos ko wag ngayon marami pa siyang sasabihin kay Charlie.

"She is fine for now. Again wag niyong bigyan ng stress ang pasyente. Hindi maganda sa katawan niya kung di natin naagapan baka wala na siya ngayon. Kinailangan na ng defibrillator dahil may ilang segundong di huminga ang pasyente."

Ano na ang gagawin ko? Di ko pa nga nasasabing may anak kami ni Charlie tapos itong pang sikreto ng nanay niya. Mas lumala ang atake niya ngayon kasi.....

Nagpunta muna ako sa cr pero habang papunta unti-unting lumalabo ang paningin ko, sabi ko sa sarili ko baka gutom lang ako pero hindi eh. Bakit sunod-sunod ang problema namin. Kung di ba ako bumalik wala na akong iisipin pa kungdi ang anak ko. Magmula ng dumating ako dito puro na lang problema walang solusyon. Masaya kami ng anak ko sa probinsya, dapat bang umuwi na lang ako?

Litong-lito na ako sa susunod kong gagawin.

Hindi Kristel tama ito, ayaw mong lumaki ang anak mong kulang sa pagmamahal, gusto mo kumpleto ang pamilya niya.

Pagkatapos ng lahat nagdesisyon akong maging donor, na kapag namatay ako mapupunta ang puso ko sa nanay ni Charlie. Sakto naman kasing match daw ang puso ko di daw magkakaproblema. Di ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko pero ito na lang ang naisip kong paraan. Wala naman akong sinasabi na gusto ko ng mamatay just in case lang na may mangyari sa akin. Syempre mas okay na din na makakuha na kaagad ng donor. Dahil kailangan ko pang mabuhay para sa anak ko. Ok ng mabulag ako basta makasama ko lang ang pamilya ko. Pumirma na ako at lahat-lahat.

Palabas na ako ng opisina at pabalik na sa kwarto nang...

"Ano yan?"

End of Chapter Forty Three

Comment and Vote po! :)
Share to others na din!!!!

My Labs StoryWhere stories live. Discover now