Twenty

1.6K 70 7
                                    

Sorry po kung natagalan bago ako makapag-update, pero ito na po chapter 20, enjoy, and please vote po :)

Charlie/Adrian

Monday na, one week na rin ang nakalipas since nagstart ako magwork dito sa kumpanya. So far so good, pero mahirap ng onti, kasi ba naman anak ka ng may-ari, daming expectations.

May times na yung isang boss nang kabilang department, pinapahirapan ako, hindi porket anak ako ng pinaka boss eh exempted daw, isa lang yan sa mga parinig niya. Binibigyan nila ako ng gagawin, ansabi magsimula muna ako sa easy task, kaya ito puro clerical work ang trabaho ko.

"Adrian pwede ka bang bumili ng juice and snacks for the meeting later? Ako kasi dapat ang bibili kaso I'm sooo busy." maarteng pagkakasabi niya

Di na ako nagreklamo at pumayag na sa utos niya, baka pagsimulan lang ng tsismis kapag tumanggi ako.

Iniabot sa akin ang pera at nagpaalam ako sa head namin na lalabas lang para bumili ng food.

Papunta na ako sa elevator at ready to press the button ng biglang bumukas ito.

O bakit gulat na gulat siya, tapos biglang simangot, meron ba siya?

Aish!! Di bale na, mabuting wala muna kaming pansinan, nasobrahan na ako nung nakaraan mamaya mas lalong magalit lang ang babaeng ito at tuluyan na akong di kausapin.

Pagpasok ko, total silence, tanging ingay ng elevator lang ang maririnig.

"Buti na lang at nakita kita, I was on my way sa department niyo."

Aba! Himala! Kinibo niya ako at di lang yan siya unang nagsalita.

"Anyways, the reason I was looking for you is because your dad told me na may imemeet ka daw mamayang client. Gusto niya imbis na siya ang makipag-usap, ikaw ang ihaharap niya para mas kapani-paniwala ang pagiging Adrian mo and besides sayang naman yung mga naaral mo."

"Anong oras? May pinapagawa pa kasi sa akin."

"Lunch time. Tapusin mo na agad kung ano mang trabaho iyan. Si Sir Art mismo ang nag-utos nito kaya hindi mo pwedeng hindi gawin." masungit na sagot niya

Malapit na kami sa lobby nang biglang, may malakas na tumunog sa tuktok ng elevator.

AHHHH! Aahhhh!

Itong kasama ko patuloy pa rin sa pagsisigaw.

Ahhh! Ayoko nito!!!! Nasan yung back up light dapat meron yun!!!!

Para tumigil siya at ma-assess ko ang situation nilapitan ko siya at niyakap.

"Tama na yan. Nandito lang ako, wag ka na matakot."

Success at tumahimik siya pero gulat na lang ako sa mga susunod na nangyari.

Pak!

"Aray!!! Ba-bakit mo ginawa yun, sus ang bigat ng kamay mo ha!!"

"Chansing ka na! Porket takot ako sa dilim, lumayo ka nga sa akin di ako makahinga."

"Hoy! Ms.Kristel Aquino, for your information, di kita type. Kung pwede lang yung crush ko ang kasama ko dito at hindi ang isang masungit, mataray na tulad mo."

My Labs StoryNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ