Eighteen

1.5K 72 2
                                    

Charlie/Adrian

Ngayon lang nangyari sa akin ito, quota na nga ako sa kakasabi ng salitang sorry, at take note isang babae lang ang pinagsabihan ko niyan.

Napakaseryoso kasi niyang tao, try din niyang mag-loosen up, sure akong tatandang dalaga ito.

Oo may part din na ako ang may sala pero I thought it would be fun yun pala lalo lang siyang magagalit.

Babae naman ako ah may pusong lalaki nga lang pero di ko talaga sila maintindihan.

Tapos yung nangyari pa kanina, sanay ako na nakahubad sa bahay pero ung pangtaas lang naka boxers ako or shorts madalas. Hindi ko alam na darating siya kaya ayun nakita niya akong nakahubad sakto paglabas ko ng banyo. Babalewalain ko na sana yun kaso may sinabi siyang hindi ko nagustuhan kaya naisip ko para makaganti and for the fun, inasar ko siya.

Ang kinalabasan, wrong move pa ata. Hanggang makarating kami sa mansyon walang pansinan o pag-uusap ang naganap.

"Anak buti at nakarating ka, nasa kusina lang ang mommy mo, diretso ka na lang sa dining at susunod kami."

Aalis na si Kristel ng pigilan siya ni Daddy para yayain na sumabay sa aming kumain. Sinabi din niya na may makakasalo din kaming bisita.

Dinner..

Sabi na nga ba sila ang bwisita namin. Nang makaupo kami saktong lumabas si Mommy mula sa kitchen kasabay niya yung ibang maid dala-dala ang iba't ibang putahe.

"Since may bisita at after so many years apart napagluto ko na ulit ang anak ko, di na ako nag-sayang ng oras at dinamihan ko na at syempre nandiyan din ang sinigang na hipon na alam kong favorite niya."

Patay hipon. Paano kaya ito? Hindi ko pwedeng kainin yan dahil allergic ako sa hipon. Nung bata ako bihira lang kami makakain ng masarap at mahal tulad ng hipon, kaya nang makakain ako biglang inatake ako, rashes everywhere at namamaga yung mukha ko, sama mo pa yung hirap makahinga, ayun takbo kaagad sa ospital. Simula nang mangyari yun wala ng hipon para sa amin.

Kapag tumanggi ako makakahalata sila, ahh basta kakain siguro ako ng konti tapos ihuhuli ko na lang.

"Anak sige na, kain ka na, tikman mo ang luto ni mommy."

"S-sige po sabay-sabay na po tayo."

Nagsimula na kaming kumain, sina Daddy at ang Dad ni Athena masayang nagkwekwentuhan, si mommy naman kausap si Mrs. Delgado.

Akala ko kapatid ni Athena yung kasama niya pero ang kwento yun daw ang boyfriend, in fairness mukhang suso si kuya bagay na bagay sila.

"So Adrian I heard magsisimula ka ng magtrabaho para sa company ng Dad mo."

"A-ah yes po Tita, yun nga po ang balak ko, since napagdesisyonan ko na magstay."

"Tamang-tama if you need some advertisements for your mall, you can work with my daughter and its also a way for you to get to know each other better."

"Ma!" sigaw ni Athena

Ito nanaman po tayo, simula ng makilala ako ng mama ni Athena wala na siyang ginawa kungdi paglapitin kaming dalawa. Madalas tuloy sila magbangayan kahit sa harap ng ibang tao.

"Sinabi ko na po at ito nga kasama ko si Ethan, BOYFRIEND KO!"

"Stop it Athena!"

"No you stop! Taken na ako at isa pa parang lampa yang pinapartner mo sa akin malayong malayo sa type ko."

"May mapapala ka ba diyan sa kasama mo? Tandaan mo kami pa rin ang may-ari ng business wala ka pang napapatunayan."

"Ethan tara na! Hayaan mo silang magsama-sama dito."

Walk out si Athena kasama nung mukhang suso pero ang parents niya nagpaiwan at di na siya sinundan. Tahimik ang paligid siguro mga ilang minuto lang tapos balik na sa pag-uusap ang mga matatanda.

"Adrian iho, di mo pa natitikman yung sinigang, gusto mo kuhaan kita?"

"A-hh eh wag na po ma, busog na po kasi ako, n-next time na lang po pero ansarap po nung ibang nakain ko."

"Okay, dito ka na matulog sa bahay."

Tumango ako at umalis na.

Paakyat na ako sa kwarto ng biglang may magsalita

"Sana kumain ka man lang kahit konti, tandaan mo trabaho mo ang magpanggap bilang si Adrian so play your part." masungit niyang sabi

"Don't worry Ms. Aquino, gagawin ko ang binigay na trabaho sa akin, hindi naman ako nagpapapetiks-petiks."

Kung alam mo lang ang sitwasyon ko.

"Bukas magsisimula na ang additional work mo para sa kumpanya. Pinagpipilian namin ni Sir Art kung san ka ilalagay."

"And?"

"Sa Public Relations ka namin ilalagay, but you will be part of a team hindi ikaw ang mamahala since wala kang background at experience unlike the REAL Adrian."

And diin nun, pero okay lang sa akin kasi tama naman siya, I AM NOT THE REAL ADRIAN!

"May sasabihin ka pa ba?" seryosong tanong ko

"Yun lang, make sure to be ready tomorrow as early as possible, baka malate ka pa, mahiya ka naman sa mga totoong empleyado."

Aray! Ayan nanaman siya, ano ba ang problema niya sa akin. Empleyado naman ako ah! Iba nga lang ang nature ng work ko.

Gusto ko sana siyang sagutin at inisin makabawi man lang pero iniwan ko na siya sa baba, ni hindi nga ako nagpaalam, diretso sa kwarto agad. Nakakapagod siya, super stress pa. Imbis na tayuan ako sa sobrang kagandahan palpak naman sa ugali. Ang sakit pa magsalita parang di tao ang kausap niya. Hoy! Ms. Sungit may feelings din ako!!!

Makapagshower na nga!

Mga 8:30 na ako natapos maligo at nagbihis ako agad.

Tok! Tok! Tok!

"Adrian? Anak? Gising ka pa ba?"

Si mommy, ano kaya kailangan niya?

"Anak pwede ba ako pumasok?"

"Sige po, bukas po yan."

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si mommy may dalang gatas.

"Alam ko di na baby ang unico iho ko pero pagbigyan mo na si mommy, nasanay na eh!"

Kinuha ko ang basong hawak niya at paonti-onting ininom ito.

"Ayos ka lang ba? Wag mo ng pansinin yung nangyari kanina."

Siguro ang tinutukoy niya yung drama kanina sa dining.

"Okay lang po, isa pa di ko naman type yun eh!"

"Aba! Eh sino ba ang type mo? Ano bang klaseng babae ang nagpapatibok sa puso ng baby ko?"

Yung tulad ni Rosalie my loves! Hehehehe

😯 oops di niya pwedeng malaman yun.

"Sa susunod ko na lang sasabihin sa inyo ma, inaantok na din po ako."

"O siya sige aantayin ko yang sagot mo, magpahinga ka na, maaga ka pa bukas."

Ibinalik ko na ang baso kay mommy at lumabas na siya sa kwarto ko.

Hay, muntik na yun, pero tsak kukulitin niya ako sa sagot, bahala na si batman pag dumating ang araw.

End of Chapter Eighteen

Comment and Vote po! :)
Share to others na din!!!!

My Labs StoryKde žijí příběhy. Začni objevovat