Nine

1.7K 76 4
                                    

Charlie

"Desidido ka na ba?"

"Kahit ano ang gawin at sabihin mo buo na ang desisyon ko kagabi pa. Nakausap ko na sina nanay, si Mang Raul nasabihan ko na din, ikaw na lang talaga. After nito pupuntahan ko na si Sir Arturo."

"Pre pati si Mang Raul sinabihan mo?"

"Sira iba naman yung sinabi ko sa kanya, bale di lahat, sabi ko lang na mag-antay siya at wag mag-alala dahil nakahanap na tayo ng trabaho."

"Kakaiba din yun pinapagawa sa iyo pero kasalanan mo din kasi kaya nakakahiyang tumanggi."

"Ako pa ang sinisi mo, di natin alam na ganoon ang mangyayari."

"Siya nga pala pre sabi mo nakausap mo si Mang Raul, naabutan mo ba ang future love of your life? Baka di ka na makaligaw niyan at maunahan ka pa ng iba."

"Di ko siya naabutan, ansabi sa akin pumasok na daw. Gusto ko nga sanang magtapat sa kanya bago ako pumayag kay Sir Arturo, pero wala eh! late pa din. Pakibantayan naman pre. Lam ko na kahit may trabaho ka dito ka pa din uuwi. Siguraduhin mong walang aaligid, para kapag tapos na ako dun sa pinapagawa sa akin at nakaipon na ako, yayayain ko talaga siya."

"Sige ba, ako bahala."

"Alis na muna ako joey, nagtxt si Sir Arturo kung san kami magkikita. Balitaan na lang kita pagbalik ko."

Iniwan ko na siya at pinuntahan ko na yung ibinigay na address.

Ha? Tama ba itong address? Wow! Ang laki! Mayaman talaga ang pamilya nila.

Nilapitan ko yung guard at upang makasigurado ipinakita ko sa kanya yung message na sinend sa akin.

"Ah yes Sir ito nga. Sino po sila? At sino ang hinahanap?"

"Ah Manong ako na ang bahala sa kanya, kanina pa siya inaantay ni Sir Arturo." sabi ni Kristel sabay hatak sa akin

Matapos niya akong bitawan ay sinundan ko siya papasok sa loob.

"Alam mo bang kanina ka pa namin inaantay at sana habang hindi ka pa pinakikilala nina Sir Arturo na anak nila wag ka muna makikipag-usap sa iba."

"Sorry, hindi ko alam."

"Don't worry kaya nga nandito ako."

Nakapasok na ako sa loob at grabe ang ganda at andaming mamahalin na bagay. Napansin ko din na maraming katulong syempre sa laki ba naman nitong lugar at dami ng gamit hindi kakayanin ng isang tao ito.

"Pasok ka na sa loob, tatawagin ko lang si Sir."

Pumasok ako sa loob, office yata ito. Bago ako umupo nilapitan ko muna yung mga pictures sa wall. So ito pala si Sir Adrian. Guwapo tulad ko, yun nga lang mas muka siyang mayaman at edukado kumpara sa akin. Kamukha ko nga talaga hindi kaya kakambal ko siya??? Hehehe naku ano ba itong iniisip ko, malayo yatang mangyari yun dahil foreigner ang tatay ko at....

"Charlie, welcome." sabi ni Sir Arturo nang makapasok siya ng office kasabay si Kristel

"Goodafternoon po Sir Arturo."

"Sit. Do you want anything? Coffee?Juice? Water?"

"No need po sir, di po ako magtatagal. Naparito po ako upang ipaalam sa inyo na pumapayag na ako. Pumapayag na akong magpanggap na anak ninyo."

My Labs StoryWhere stories live. Discover now