Eleven

1.7K 69 2
                                    

Athena

"Babes sigurado ka bang ipapakilala mo ako sa parents mo? Alam mo kasi..."

"Ay ang babe ko talaga, kinakabahan ka ba? Kala ko ba siga at matapang ka, bakit parang di ako nainform na duwag ka pala."

"Babes di ako duwag! Minamaliit mo ba ang pagkalalaki ko?"

"G@gö ! Niloloko lang kita eh! Tara na, kanina pa nag-aantay sina Papa at Mama. Tandaan mo babe behave."

"Opo, basta yung pangako mo sa akin ha! Gustong gusto ko talaga yung motor, syempre para nasusundo na din kita sa work mo."

Tumango na lang ako at hinila ko siya papasok. Tagal ko na rin hindi dumadalaw wala pa din pinagbago, siguro dumami lang yung mga halaman na inaalagan ni Mama, yun na kasi ang pinagkakaabalahan niya habang kami ni Papa yung mga business.

"Senorita Athena, napadaan kayo!"

"Manang Biday!"sigaw sabay yakap

"Ay aysus ang batang ito! Buti at naisipan mong dalawin ang mga magulang mo. Nagtatampo na nga sila sa iyo, lalo na ang Mama mo."

"Busy lang po sa trabaho, lam niyo na kailangan eh maraming nakasalalay sa amin."

"Naku naku naku parehas kayo ng ama mo, bihira na nga lang din umuwi, ayan napagdiskitahan ng Mama mo yung mga halaman sa garden. Inagawan pa ng trabaho yung mga hardinero." sabi niya sabay tingin sa katabi ko

"Manang si Ethan po, boyfriend ko. Ethan si Manang Biday, siya ang nag-alaga at nagbantay sa akin kapag wala sina Papa at Mama, basically simula nung bata pa ako."

"Syempre hanggang ngayon at sa susunod pa na henerasyon, Hi iho."

"Hi Ethan Vargas!" pagpapakilala niya kay manang

"Senorita, alam ba nila Mama at Papa mo ito? Sorry iho, ngayon lang kasi nagdala itong alaga ko ng lalaki dito."

"Manang, anong ngayon lang, hindi pa ba counted yung mga kaklase ko before at yung kaibigan ko."

"Hindi kasama yung kaibigan mo parang kapatid mo na rin iyon at isa pa aba malay natin may bakla pala dun sa mga kaklase mo."

"Biday sino yang kausap mo diyan? Napansin mo bang dumating na si Athena" ani ni Mama habang papalabas ng kusina

"Mam narito na nga po at kausap ko na kanina pa, may kasama pa ngang lalaki eh!"

"Anak!"

"Hi Ma." sabi ko sabay yakap sa kanya

"Sana nagsabi ka agad na nandito ka na, para naman nakapag-ayos ako nakakahiya naman sa bisita mo." sabi niya then tumingin kay babes.

"Hi, I'm Ethan Vargas, boyfriend po ni Athena."

Yayakap at bebeso na sana si Babes kay Mama kaso pinigilan ko, maarte pa naman ito.

"Sige ma mag-ayos ka muna, dun muna kami ni babes sa kwarto ko."

"Oops dito lang si Ethan sa baba, bakit isasama mo pa siya sa kwarto mo, kababae mong tao. Biday kuhanan mo nga ng maiinom ang bisita ni Athena."

"Ma I'm not a kid anymore." pagmamaktol ko

Di ako nilingon ni Mama at patuloy siya sa pag-akyat.

"Babes upo ka muna sa sala, antayin mo si Manang Biday mag-usap muna kayo para di ka ma-bore, kakausapun ko lang si Mama."

Umakyat ako para sundan si Mama.

"Athena, kailan pa kayo ng lalaking iyon? Wala ka bang balak ipakilala siya sa amin ng Papa mo kungdi ka pa namin pinapunta dito. Maraming akong amiga na may mga anak na lalaki baka..."

"Stop it Mama! Like I said, hindi na ako bata, I can make my own decision, if you don't like him then so be it. Hindi ikaw ang pakakasalan niya at makakasama habang buhay."

Biglang bumukas ang pinto at niluwa nun si Papa.

"Ano nanaman ang pinag-aawayan niyong mag-ina? Rinig na rinig kayo hanggang sa baba, may bisita pa naman tayo."

"Honey pagsabihan mo yang anak mo. Ang hirap kausapin ng maayos. Hindi porket matanda na siya o nasa tamang edad ay di na tayo makikialam sa buhay niya. Mga magulang tayo for heaven's sake!"

"Papa, pati ba naman sa pagpili ng boyfriend ko eh tutol siya, sinunod ko na yung kagustuhan ninyong dalawa na magtrabaho for the company tapos ganito."

"Siya, siya tama na yan, kayo talagang mag-ina di na nagbago. Bumaba na tayo nang mas makilala pa yung tao. Honey pabigyan na natin siya, sige ka di nanaman umuwi at magpakita yang anak mo."

Nauna akong lumabas para puntahan si babes habang nakasunod si Papa.

"Sana nagpasabi ka bago mo sinama ang lalaking iyon, alam mo naman ang ugali ng Mama mo." ani niya habang pababa kami

"Babes sorry for waiting. Si Papa gusto kang makilala."

"Hi Sir, Ethan Vargas po." sabay abot ng kamay to shake my father's hands

"Vargas? Kamag-anak mo ba yung mga Vargas na may-ari ng..."

"Papa mamaya na yan, kumain na muna tayo, nakakahiya naman sa bisita ko."

"Ah! Yes! Right! Sorry! Please excuse my rudeness. Tara na sa dining at susunod na din ang Mama ni Athena."

Pagdating namin nauna na pala si Mama at nag-aantay. Umupo na kaming lahat at isa-isang nilabas ng mga kasambahay ang iba't ibang putahe na niluto ni Mama.

"Thank you sa food honey, come all let's eat." sabi ni Papa

Tahimik kami pero after a few minutes sinumulan na nilang kwestyunin si Ethan. From his family to the kind of work he is doing. Then his living situation at kung papaano kami nagkakilala. Sinagot naman ni Babes lahat in fact okay nga ang mga sagot niya at ang way ng pagsagot niya, mas lalo tuloy ako napamahal sa kanya, straightforward at matapang, di nagpatinag kayna Mama at Papa.

"Sorry iho, I know you mean well pero hindi kayo bagay ng anak ko."

"Ma!"

"Mukhang mabait at masipag ka namang bata pero..."

"Babes tara na! I can't believe na gagawin nila ito. Can't you just be happy for me."

"Para ito sa iyo at sa magiging pamilya mo, hindi pa namin siya lubos na kilala, and besides maraming iba diyan tulad nga ng sinabi ko sa iyo kanina yung mga anak ng amiga ko pwe..."

"Ethan let's go!"

"Sige umalis ka! Pero sa makalawa sasama ka sa amin ng Mama mo at may pupuntahan tayo. Wag mong isama ang lalaki mo! Kapag sinuway mo pa kami, itatakwil ka na namin at sisiguraduhin namin na maghihirap kayo! Iniisip lang ni Mama mo at ako ang kinabukasan mo, at wala kaming nakikitang future kung ipipilit mo ang sarili mo sa kanya. Sorry iho but i agree with my wife, you cannot be with my daughter."

Iniwan namin sina Mama at Papa sa dining at nagtungo sa labas para makauwi na sa condo. I wouldn't let them ruin my life. I love Ethan! Siya lang!

End of Chapter Eleven

Comment and Vote po! :)
Share to others na din!!!!

My Labs StoryWhere stories live. Discover now