Twelve

1.7K 76 4
                                    

Charlie

Party Day....

Nagkausap kami ni Sir Arturo kahapon, may mga last few reminders lang siyang ibinahagi sa akin. Isa sa mga iyon ay ang pagtawag ko sa kanya ng Dad o Daddy kahit ano daw basta kumportable ako. Ito daw ang paraan para masanay ako at hindi ako magkamali at matawag siyang Sir or Boss.

"Adrian! Adrian!"

"Ah eh o bakit?"

"Umayos ka, tandaan mo wala na si Charlie, kaya maging alert ka palagi kung mangyari ulit ito makakahalata ang iba."

"Pasensya na Kristel, nag-aadjust pa ako, don't worry makukuha ko din, alam ko naman ang pinasukan ko."

"Dapat lang, ang dami na ring naitulong sa iyo, wag naman sanang masayang."

"Ano nga pala yung sinasabi mo kanina? Bakit mo ako tinatawag?"

"Mamayang hapon magsisimula ang party, aabot iyon hanggang gabi, bale dinner na ang kainan, there will be a few snacks dun sa mga dadating ng maaga. Ngayon aayusan ka muna namin, from your clothes to your hair and a few other things."

"Okay, maliligo muna ako, antayin mo na lang ako sa labas."

Tumango siya at lumabas na mula sa kwarto ko. Mabuti na lang at nagising ako ng maaga, marami pa pala kaming gagawin. Kamusta na kaya yung mga kapatid ko, ilang araw ko na din silang hindi natatawagan. Tinupad naman nina Sir Arturo este Dad at Kristel ang pangako nila sa akin kapalit ng pagpapanggap ko, malaking sweldo, kaya nakakapagpadala ako ng pera sa pamilya ko at nakakabayad na kami ng paunti-unti sa mga utang. Si Joey madalas ko na din nakikita kasi nga siya ang bodyguard ni Mam Melissa este mommy. Pinupuntahan ako ni Mommy dito sa condo yun lang ang pagkakataon na nagkikita kami, hindi na kasi mapigilan nina Dad at Kristel kaya ayun hinayaan na lang nilang bumisita sa akin.

Matapos kong maligo kukunin ko na sana ang teleponong ibinigay sa akin ng may kumatok sa pintuan.

"Tok!""Tok!""Tok!"

"Tok!""Tok!""Tok!"

Napatigil ako sa ginagawa ko ng marinig ko iyon.

"Adrian tapos ka na ba?"

"Tok!""Tok!""Tok!"

"Adrian?"

"Magbibihis na lang ako Kristel, bigyan mo ako ng 5minutes."

"Okay, aabangan na lang kita sa sasakyan na nakapark sa harap ng condo, yung kulay pula na vios."

"Ok! Salamat, alam ko na yun, tutal yun ang madalas mong gamit."

Wala na akong narinig na ingay o sagot mula sa labas ng pintuan ko, tiyak na nakaalis na siya. Mamaya ko na lang tatawagan sina Cecil at Judy.

9:30am.....

"Sorry, medyo natagalan ako, bigla kasing tumigil yung elevator kaya naghagdan na lang ako."

"O siya tara na, marami pa tayong pupuntahan."

Pumasok ako sa sasakyan niya, nung una ako na ang nagpresentang mag-drive pero umayaw siya baka daw mawala lang ako, mabuting siya na ang magmaneho para dire-diretso na.

"Una nating dadaanan ay yung salon kailangan na natin pagupitan yang buhok mo mas nagmumukha kang babae at yun ang iniiwasan natin."

20Minutes din ang nakalipas nang makaalis kami sa condo, medyo natrapik kami dahil may nagbanggaan na truck at taxi, anyways alam ko naman hindi yun ang gusto niyong malaman.

My Labs StoryWhere stories live. Discover now