Twenty One

1.6K 66 7
                                    

Athena

Sinasabi ko na nga ba! Bakit ba ang kulit nila? Pwes kung ganun ang gusto nilang mangyari I will make sure it will never happen. Him and me, NO WAY!!!

Nilapitan ko ang assistant ko, binilinan ko siya na mauna na, susunod na lang ako. At kapag hinanap ako sabihin mo na malelate lang.

"And please lang do it right, alam mo naman ang sitwasyon ko di ba. Kapag pumalpak ka, di lang trabaho ang mawawala sa iyo."

"Yess p-po maam." sagot niya sabay pasok sa loob ng resto.

Sa totoo lang ayaw ko sanang pumunta pero kailangan eh, tsaka kapag lalo pa akong sumuway baka ikapahamak ko lang. I think magpapalate ako ng isang oras para sila na mismo ang umalis. Kasalanan ko bang sobrang traffic sa Pilipinas at least I made the effort to be there.

Nakaupo ako dito sa sasakyan, may 30min. na nang makapasok sa loob ang assistant ko, ayoko pa din pumasok mabuti pa at iiglip na lang muna ako.

Maya-maya pa ay may kumakatok sa bintana ko.

"Ay ano ba yan, sinisira ang tulog ko, kaasar ha!!, Mang Leo pakitignan nga kung sino yun at pakisabihan na din na lumayas layas sila at wala akong barya."

"A-ah eh Senorita h-hindi po p-pulubi yung kumakatok si..."

Tumingin ako agad sa labas at laking gulat ko na nandun na yung assistant ko na may kasama pang malaking asungot.

Binaba ko ang bintana ko.

"Ganito na pala ang traffic sa Manila."

Maririnig mo ang pagkasarcastic sa tono ng pagsasalita niya.

"So tapos na kayo!"

"Naku di halata Ms. Delgado."

"Aba! Nambibwisit ka ba? Akala mo kung sino! Di naman gwapo."

"Aysus di daw gwapo, wala nga sinabi yung boyfriend mo sa itsura ko."

"Hoy! Excuse me, di hamak naman na mas macho at gwapo si Ethan kaysa sa iyong patpatin at lampa."

"Lampa daw, tignan natin kung masabi mo pa yang mga lait mo kapag naghubad ako sa harapan mo." Pabulong niyang sabi pero rinig na rinig namin ng assistant ko

"Tara na nga!" pagyaya ko dun sa assistant ko at kay Mang Leo sabay taas ng bintana.

Nakikita ko sa labas na nag-uusap pa din sila, nagtagal din ng mga 5-10
minutes, gosh ha! The nerve, pinag-aantay ako, di ba nila alam na busy akong tao.

Nang makapasok yung assistant ko at makaalis ang asungot.

"Ano pa ba yung pahabol niya kanina? Di ba sabi ko tara na? May gagawin pa ako, tapos patuloy pa rin kayo sa pagkwekwentuhan."

"Maam sorry po, may mga last minute reminders lang po si Sir."

"So kamusta yung proposal natin?"

"Ma-aam a-ano po kasi.."

"What?"

"Di po pala alam ni Sir na may proposal tayo akala niya client, pero nakinig pa rin po siya."

"Client? Eh ang family business nila ay mall anong client?"

"Maam ang alam po niya sikat na brand na  naghahanap ng pwesto sa Philippine market. Don't worry po kasi mukhang nagustuhan niya po ang mga plano natin. Yun nga lang po.."

"Ano nanaman?"

"Hindi daw po kasi siya ang magdedesisyon, assistant lang po siya sa......"

"Puro na naman dahilan, kung ayaw niya tayong piliin go ahead, I don't really care. Marami pang iba diyan na mas kailangan ng services natin."

"Ano pang ginagawa mo dito?"

"Maam?"

"Shaks do I need to tell you what to do next?"

"Maam? Meron pa po ba kayong kailangan?"

"Umuwi ka magisa mo, may pupuntahan pa ako. Kaya baba!"

"Maam eh malayo po ito sa office."

"Anong malayo? Di ka ba sanay magcommute? Di naman kita pinaglalakad, sige na, go! Malelate na ako for my next appointment. Ako na ang bahala magkwento sa parents ko tungkol sa nangyari ngayon."

Nakalabas na ang stupid kong secretarya.

"Maam Athena san po tayo pupunta?"

"Sa condo ko po muna, dun kasi kami magkikita ni Ethan, siya na din po ang magmamaneho ng sasakyan ko, pwede na kayong umuwi pagkatapos niyo akong ihatid."

Nang makarating ako sa condo...

"Babe san ka na? Dito na ako sa condo, I'll be ready in 30 min, siguro pinakamatagal na 1hour."

"Babes paalis na din ako dito sa bar tamang-tama kapag natapos ka, nandyan na ako."

"Sige Babe, bye love you :)"

Binaba na kaagad ni Ethan ang telepono, di man lang nag-i love you back. Hay, makapag-freshen up na nga para ready na ako pagdating ng mahal ko.

Hapon na din nang matapos ako todo paganda lang, may date kasi kami ng bf ko pambawi ko lang dun sa nangyari nung party, ito na din ang post birthday celebration niya.

Paglabas ko sa kwarto narinig ko yung tv sa sala na nakabukas

"Babes tapos ka na?"

"Babe sorry ha, pinag-antay ba kita ng matagal?"

"Naku babes gutom na gutom n nga ako eh! San mo ba ako itretreat?"

"Ang babe ko, kawawa naman, don't worry ako bahala sa iyo today, anything you want sabihin mo lang."

"Can't say no challenge ba ito babes? Sinabi mo kahit ano ah!"

"Gusto ko kasing makabawi sa iyo. Pagpasensyahan mo na ang mga magulang ko, magugustuhan ka din nila masyado pa sigurong maaga pero makikita din nila na ikaw ang para sa akin."

"Ang cheesy mo naman babe, tara na para makadami tayo."

Lumabas na kami ng condo unit at nagtungo sa parking area, ibinigay ko sa kanya ang susi ng sasakyan at sinabihan ko siya na tutal araw niya ngayon he should drive it wherever he wants to go.

5hrs later...........

"Babes super thank you sa mga binigay at ginawa mo sa akin for today. Isa ito sa mga pinakamasaya kong birthday celebration. I super Love You!"

"Your welcome babe, thank you din for still loving and staying with me despite of what happen. I super Love You too!"

"Babes pano alis muna ako, kanina kasi nung nagbabayad ka tumawag yung boss ko, kailangan daw nila ng magcocover ng shift kahit 2hrs lang daw. Syempre kahit na kaibigan ko yun boss ko pa din siya and if they need my help I am always one call away."

"Ang corny! Well ano pa ba magagawa ko, atleast masaya tayo sa date natin ngayon, okay na ako."

"Thanks babes, see you later, bye, love you!" sabay kiss sa lips ko.

Pinagcommute ko na lang siya alangan ako pa ang gumawa nun, excuse me sasakyan ko yata ang gamit namin. Ang dami kong nagastos ngayon, si babe kasi nagpabili ng relo, sapatos, sunglasses, at damit. Di naman ako makatanggi can't say no challenge nga eh, pero kahit ganun masaya pa din ako. Mahal na mahal ko talaga ang lalaking yun. Makauwi na nga!

End of Chapter Twenty-One

Comment and Vote po! :)
Share to others na din!!!!

My Labs StoryWhere stories live. Discover now