Fifty One

1.4K 51 26
                                    

Athena

Blue Lagoon Hotel and Resort (gawa gawa lang hehehehe) sa batangas ang napili ko para sa prenup photo shoot at para sa  Bachelorette party na rin, balak kasi ni Richard na sa ibang bansa gawin kaso ayoko ng lumayo, wala naman kaso sa amin ang pera, we all know how rich our family is, the thing is yung mga kaibigan ko at mga crew mahihirapan sa pag-travel, marami rin namang magagandang lugar dito sa Pilipinas.

With all the preparations being done by other people wala ako masyadong naitulong, ang bilin ng soon to be husband ko para iwas stress ay iba ang maghandle sa mga kakailanganin and all I need to do is choose.

"Hun yung mga staffs di pa dumadating natraffic daw sila."

"Okay lang hun, bukas pa naman talaga ang start ng photo shoot."

Ilang beses na ako pinuntahan ni Charlie sa opisina kahit nga sa bahay pero lagi kong pinapasabi na wala ako o di kaya busy.

Ayaw ko siyang makita at makausap kasi alam kong bibigay agad ang puso ko, at mali yun dahil malapit na akong ikasal sa taong mahal na mahal ako.

Pupunta kaya siya sa kasal ko?

Pero di ba dapat hindi? Dapat hindi ko na lang inabot yung invitation.

"Hun, Hun, are you okay? Kanina pa ako nagsasalita but it seems like your mind is somewhere else."

"Sorry."

"Tumawag sa akin yung receptionist nandyan na ang mga kaibigan mo."

"Ganoon ba, magpahinga ka na lang muna I'm sure you are tired kasi after the business trip, dumiretso na tayo kaagad dito, ako na bahala sa kanila."

I need to stop thinking about Charlie kasi sisirain ko lang ang magandang buhay na maibibigay sa akin ni Richard, ang taong mahal na mahal ako, ang taong kaya ko rin naman matutunan mahalin.

"There you are, kanina pa kami nag-aantay, siguro pinagod ka ng fiance mo."

"Siraulo ka talaga Cindy, inayos lang namin yung mga damit na gagamitin para sa photo shoot, san si Donna?"

"Malapit na daw, late na kasi siya umalis ng manila gawa ng sinundo pa niya yung plus one niya."

"Kilala mo ba kung sino yung sinama niya?"

"Hindi eh, nanghatak lang yata si girl ng kung sino sino."

"Kunin ko lang sa front desk yung key card para makapagpahinga na kayo bago maglunch"

Makalipas ang ilang minuto.....

"O nandito ka na pala, bakit mag-isa ka lang, san yung plus one mo?" tanong ni Cindy

"Susunod na lang,  kasama din kasi ang family niya para magbakasyon"

"Grabe, buong baranggay yata ang inimbita, baka naman sina Richard at Athena pa ang magbayad sa stay nila"

"No, malinaw naman niyang sinabi sa akin na siya ang bahala sa gastos nila."

"Buti naman akala ko ipapabayad pa niya sa iba nakakahiya dun sa dalawa kahit na may pera naman. Sino ba yang sinama mo? Kilala ba namin? "

"It looks like both of you are here, heto na mga key card niyo, donna ikaw na lang magbigay dun sa kasama mo since wala pa siya, magpahinga na kayo kita tayo sa restaurant for lunch ng mga 1pm."

Bumalik ako sa kwarto namin ni Richard, nadatnan ko siyang mahimbing na natutulog, kaya naisip kong ayusin ang ibang gamit namin at kung maaga ako matapos mag-iikot muna ako sa resort tutal 10:30 pa lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Labs StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon