Fifteen

1.6K 67 4
                                    

Athena

"Babe matagal ka pa ba?"

"Babes sorry kinailangan ako dito sa bar, nagtxt ako sa iyo kanina, di mo ba nakita?"

"Babe bakit naman biglaan? Di ba sabi mo wala kang shift ngayon."

"Babawi na lang ako, kahit ano gusto mo gagawin ko o kaya try kong makahabol."

"Babe hindi mo ba pwede pakiusapan yang boss mo? Gusto mo ba ako na ang kumausap?"

"Ba-Babes wag na, ako na ang bahala, I'll text you later, tinatawag na ako."

Magsasalita na ako ulit pero binabaan niya ako.

Gosh! Anong next? Aattend ako mag-isa. Si Babe naman kasi eh!! Siguradong ilalapit ako ni Papa at Mama sa mga kakilala nila. Bago ko ipatuloy ang pagmumuryot ko, nagvibrate ang phone ko.

One message received

Papa,
Nasaan ka na Athena? Paalis na kami. I hope you remembered that you agree to go to this party. Magtxt ka kung nasaan na kayo, huwag mo kaming tatakasan ha! Lagot ka sa Mama kapag nagkataon. Nakakahiya din dun sa kumpare ko balak ko ipakilala sa iyo yung anak niya na kakauwi lang."

Hay! Bakit kasi pumayag ako, dapat nung una pa lang I didn't commit myself, kasalanan din ito ni Babe eh. Aish!!! Makapagbihis na nga.

5:30pm....

"Senorita, pinasusundo na po kayo sa akin. Di daw po kayo sumasagot sa Papa niyo."

"Manong Leo, kaya ko magdrive."

"Baka daw po kasi.."

"Baka ano? Tumakas ako, hay! di ko yun gagawin kilala ko ang parents ko, kahit na matapang ako, di ko naisip na suwayin sila, kaya nga nagtitiis ako sa mga pinapagawa nila eh! But if it comes to love dun ako di papayag na pakielamanan nila."

Since wala na ako sa mood mag-enjoy I guess hayaan ko na lang si Mang Leo mag-drive sa akin. Sumunod ako sa kanya at pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Naayos na pala itong sasakyan?" tanong ko ng makapasok siya

"Opo. Yung lalaking nakabangga natin nakapagpadala ng pambayad kaya ipinang-pagawa ko na po."

"Buti, kasi kung ganun pa din ibenta mo na lang ito at bumili tayo ng bago."

Pagkatapos namin mag-usap, natahimik na kami, siya busy sa pagmamaneho ako naman kanina ko pa pilit na kinocontact ang boyfriend ko, at sa kasamaang palad wala pa rin sagot. Lagot sa akin kapag nakauwi ako, iwanan ba naman ako, kung kailan pa malapit na yung party.

"Senorita nandito na po tayo."

"Hay. Salamat. Akala ko ba malapit lang ang bahay nila inabot tayo ng mahigit dalawang oras."

"Pasensya na po, dumaan naman mo ako sa sinabi ni waze pero ganun din pala, pinaikot-ikot lang tayo, tapos rush hour pa po."

"Gawwd! Tama nga yan Mang Leo, reasons nanaman, sana di niyo na lang sinunod yan kung alam niyo naman palpak."

"Sorry po maam, sorry po."

Lumabas na ako at di na inantay na pagbuksan pa niya ng pintuan, gusto ko lang matapos ang araw na ito agad-agad. Pumasok ako sa gate and was asked kung anong sadya ko, at dahil medyo bad mood na ako, napagalitan at nasungitan ko yung guard tanungin ba naman kung anong gagawin ko duh!!!! Di pa ba halata sa suot ko! Gosh sobrang incompetent ng mga tao sa paligid ko.

My Labs StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon