Four

1.9K 81 3
                                    

Charlie

"Charlie!!!Lumabas ka diyan!" galit na sigaw ng isang lalaki

"Tay tama na! Yung presyon niyo. Nakakahiya din po sa ibang tao."

"Wala tayo dapat ikahiya. May karapatan tayong gawin ito. Sige na bumalik ka na sa bahay at papasok ka pa sa trabaho ako na ang bahala dito."

"Tay, hinay-hinay lang po ah, baka atakihin kayo sa puso. Atsaka tay baka po may dahilan lang si Charlie kaya nagawa niya yun."

"Anak kahit ano pang ang dahilan niya dapat nagpasabi man lang siya, hindi yung walang paalala."

"Sige po mauna na ako. Yung mga bilin ko ah. Ayokong uuwi ako na walang tatay."

"Okay, okay! Alis na."

Ano ba yan lalabas pa ba ako? Kaso magigising si nanay kapag sumigaw pa ulit si Mang Raul. Aits! Sa totoo lang kanina pa ako dito sa likod ng pintuan namin di lang ako makalabas. Hanggang ngayon sira pa din yung tricycle. Ilang araw na din ako di nagpapakita kay Mang Raul. Matapang naman ako pero iba kasi magalit yun, sabi nga nila magbiro ka na sa lasing wag lang sa mabait. Teka mali yata yun hehehehe!

"CHARLIE! CHARLIE! Lumabas ka diyan, ibalik mo yung unit ko at magbayad ka na ng boundary!"

Nagdesisyon na akong magpakita delikado ako kay inay nito kapag hinayaan ko pa siyang magsisisigaw.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at ito naman si Mang Raul sinunggaban agad ako.

"Boy, may atraso ka sa akin."

"Naman Mang Raul wag niyo ilapit yung mukha niyo sa akin di pa yata kayo nagtotoothbrush."

"Aba nakuha mo pa magbiro."

"Ang aga aga niyo po kasing magalit, may balak pa kayong manakit. Pabitaw na po ng kamay niyo masisira yung damit ko."

"Bayad mo. Nasaan na rin yung tricycle na pinahiram ko sa iyo? Ilang araw mo na akong tinatakasan. Pinagbigyan lang kita kasi alam kong kailangang-kailangan mo ng trabaho at kahit papaano kaibigan ka ng anak ko."

"Kasi ganito po yun..."

"Subukan mong gumawa ng storya at magsinungaling ipapapulis kita, ah hindi puputulin ko yan." sabay turo sa pinakakaingatan kong alam niyo na..

"Mang Raul wag naman ganyan. May respeto po ako sa inyo at hindi naman po ako sinungaling."

Aishhh kasi naman. Alam nga pala ng ibang taga-dito ang kasarian ko well alam nila lesbian ako with extra package. Kaya nga maraming ilang sa akin, may mga nang-aasar, may mga nandidiri at meron din naman yung tanggap ako.

"Sige pakikinggan kita, pero ayusin mo Charlie ah! Naku! Baka talagang hindi ako makapagpigil."

"Okay, pero bago po yun pwede pong bitawan niyo ako at mangako kayong huwag ho kayong magagalit."

"Ano ka siniswerte? Dalian mo at kapag talagaaa, tatawag na ako ng pulis."

"O ito na, ito na po, paano po kasi nung nakaraan, yung unang araw ko sa trabahong ibinigay niyo naaksidente ako."

"Naaksidente? Eh parang wala ka naman sugat o sakit, eh yung unit ko kamusta? Wag mong sabi..."

"Hep! Hep! Hep! Patapusin niyo muna ako bago kayo sumingit, kasi po may hinatid ako diyan sa may bago bantay, dumaan po ako sa may highway, tapos nung pabalik na ako biglang may bumangga sa akin na sasakyan. Eh medyo malakas nasira pa nga yung sasakyan, sa harap lang naman po."

"Yung unit ko, Yung unit ko? Anong nangyari?" pangungulit niyang galit

"Tara po dun sa likod Mang Raul."

Sinamahan ko siya sa likod ng tinitirhan namin dun kasi ito nakaparada.

Nang makarating kami.

"Diyos ko po!!!!"

Patay tayo diyan yun lang ang nasabi.
Babalik na dapat ako ng biglang hilahin ni Mang Raul ang kwelyo ko.

"Papatayin kita!!! Anong ginawa mo sa tricycle ko! Alam mo bang mahal na ang parts ngayon. Diyos ko miyo naman Charlie!"

"Mang Raul maingat naman po ako, aksidente lang naman po ang nangyari, nakikipag-usap nga po ako dun sa bumangga, ayaw nga lang po magbayad at nanisi pa."

"Nandiyan na ang trabaho pinakawalan mo pa. Tapos balak mo pa akong takasan. Grabe mas nakikilala na kita, masama din pala ang ugali mo tulad ng nanay mo bungangera."

Hindi na ako nakapagsalita, hinayaan ko na lang siyang magalit sa akin. Kahit ano namang gawin ko o sabihin hindi niya ako pakikinggan. Dada na lang siya ng Dada, medyo masasakit na salita na ang binibitawan niya. Pero kasalanan ko din naman. Hay!!!! Buhay !!!

"Tapos na po ba kayo?"

"Aba bastos lang?"

"Di naman po ang akin lang gusto ko po kayong kausapin ng maayos."

"Eh di sana pinuntahan mo ako nung araw pa lang na nangyari ito. Hindi eh inantay mo pa talaga."

"Sige po Mang Raul mali na ako, kasalanan ko na, masama akong tao, kaya ko lang naman po kayo di mapuntahan at masabihan kasi nahihiya ako sa inyo na nagbigay ng trabaho sa akin tapos ganoon. Naisip ko po na kumita muna para mabayaran ko kayo sa nasirang unit niyo plus yung boundary. Hindi naman po ako tatakas. May paninindigan po ako."

"Paninindigan, wala akong pakialam, yan ang napapala nang lumaking walang tatay at bungangerang nanay, pati siguro mga kapatid mo ganyan. Dapat lang talagang bayaran mo ako at palitan ang tricycle ko hindi naman ganyan yan nung iniwan ko sa iyo. Argh!! Nakakainis ang aga-aga nasira ang araw ko na isang walang kwentang tao! Tapos gusto mo pang lumapit at mang-ligaw sa anak ko."

"Bigyan niyo po ako ng five months, mababayaran ko po lahat." seryoso kong sabi

"Five months, five months ka diyan, sige tignan natin. Naku! Kapag hindi mo ako nabayaran ipakukulong kita!!! At lumayo ka sa anak ko ha!! Di kayo bagay, mahirap ka na, walang pinag-aralan, walang matinong trabaho at pamilya, abnormal ka pa, aaayyyy! Makaalis na nga!!!! Yung sinabi mo ha! Five months aantayin ko yan. Maglalagay na rin ako ng interes."

Hay!!! Grabe ang galit niya.

"Anong tinitingin-tingin niyo diyan? Tapos na ang palabas." sabi ko dun sa mga chismosong at chismosang kapitbahay.

Pagpasok ko nakita ko sina Cecil at Judy. Buti na lang di nagising si Inay sa ingay.

"Kuya." sabay na tawag nung dalawa

"Ayos ka lang ba?" tanong ni bunso

"Ay! itong mga kapatid ko talaga, ayos lang si Kuya, sige na magready na kayo may pasok pa kayo."

Nakaalis na yung dalawa. Mukhang narinig nila yung mga sinabi ni Mang Raul, sana kalimutan na nila iyon, mahirap na, bata pa sila. Dapat ako lang ang nasasaktan.

Pag-naihatid ko na sila maghahanap na ako ng trabaho.

End of Chapter Four

Comment and Vote po! :)
Share to others na din!!!!

My Labs StoryWhere stories live. Discover now