Forty Six

935 53 12
                                    

Pasensya na po napindot ko kasi yung publish kanina dapat save muna pero ito na po yung update. thank you sa pag-aantay.

Charlie

A lot has happened, totoo nga yung sinasabi nilang people come and go but their memories will stay with us forever.

Ilang months makalipas ng huli kong punta sa puntod niya may dumating na sulat, sabi sa akin ng kartero matagal na daw ang sulat na iyon dahil nga pag pumupunta siya eh walang magre-receive, di naman maiwan sa iba kasi ang request ako mismo ang pag-aabutan. Nang makuha ko ito tinignan ko yung label na nakasulat sa likod "To Charlie" wala man lang nakalagay kung kanino galing.

I don't know where to start but.... Gusto kong malaman mo na Mahal Kita, Mahal Kita Charlie Rivera.

Oo minahal ko ang tunay na Adrian,
Oo nung una sinabi ko pa na wala lang itong nararamdaman ko sa iyo at si Adrian lang ang kaya kong mahalin, pero as we grow closer kahit na madalas tayong magbangayan unti-unti na akong nahulog. Kahit anong pag-deny ko ikaw pa din. Iba ang naging epekto mo sa akin, kahit na pilit akong lumalayo lagi kang nandiyan nangungulit, you change me, kaya thank you for doing that.

I want you to know I didn't regret anything that we have done. In fact blessing pa nga ang nangyari kasi dumating si Christa, siya yung kumumpleto ng buhay ko.

Nung nalaman kong buntis ako natakot akong di mo kami matatanggap ng anak mo, kung nagulat ka, totoo ang sinasabi ko, anak mo si Christa ikaw lang naman ang nakagalaw sa akin wala ng iba.

Pasensya na kung umalis ako ng hindi man lang nakapagpaalam, nagpadalos dalos ako. Ngayon nandito ako naninirahan sa probinsya kasama ng anak natin, huwag kang mag-alala kasi di kami nagkulang sa pag-aalaga at pagmamahal sa bata.

Sumulat ako kasi di ko pa kayang marinig ang boses mo, kapag nangyari kasi yun agad akong pupunta sa tabi mo. Sana dumating ang araw na magkakilala kayo ng anak natin at matuto mo siyang tanggapin. I want you to know na nandito lang kami for you kahit anong mangyari. Thank you and I love you Charlie.

-Kristel

Di ko namalayan ng tumutulo na ang luha ko hanggang sa maramdaman ko ito sa aking mga kamay. Unfair pero ang magagawa ko na lang ngayon ay ituon ang pagmamahal ko sa anak namin at magmove-on without her. Tanggap ko na, we will never be a complete family but despite losing her I am still happy kasi I am not alone, I am with our daughter.

Dito na muna ako nakatira ngayon sa mansyon ng mga Mendes aside kasi sa pagkawala ni Kristel nalaman ko pagkagising na sila ang mga tunay kong magulang. Kasama ko din ang anak ko, minsan umuuwi kami kayna inay dahil tuwang tuwa siya sa bata at gusto rin naman nitong apo kapag inispoil siya. Wala na nga pala sila dun sa dati naming bahay binilan ko sila ng maliit na bahay pasasalamat na din sa mga ginawa niya sa akin, ang mga kapatid ko nakakapag-aral ng walang inaalala na problema sa pera. Yung utang ko kay Mang Raul bayad na yun sobra pa nga pinalitan ko din ang tricycle na nasira ko.

Hindi ko agad pinaniwalaan ang mga sinabi nila, pero galing na kay inay ang kwento nakita lang ako sa lansangan at hindi siya ang tunay kong nanay, nakapag-pa dna test na rin ako, gusto din kasi makasigurado nina Sir Arturo at Mam Melissa na isa nga akong Mendes.

Kaya pala magkamukha kami ni Adrian, ang kwento kasi sa akin kambal daw kami, akala pa nga nila dalawang lalaki ang anak nila kaya sobrang tuwang tuwa si Sir Arturo.  At dahil sa nawala nga ako ang alam ng iba nag-iisang anak lang si Adrian, bata pa kasi ako noon.

My Labs StoryOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz