Thirty Four

1.7K 60 6
                                    

Athena

Napasigaw ako dahil hindi ko alam kung nasaan ako at kung anong nangyari sa akin kagabi.

Agad namang bumukas yung pinto at laking gulat ko ng makita ko si Adrian. Tinanong niya kung bakit ako sumisigaw.

"Ikaw! Anong ginagawa ko dito? Paano ako nakarating at bakit iba na ang suot ko? May ginawa ka ba sa akin?"

Bago pa niya sagutin ang mga tanong ko, inutasan niya akong mag-ayos ng sarili ko. Napansin kong nakasuot ako ng oversize shirt and I think sa kanya ito.

S-so nakita niya ang b-uong k-katawan k-ko. 😱 No this can't be happening. Pinagpatuloy ko ang paliligo nakita kong may towel at bathrobe kaya ginamit ko ito ng matapos ako.

Paglabas ko ng banyo, on top of the bed may change of clothes akong nakita, boxers and oversize shirt. Sabi naman niya never pa niya nagamit so its fine. Wala din naman akong choice kasi his a guy and taller than me.

After changing I went outside and I caught a scent that made my stomach growl. Nakita niya ako and he asked me to eat breakfast first. May egg and bacon at may lugaw pa wow siya gumawa nito in fairness may talent magiging maalagang asawa.

He left me to eat, siya naman daw ang maliligo at pagnatapos na daw ako iuuwi na niya ako sa condo. Sa totoo lang ayaw ko munang bumalik doon baka makati ko ang hayop na ex ko.

"Okay ka na ba? May masakit ba sa iyo? Sabihin mo lang at may gamot ako dito."

"Wala talagang nangyari sa ating dalawa?"

Pinaalala niya sa akin ang mga nangyari kagabi and how come I wake up in his condo. Habang nagkwekwento siya its like I can see what happened . I was so wasted, nakakahiya ang mga ginawa ko at dahil lang sa pangloloko ng taong mahal ko scratch that pangloloko ng taong mukhang pera.

"......Ano may tanong ka pa?"

Hindi pa din ako makapagsalita at patuloy sa pangunguya. I've been through a lot lately good thing I stay sane.

"Nakikinig ka ba sa akin? Parang anlaki ng pasan mong problema. Kung may gusto kang ikwento o kahit anong gusto mong ilabas I'm willing to stay and listen"

Nang sinabi niya yun gumaan ang pakiramdam ko at parang gusto kong maglabas sa kanya ng problema. I jujudge din kaya niya ako tulad ng mga magulang ko kesyo tanga ako sa pag-ibig.

"Pero kung ayaw mong magkwento ayos lang basta tumingin ka sa mata ko at sabihin mo sa akin ng diretso You Are Okay. Sapat ng malaman ko ang kalagayan mo kasi sobra mo akong pinagalala. Di ko na nga alam kung san kita haha...."

Di ko na siya pinatapos I reached forward, cupped his face in my hands and said I Am Not Okay.

"Dahil ba sa boyfriend mong suso? Akala ko ba okay na kayo, di ba sabi mo you will meet up with him, I thought makikipagbati ka na."

"Yes yun yung plano ko pero I was a fool believing that everything between us were real. I thought I knew him, until I realized I knew nothing at all."

"Ano ba kasi ang nangyari? Tell me para mabawasan yang pain na nararamdaman mo. Its better to tell someone kasi kung itatago mo lang sa sarili it will consume you hanggang sa mabaliw ka kakaisip and you will keep blaming yourself. Ito sasabihin ko sa iyo, even though I have no idea what happened between you and that man Wala kang kasalanan, you gave him everything, love, time, effort, attention,money, wala kang pagkukulang."

"Bakit? Paano mo nasabi yan? Kilala mo ba ako? Ilang araw pa lang tayo nagkakasama, nasabi mo na agad na wala akong kasalanan."

"Oo ilang araw pa lang tayo magkasama but I have seen the things you would and could do for love. Di ba nga nagawa mong pumasok sa isang fake relationship, para lang sa kanya. Ipinaglaban mo siya kahit na marami ng nagsasabi iba ang habol niya sa iyo."

"Nahuli ko siyang nakikipagsex sa iba, sa matandang babae old enough to be his mother."

"Eh Gägö palang lalaki yun. Tängïnä!Ginawa niya sa iyo yun! Dapat binubogbog ang mga katulad niya or better potulan ng ari."

"Ang nakakainis that woman pays him, o di ba pera lang pala sa iba pa siya naghanap. I made the big move, ako na mismo ang lumapit at bumigay magkaayos lang kami pero ilang araw na pala niya akong niloloko, kaya hindi siya macontact."

Kung di ko ba pinatagal hindi mangyayari ang kasalanan ginawa niya?
Kung pinuntahan ko na siya at nagsorry kami pa ngayon?
Kung nakinig ako sa mga gusto ni...

"Athena! Tulala ka nanaman. Kung gusto mong gantihan ang lalaking iyon pati na rin yung higad na babae sabihin mo at ako na ang bahala. Gusto mo na bang umuwi sa condo mo? Ihahatid na kita"

"No! Ayoko munang umuwi sa condo kapag ginawa ko yun makikita ko ang pagmumukha niya. Pwede bang ihatid mo na lang ako kayna Mama at Papa, dun muna ako magstay kahit one week lang."

"Okay. Athena pwede ko bang mahiram yung susi ng condo mo, itext mo na rin yung address."

Nagtataka ako kung bakit niya hiningi pero di na ako umangal at ibinigay ko sa kanya yung key card, yung 4 digit code at address ng condo.

He and I went to get his car, mga isa't kalahating oras din ang biyahe namin at pagdating sa mansion di ko napigilang yakapin si Mama. I broke down. Masakit pa rin kahit na tanggap ko na yung nangyari. I gave everything but that was not enough.

Iniwan na ako ni Adrian, si mama naman kept on asking what's wrong. Alam kong nasa office si Papa kaya kay Mama na lang ako magsasabi.

"Ethan is cheating."

"Akala ko ba wala na kayong dalawa, di ba si Adrian na ang boyfriend mo."

"I-I'm s-sorry Ma, we lied, well I ask Adrian to enter into a fake relationship with me, para hindi niyo na ako kulitin about my real relationship with Ethan, patatagalin lang sana namin ng 1-2 years and if ever gusto niyo kaming ikasal ni Adrian eh dodoktorin dapat namin ang marriage contract."

"Athena! Hindi kita pinalaking sinungaling. So ano ngayon ang napala mo, ikaw din ang nasaktan."

"Ma naman eh nasaktan na nga yung tao ipagdidiinan mo pa yung pagkakamali at katangahan ko."

"I am glad na nagising ka na diyan sa pantasya mo. Tell me everything that happen."

Sinabi ko lahat ng nangyari simula nung plano about sa fake relationship, pag-aaway naman tungkol sa bar business na gustong ipatayo ni Ethan, yung plano kong makipagbati, yung paghuli ko sa kababalaghang ginagawa niya, yung pagkakalasing ko at yung mga naitulong ni Adrian sa akin.

"Good thing Adrian was there. Tignan mo bagay talaga kayong dalawa. I hope magsimula ulit kayo this time gawin niyo na for real."

"Di ko pa alam Ma kung ready na akong magmahal ulit."

End of Chapter Thirty Four

Comment and Vote po! :)
Share to others na din!!!!

My Labs Storyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें