Ten

1.8K 71 3
                                    

Charlie

"Maintaining and running a business involves constant learning, no matter where you go or where you are there are new tools to master, problems to solve and new words to understand. We have been training for the past few weeks to prepare you on handling a big and high risk business. I can see that you did a great job on listening and participating in our discussion, I think you are ready." sabi ni titser no.1

"You were also taught simple manners that will help you fit in the society, remember that it is important to have good manners, as this will imprint good impression especially when meeting new people of different classes." sabi naman ni titser no. 2

"And finally, don't forget the information I provided to you and the things that I mentioned to you before, if possible try to memorize it. We don't want other people to think that you are not Adrian Mendes." sabat naman ni Kristel

Last day ko na yata ngayon, kung ano-anong bilin ang binabanggit nila.

Information overload na nga ako simula pa lang, mabuti matalino ako kahit di ako nakapagtapos hehehehe!

Nakita kong paalis na yung mga nagturo sa akin at agad na humarap si Kristel.

"Sana lahat ng ibinahagi namin sa iyo ay maalala at magamit mo. Ipakita mo sa amin lalo na kay Sir Arturo na hindi siya nagkamali sa desisyon na ito. Nakikita ko naman na matalino at mabait ka, kaya madali lang sa iyo ang gagawin mo."

"Anong madali, nakakapagod din noh! Biruin mo iba-iba kada-araw buti na nga lang nakakahabol pa itong isip ko." bulong ko

"May sinasabi ka ba?"
😅
"Ah ah eh wala Kristel, mabilis lang pala, kala ko aabutin pa tayo ng ilang months."

"Hindi maaaring magtagal ang pagtuturo namin sa iyo, ilang beses ka na rin hinahanap ni Mam Melissa sa tuwing pinapupunta ako ni Sir para pakalmahin siya."

"Pakalmahin? Teka, Kristel pwede ba magtanong?"

Tinignan lang niya ako, na parang nagsasabing ano yun.

"Kamag-anak ka ba nila Sir Arturo? Pansin ko kasi ang labis na pagiging close at pag-aalala mo sa pamilya nila lalo na kay Mam Melissa. At andami mo pang alam tungkol sa kanila."

"Lumaki ako sa mansyon, pinag-aral nila ako at pinakain hanggang sa makapagtapos, kaya bilang kapalit sa kabutihang ibinigay sa akin naisip kong magtrabaho para sa kanila."

Magtatanong pa sana ako kaso tumunog ang cellphone niya.

"Yes po sir!"
"Okay po!"
"Kakatapos lang po."
"Masusunod po!"

"Si sir Arturo ba yun? Ano sabi?"

"Umuwi ka na sa condo, magkita na lang tayo ulit bukas, may mga pinapa-asikaso lang sa akin bago ka namin ipakilala para hindi mabulilyaso. Gamitin mo ang oras mo para balikan lahat ng pinag-aralan natin." sabi niya habang naglalakad palabas

Nagliligpit na ako nang biglang bumalik siya.

"Nakalimutan ko, dalawang araw mula ngayon may isang party na gaganapin sa mansyon, heads up lang baka yun na ang oras na ipakilala ka ni Sir Arturo. Goodluck." ani niya saka sinara ang pinto

Dumating na ang oras para gawin ko yung part ko. Sana lahat ng ginawa namin hindi masayang.

Para may idea kayo sa mga pinag-gagawa ko, ito ang medyo detailed report;

Sa unang araw pinakilala sa akin ni Kristel si Titser no.1 at si Titser no.2. Magkaiba sila ng specialty kaya may araw na si Titser no.1 lang ang nagtuturo meron naman si no.2 ang bahala.

Si Kristel naman nakakasama ko lang siya kapag weekend, sa mga oras na iyon nagkwekwento siya ng buhay nina Sir Arturo, Mam Melissa at ang anak nilang si Sir Adrian.

Simula pa lang  pagkabata ay nakatira na si Kristel sa puder nina Sir Arturo kasabayan niyang lumaki si Sir Adrian, magkababata ba, kaya marami din siyang naibahagi sa aking impormasyon. Tulad na lang kung san ito nag-aral at kung ano-anong mga trabaho na ang napasukan at mga charity na natulungan. Si Sir Adrian ay napakabait na tao, anak, kaibigan, at katrabaho, matalino, maabilidad ngunit sa kabila ng yaman at karangyaan na naibigay ng kanyang mga magulang ay mas piniling manirahan ng simple lang.

Nagpunta ito ng Amerika para magtrabaho sa isang international organization na tumutulong sa mga batang biktima ng prostitusyon at kung ano-ano pa. Sa kagustuhan ng simpleng pamumuhay ni minsan ay hindi siya humingi sa kanyang mga magulang ng pera, at kahit anong tulong na ibinibigay ni Sir Arturo at Mam Melissa ay tinatanggihan niya. Matagal itong nalayo sa mga magulang niya dahil mas gugustuhin na raw niyang gamitin ang free time niya upang mas makatulong pa sa ibang tao. Naiintindihan naman daw ito ng mga magulang niya kung kaya sila na ang mismong bumibisita sa kanya.

Yung kwento naman ni Kristel sa akin tungkol sa mag-asawa ay medyo mahaba-haba din, kaya sasabihin ko lang sa inyo yung maikling version. Si Sir Arturo ay laki sa hirap, wala ng magulang at kamag-anak ng ito'y makatung-tong ng Kolehiyo, nagpursige upang makatapos. Nakilala niya naman si Mam Melissa ng ito ay magtrabaho sa kanilang business. Nasa clothing business ang pamilya nito at ito ay napamana sa kanya dahil siya ang pinakamatandang anak. Nung una may problema ang mga magulang ni Mam Melissa kay Sir Arturo dahil nga bukod sa mahirap ito ay wala man lang maipakilalang pamilya ngunit kalaunan at tinanggap naman si Sir ng mga magulang ni Mam kaya nang magpakasal, sila na ang nagpatakbo ng business at tuloy-tuloy na ang naging pag-lago. From a small tindahan ng mga damit ay naisipan nilang palakihin ito at yung na nga ang daan para pumasok sila sa Mall business.  Sa ngayon maraming Malls across the Philippines ang pagmamay-ari nila meron din silang mga branch sa ibang bansa.

Kay titser no. 1 natutunan ko ang lahat tungkol sa business, yung bang mga terminologies, strategies, income, capital, sales, marketing, taxation at marami pang iba. Siguro nagtataka kayo kung papaano ko natutunan lahat yan, well basic lang naman ang tinuro sa akin yung bang magagamit ko sa opisina at hindi ako magmumukang tängä. Kay no. 2 naman simple manners , pagiging gentleman, meron pa pala nun ngayon, nandiyan din yung putting napkin on the lap before eating, keeping my elbows away from the table, chew my food while my mouth is close, other table manners, and so on.

I guess this is it, paalam muna kay Charlie Rivera and Hello to Adrian Mendes.

End of Chapter Ten

Comment and Vote po! :)
Share to others na din!!!!

My Labs StoryWhere stories live. Discover now