Forty One

1.2K 62 8
                                    

Charlie/Adrian

Nakarating na ako sa condo. Kasalukuyan akong naghahanda ng damit at mga essentials ko. Pagkatapos dito pupuntahan ko ang mga kapatid ko para macheck lang kung okay sila ngayon nasa ospital si inay, ipinaubaya ko sila sa mga magulang ni Joey wala na rin kasi kaming iba pang kamag-anak dito sa maynila sa pagkakaalam ko. Mahirap ng iwanan silang dalawa lang sa bahay, bata pa si Cecil at Judy, pumapasok pa sila mas okay na din na may tumutulong sa kanila habang wala kami ni nanay.

Paalis na ako sa condo nang makareceive ako ng tawag mula kay sir art. Sinabi niya na may dinner mamaya sa bahay nila Athena, pag-uusapan din ang bago at isa sa biggest project na papasukin namin. Alam niyang naospital ang nanay ko pero kung pwede daw bang maghanap ng ibang magbabantay kay nanay habang nasa dinner ako with Athena's family. Hindi naman daw magtatagal. Buti nandoon si Kristel.

Kinuha ko muna ang mga gamit na kailangan ni nanay, nakadaan na rin ako sa mga kapatid ko, wala silang pasok ngayon kaya nakapagbonding kami kahit saglit lang.

Nagpupumilit ang dalawa na bumisita kay nanay, si Cecil nga ay nagprisintang magbabantay. Ngunit ang sabi ko ay magaral na lang siya ng mabuti. Pero pumayag ako na puntahan nila si nanay bukas, di pwede ngayon dahil walang maghahatid sa kanila, nasa trabaho si Joey.

Pabalik na ako sa condo para magfreshen-up for the dinner nang makita ako ni Rosalie yung first love ko, nabalitaan ko sa kanya na ikakasal na pala sila nung boyfriend niya. Himala at pumayag ang mga magulang ni Rosalie alam ko kasi gusto nila ang makatuluyan ng anak nila ay mayaman. Sobrang against kaya sila sa akin dahil bukod sa di ako tunay na lalaki ay mahirap lang ako. Di bale na meron naman akong Athena at Kristel ngayon wala na akong nararamdaman kay Rosalie kaya masaya ako para sa kanya. Sabi ko kung di ako makapunta sa kasal nila papupuntahin ko na lang ang mga kapatid ko, baka kasi maging busy ako.

Nagpaalam na ako sa kanya ilang hours na lang dinner na namin sa bahay nila Athena. Nakita kong sumagot na si Kristel sa text ko, ansabi niya ok lang na siya ang magbantay pero bukas daw ay kailangan na niyang bumalik sa probinsya at kailangan daw naming mag-usap pagkarating ko sa ospital.

5:30pm...... Sa Bahay nila Athena

"Adrian Iho ang aga mo yata."

"Wala pa po ba ang mga magulang ko?"

"Malapit na sila, pasok ka muna or better pakitawag na si Athena sa taas."

"Sige po tita ako na ang bahala."

Pagkatapos namin magusap ni Tita umakyat na ako.

"Tok! Tok! Tok!"

Walang sumagot kaya naisip ko baka tulog mabuti pa at pasukin ko na para gisingin.

"Oh shit!"

"What the?"

Nakita ko siyang palabas ng cr nakatapis lang maikli pa yung towel niya kaya kitang kita ang mahaba at makinis niyang legs.

"What are you doing here? Its rude to just barge in here unannounced. Don't you know how to knock?"

"Sorry akala ko kasi tulog ka. Kumatok naman ako tatlong beses pa nga." sabi ko habang nakatakip ang mga mata ko.

"Pwede ba Adrian lumabas ka muna at magbibihis lang ako." sabi niya sabay bukas ng pinto.

At dahil nakapikit at nakatakip ang mga mata ko I have no idea where to go kaya habang naglalakad ako tumama ako sa kanya.

My Labs StoryWhere stories live. Discover now