Twenty Nine

1.3K 55 0
                                    

Charlie/Adrian

Di ko pa din mapaalis itong spoiled brat. Yung order kong pagkain siya na din ang umubos gutom pa tuloy ako.

Maiba tayo yung sinasabi niya sa akin na magpanggap na nagmamahalan pwede pala yun, bakit hindi na lang kasi siya maghanap ng iba, yung bang magugustuhan ng mga magulang niya. Tsaka pansin ko din na di mabuti ang intensyon sa kanya ng boyfriend niyang suso. Tulad nung boyfriend ni Rosalie ko ay shet bakit ba inaalala ko pa yun di ba slowly moving on ka na Charlie marami namang iba diyan tulad ni Krist... ah ehhh basta iba na lang.

"So what do you think? 1-2 years lang, fake marriage naman so technically its not binding. Pwede ka pang magpakasal sa iba."

"Bakit hindi ka na lang magmahal ng iba yung taong magugustuhan ng magulang mo. Nakakasiguro ka bang yung suso este si Ethan na ang the one mo? Kasi sa totoo lang napagdaanan ko na yan. Mahal na mahal ko yung tao pero ayaw sa akin ng parents niya sinubukan ko pero huli na pala meron ng iba. At alam mo ang nakakatuwa botong boto ang mga magulang niya sa unggoy na yun."

"Kung mahal mo siya di ka susuko, porket meron ng iba hindi mo na ipaglalaban. Sige nga kasal na ba sila? May anak na ba? Ginawa mo na ba ang lahat? Kung ang sagot mo sa mga tanong ko ay Hindi pa, then there is still a chance. Unless from the start you were never in love, kaya madali lang sa iyong sumuko."

Mahal ko nga ba si Rosalie?
Bakit ang bilis ko nga sumuko?
Dapat ba akong lumaban at agawin siya?
Siya ba ang the one ko?

"O ngayon di ka makapagsalita diyan."

"Siguro nga nabulag ako, akala ko siya na yung The One ko pero hindi pala. I wasted all my time and effort. Mabuti na lang at nagising ako. I don't regret na hindi ko siya hinabol, hindi ko siya ipinaglaban at sumuko ako agad."

"Okay okay, good at narealize mo na, so what do you think sa offer ko?"

"Ibang klase ka din eh noh!"

"Desperate times calls for Desperate measures. Please kailangan ko lang talaga ang tulong mo."

Dagdag responsibilidad sa akin ito. The lies just keep piling up. Baka sa sobrang taas, darating ang araw na ma karma ako.

"Magpapanggap tayong inlove sa harap ng mga magulang natin. Kung gusto nila tayong ikasal walang problema, we will enter into a fake marriage, sabihin natin kasal na tayo sa huwes, you know its so easy to forge documents. After 1 or 2 years kapag okay na ang lahat sa parents ko we can separate we were never married in the first place kaya pwedeng pwede ka magpakasal sa ibang tao. About other arrangements pwede natin pag-usapan yun after. Ang kailangan muna natin gawin ay mapaniwala sila."

"Desidido ka talaga sa plano mo ah! Kamusta ang boyfriend mo? Alam ba niya ang binabalak mo?"

"Pinag-isipan ko siya ng maiigi, nahirapan kaya ako makatulog. And about Ethan, siya nga ang nakaisip na gawin natin ito. Kapag kasi pinilit ko ang pagmamahalan namin itatakwil ako ng parents ko at mabubuhay kaming dalawa sa hirap at ayokong maranasan ng mga anak ko yun, lalong lalo na ang hindi kilalanin ng kanilang pamilya."

After 1-2 years matatapos din ito, mabilis lang naman di ba.

"Ano? Payag ka na?"

"If we are doing this, may rules and boundaries tayong dapat pag-usapan."

"Yeah I know. So okay na sa iyo? Wala ng bawian ha!"

"Oo pumapayag na ako kapag nagkaproblema, I will definitely blame you."

"Whatever. Sige aalis na ako makikipagkita pa ako kay Ethan."

Tumayo na siya at lumabas na ng condo ko. Naiwan ako dito sa sofa, still contemplating if I did the right thing.

One message received..

Mendes wag mo kalimutan yung pinag-usapan natin ha! May dinner daw sa amin bukas and invited kayo ng parents mo. Since pumayag ka na we can start tomorrow.

~BrAthena 😈
~~~~~~~<<<<<<<<<>>>>~~~~~~~
Opo mam don't worry I will play my part, basta ba di mo isasama yung boyfriend mong mukhang suso.

Message sent..
~~~~~~~~<<<<<<<<<<<~~~~~~~~
One message received..

Excuse me mataas ang standards ko sa lalaki. I happen to be the COO of the company. Kaya di basta basta ang nagiging boyfriend ko. Pasalamat ka nga at magiging girlfriend o asawa mo ako even if its fake.

~BrAthena 😈
~~~~~~~~~<<<<<<<<<<<~~~~~~~
Wow ibang klase din itong si Athena, sobrang taas ng confidence.

Sus COO, Child of the Owner ka lang. Yung suso mong boyfriend pala ang level ng standards mo. Pasalamat talaga dahil fake lang ang relationship natin.

Message sent..
~~~~~~~~~~<<<<<<<<~~~~~~~~~

One message received

Aba ang bilis magreply ah

Nang-aasar ka ba! Siguro crush mo ako noh!

~BrAthena 😈

~~~~~~~~~<<<<<<<<<<~~~~~~~~

Crush? Baliw na talaga si Athena

BrAthena for your information di kita type, never in my whole life or existence na magkakagusto ako sa tulad mong brat, mataray, spoiled at di marunong pumili ng lalaki. Kung magkakagusto ako dun na lang sa secretary ng dad ko yun mabait kahit mataray, maganda at sexy pa.

Message sent
~~~~~~~~~<<<<<<<<<<<~~~~~~~

Ay shet! shet! shet! Bakit ko sinabi yun? Naku naman ang daldal ko talaga!!! Ano na lang ang sasabihin niya! Ay naman!

K-kalimutan mo na lang yung last part na sinabi ko wala yun, ah eh basta nagkamali lang ako.

Message sent
~~~~~~~~~<<<<<<<<<<~~~~~~~~

Hala! Bakit wala pa siyang reply, tulog na kaya yun. Kung pwede lang iremove katulad sa messenger. Shaks sana wag na niyang pansinin masyado yung last texts ko.

Nag-antay ako kung magrereply siya pero ilang oras na ang nakalipas wala pa din. Di na ako nakatulog kasi pagtingin ko sa orasan 5:00 am na.

Naghilamos ako, tapos nagready ng breakfast. Iniwan ko sa kwarto yung phone ko para magcharge kasi nakabukas yun buong magdamag.

Tutal linggo naman ngayon at dinner pa yung pupuntahan ko mamaya dadaan muna ako sa pamilya ko para makamusta ko sila. Last time kasi di kami nakadaan ni Kristel. Speaking of Kristel, kamusta na kaya siya. Hanggang ngayon wala pa din siyang reply sa text ko, kahit nga yung mga friends niya sa work at si Dad di niya sinasagot. Akala ko babalik kami sa dati pero mukhang malabo mangyari yun, minsan nga kapag si Athena ang kabangayan ko parang si Kristel yung nakikita ko.

Hay! Kristel nasaan ka na ba?

End of Chapter Twenty-Nine

Comment and Vote po! :)
Share to others na din!!!!

My Labs StoryWhere stories live. Discover now