Thirty Nine

1.2K 57 13
                                    

Charlie/Adrian

😳

Anong ginagawa niya dito? Bakit ngayon lang siya bumalik? Gosh di pa din nagbabago maganda pa din siya. Kala ko di ko na siya makikita ulit. Kaya naisip kong mag-move on.

"O para kang nakakita ng multo diyan, di ka ba magsasalita? Kasi kung hindi aalis na lang ako."

"What are you doing here?"

"Nalaman ko sa mga magulang mo na nandito ka daw, tinakbo ang nanay mo kaya dumiretso ako dito."

"Kailan ka pa dumating? Are you staying for good?"

"Kanina-kanina lang dumaan ako sa condo mo pero walang tao kaya pinuntahan ko si sir Arturo."

"So babalik ka na?"

I dont want to sound rude pero kasi wrong timing siya. Kung kailan andami kong iniisip.

"It depends ko meron pa ba akong babalikan."

Nagulat ako sa sinabi niya, di naman siya ganito dati, straightforward.

"San ka napadpad? Bigla bigla kang nawala di ka man lang nagpaalam. Last time you said leave from work lang yun pala di ka na babalik."

Nagkatinginan lang kami after ilang minutes umupo siya pero di sa tabi ko kungdi dalawang upuan mula sa akin.

"I needed a change of scenery."

"Change of scenery, tapos nung nagtagal ayaw mo ng bumalik. Sorry kung rude ang dating ko akala ko kasi okay tayo. I was expecting something between us."

Natahimik nanaman kami. Di man lang niya ako tignan.

"Excuse me Mr. Rivera?"

"Yes po."

"Kinuha ko lang po yung blood pressure ng pasyente, gising na po pala siya at hinahanap kayo." sabi ng nurse

"Thank you."

Tumayo ako at papasok na sana ng tumigil ako sa may pintuan.

"Antayin mo ako marami tayong pag-uusapan. Pwede ka naman pumasok sa loob matagal ka na din di nakikita ni nanay."

Nakita ko siyang tumayo at pinauna ko ng pumasok.

"Charlie ikaw na ba yan?"

"Opo nay kasama ko si Kristel."

"Aba matagal-tagal ka din nawala Kristel, saan ka ba nanggaling?"

"Pumunta lang po ako sa probinsya, nagpahinga po matagal na din po kasi akong nagtratrabaho. Kamusta po kayo? Ipagdadasal ko pong gumaling kayo agad."

"Ganoon ba, sabagay masarap ngang mamuhay sa probinsya tahimik at madali lang ang araw-araw. Ito napakaraming nakaturok. Kailangan ko pa daw magtagal dito ng ilang araw."

Patuloy silang nagkwekwentuhan, di na nga ako nakikinig.

"Bibili lang po ako ng hapunan namin ni Kristel, yung sa inyo padating na din."

"Teka sasama na ako."

"Maiwan ka na dito, pakialalayan muna si inay, kung okay lang?"

Di na siya umimik at tumango na lang.

Napansin kong okay na si nanay, di ko lang alam kung baka mamaya biglang atakihin ulit siya. Pang 30th siya sa list kahit na konti lang yun mahirap pa rin makakuha ng donor at kailangan pang makasigurado na match yung ipapalit na puso.

My Labs StoryWhere stories live. Discover now