Twenty Three

1.2K 54 6
                                    

Kristel

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at sumama ako sa kanya. Ilang beses ko na din pinaalalahanan ang sarili ko na mali ito, mali na may nararamdaman ako.

"Manang isang order nga po ng menudo at adobo, pasama na rin ng isang bangus."

"Aba Charlie mukhang malaki ang kita natin ngayon ah! Ilang kanin din ba?"

"Tatlo po, hihingi na lang kami kung kulang."

"Charlie! Long time no see! Ganda ng chiks ah!" sabi nung mukhang sangganong lalaki

"Elias ano ka ba katrabaho ko lang si Kristel, saktong pauwi na kami kaya niyaya ko na siyang maghapunan muna."

"Sus katrabaho daw, pinopormahan mo yata eh! Pano na si Rosalie mo?"

"Huy! G*gô! Di kaya, tsaka Rosalie pa din tinitibok ng puso ko noh!"

"Elias pumasok ka na sa kusina at marami ka pang huhugasan." sigaw nung babaeng may-ari nitong karinderya.

Nang mailapag na ang order namin bigla siyang nagsalita.

"Pagpasensyahan mo na yung mga kabaranggay ko ngayon lang kasi nakakita ng maganda."

"M-maganda?"

"O bakit hindi ba? O sige pangit ka na."

Kaasar talaga ansarap pingutan ng tenga.

"Kumain ka lang ng marami, kung kulang yung kanin sabihin mo at order pa tayo."

Nagsimula na akong kumain and surprisingly masarap siya. Iba talaga paglutong ulam. 😊

"Tigilan mo nga yan!"

😁

"Wala naman akong ginagawa, natutuwa lang ako sa iyo kasi ansarap mo kumain."

"A-anong si-sinabi mo?"

"A-ah eh sarap na sarap ka kasi sa kinakain mo.

"Puro na lang kasi ako take-out this past few days, wala na rin akong time magluto, minsan mas pipiliin ko pang matulog kaysa kumain."

"Manang isa pa nga pong kanin, pahingi na rin ng softdrinks."

"Gutom ka pa?"sarkastikong tanong ko

"Para sayo yun lam kong bitin ka pa."

Dumating ang extra rice na hiningi niya pati na ang softdrinks, di na ako nagpakipot pa at patuloy na kumain hanggang maubos namin ang naihain.

"Charlie ito na ang bill, magsasara kasi ako ng maaga ngayon, inihabol ko lang kayo ng kasama mo."

Maglalabas na ako ng pera ng pigilan niya ako.

"Sabi ko naman sagot ko ang dinner natin. Thank you na din ito para sa lahat ng naitulong mo sa akin."

Agad kong ibinalik ang wallet sa bag at inantay siya sa labas ng karinderya.

My Labs StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon