Twenty Seven

1.4K 69 11
                                    

Charlie/Adrian

Back to work na ako matapos ko magabsent last monday, friday na nga pala ngayon 4 days na din walang balita kay Kristel, ansabi naman sa akin ni Dad wag ko na alalahanin pa siya dahil babalik din yun at kinakailangan din niya ng pahinga at bakasyon to enjoy.

"Adrian tawag ka nanaman ni Madam. Type ka talaga nun ibigay mo na ang gusto para di ka na pahirapan." sabi ng colleague ko

Ibinaba ko ang mga hawak kong documents at naglakad papasok sa opis niya.

"I heard na the project they gave you will start. Baka nakakalimutan mo na iyong pinapatrabaho ko sa iyo ha!"

Pinatawag niya ako para san! Manumbat!

"Siguro nagkakamabutihan na kayo nung anak ng may-ari ng advertisement agency. Kaya expected na magiging successful ang project mo."

Malapit na akong mapikon sa bading na ito kapag di talaga siya tumigil isang malakas na suntok sa mukha ang matitikman niya.

"Tapusin mo yung pinapagawa ko, kailangan maisend mo sa akin within the day."

"Opo."

"Sige na lumayas ka na sa harap ko."

Simula nang mabigyan ako ng sarili kong project lalo niyang dinadagdagan ang trabaho ko. Ayokong magreklamo kasi it will leave a bad reputation kayna Sir Art este Dad at yun naman ang iniiwasan kong mangyari dahil na din sa mga naibigay nila sa akin at sa pamilya ko.

"Excuse me miss saan ang office ni Adrian Mendes?"

"Ayun po ang table niya."

"Thanks."

Busy ako sa trabaho ng biglang may kamay na umagaw sa binabasa ko.

"Anak ng..."

"Ano mumurahin mo ako! Excuse me sa ganda kong ito ganyan mo ako kausapin."

"What are you doing here?" walang emosyon kong tanong

"Well I tried to contact you kaso I dont know your number ang meron lang ako office number niyo. So I decided to go here na lang."

"Pwede ba Athena kung makikipag-sagutan ka lang sa akin mabuting itigil mo na at ituloy na lang natin sa ibang araw busy ako."

"For your information tungkol ito sa project na gagawin natin. Willing ako makipagcooperate. Willing din akong magpanggap na nagkakamabutihan na tayo, para lang matigil ang mga magulang natin."

"What? Ano ka ba? Nasisiraan ka na! Leave me alone. May tinatapos pa ako."

"Alam mo parang iba ka sa Adrian na nakilala ko nung bata."

"Ha? Eh! Paano mo naman nasabi?"

"Feeling ko lang. Anyways tomorrow magkita tayo, I'll send you the address. Make sure na pupunta ka kundi lagot ka sa akin! Hindi mo gugustuhing kalabanin ako. Nasaan ang cellphone mo?"

"Bakit mo naman hinahanap?" tanong ko sabay labas ng phone sa drawer ko.

Hinablot ng spoiled brat ang cellphone sa kamay ko at may idinial na number.

My Labs StoryTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang