Seventeen

1.6K 72 2
                                    

Kristel

Inutusan ako ni Sir Art at Maam Melissa na asikasuhin si Adrian bago ang party. Napakahirap paniwalaan na may isang taong kamukhang kamukha niya.

How I wish you were still alive, here with us. You promise na babalikan mo ako, pero dahil sa isang aksidente nawala ang pinapangarap kong happy ending.

Sa malayo o kahit sa malapitan kung titignan mo ikaw na ikaw talaga, but sa ugali at kilos kayo nagkakaiba.

Sinamahan ko si Adrian, mula sa buhok hanggang sa mga susuotin niya nagawa namin ayusin before the party. Binilan ko na din siya ng sapatos na babagay sa suit niya.

Sa tuwing tinitignan ko siya may kakaiba ako nararamdaman pero lagi kong nireremind ang sarili ko na hindi siya ang lalaking laman ng puso ko.

The party went well marami ngang guest from celebrities to VIPs' nakapunta, nandiyan din yung mga members ng board at employees ng kumpanya. Walang naging problema sa pagpapakilala sa kanya, no one raise any suspicions.

Nagstay muna ako sa mansyon para i make sure na nailigpit ang lahat ng gamit. Patapos na din ako ng biglang may sumipol, hindi ko pinansin nung una ngunit patuloy ko pa ring naririnig.

"Sino yan?"

Walang sumagot kung kaya bumalik ako sa ginagawa ko...

"BULAGA!!!"

"Ahhhhhhhhhhh!!!!! Ahhhhhhhh!!!!!" sigaw ko

"Relax! Ako lang ito. Guys don't worry wala lang ito, go back to what you were doing."

"Walang-hiya ka! Bakit mo ginawa yun? Papatayin mo ba ako?" galit na tanong ko sa kanya

"Okay huminahon ka diyan, binibiro lang kita, at never pumasok sa isip ko na patayin ka."

"Biro? Sa tingin mo nakakatuwa yung ginawa mo?

"Sorry! Kala ko kasi okay lang sa iyo. Masyado kang seryoso kaya nagawa ko yun, to lighten up the mood ba."

"Seryoso ako kasi nagtratrabaho pa ako. Wala akong oras makipaglaro sa iyo."

"Pasensya na talaga Kristel. Hindi na mauulit. May maitutulong ba ako?"

Pinagsabihan ko siya at pinaalis na lang sa sobrang inis ko.

Napakalayo talaga ng ugali niya sa totoong Adrian, never niyang gagawin iyon sa akin, argghh!!!

Patuloy ng nasira ang araw ko sa ginawa niya nadamay ko pa tuloy ang ibang tao.

Kinabukasan......

"Kristel pakitsek yung mga documents na kailangan para makapagsimula na si Adrian sa trabaho niya dito sa company."

"Noted po Sir."

"Make sure na makapagsimula na siya ngayong week, and like I told you pwedeng mababang posisyon muna natin siya ilagay, sa HR siguro or sa Public Relations either way alam ko namang kakayanin niya."

"Yes Sir, ako na po ang bahala, may meeting po kayo ngayon with Mr.Delgado and then may dinner po kayo mamaya kasama ng asawa at anak niyo kaya pinapauwi po kayo agad ni Mam."

"Ah! Yes. Yun na lang ang natitira sa schedule ko for today right?"

"Yes po Sir, may kailangan pa po ba kayo?"

My Labs StoryDove le storie prendono vita. Scoprilo ora