Twenty Four

1.4K 63 4
                                    

Charlie/Adrian

Nakarating na kami at saktong nakita ako ni Elias yung alalay dito sa karinderya, kaibigan din namin siya ni Joey. Lakas pa rin mang-asar pero paulit-ulit kong sinasabi sa kanya na kasama ko lang sa trabaho si Kristel. Tsaka isa pa may Rosalie na ako, di ko na kailangan maghanap ng iba.

Marami akong na-order na ulam para may pagpipilian siya, buti na lang at mura dito.

Ang cute niya kumain, parang batang sabik na sabik sa luto ni nanay. Inasar ko siya pero naisip kong humingi pa kay manang ng extra rice mukhang kulang pa kasi sa kanya.

Ilang minuto din ang tinagal namin at naubos ang pagkain, simot na simot.

Lumapit si manang at inilapag sa mesa ang bill, agad kong napansin na nilalabas na niya ang wallet niya kaya pinigilan ko siya.

"Sabi ko naman sagot ko ang dinner natin. Thank you na din ito para sa lahat ng naitulong mo sa akin."

Nginitian niya lang ako at lumabas na.

"Ang ganda ng kasama mo Charlie ah! Nobya mo ba yun?"

"Manang naman sinabi ko na nga kay Elias katrabaho ko lang si Kristel, sinama ko lang siya dahil na din sa laki ng nagawa niya sa akin. Ito na yung treat ko sa kanya bilang pasasalamat."

Sinundan ko na si Kristel sa labas, pati si Manang sumunod na din.

"Salamat Manang, ansarap mo pa din talaga magluto. Mukhang natuwa nga itong kasama ko naground 2 pa." sabi ni Charlie habang papalabas.

"Naku nambola ka pa."

"Magaling mambola si Charlie manang pero totoo pong masarap yung ulam. Salamat po."

"Ay naku, salamat din, babalik kayo ha! Lalo ka na Kristel, tama?"

"Opo." sagot nitong katabi ko

"Sige na at ihatid mo na yang kasama mo Charlie, marami pa namang nag-iinuman dito sa atin, baka mapano pa siya."

"Ihahatid na kita sa apartment mo from there magcommute na lang ako papunta sa condo." sabi ko habang naglalakad kami pabalik sa sasakyan niya

"Charlie!"

Napatigil ako sa paglalakad at agad na tumingin sa tumawag sa akin.

"Rosalie!"

Tumakbo ako papunta sa kanya, hindi naman naalis ang tingin ko sa kasama niya.

"Kailan ka pa nakabalik? Lam mo bang matagal na din kitang hinahanap. Ansabi sa akin ng mga kapatid mo busy ka daw sa bago mong trabaho."

"Oo kailangan kasi 24/7 ang pagbabantay namin ni Joey."

"24/7 eh bakit si Joey nakakauwi pa dito sa atin. Di mo man lang namiss yung mga tao dito lalo na ang mga kapatid mo."

"Eh iba kasi ang kontrata ni joey sa kanya hiniling niya na uwian siya ako naman preferred kong sa amo ko na lang manirahan mas tipid at malaki pa ang kita. Namimiss ko naman lahat kayo, lalo ka na. Kaya nga kapag may oras dumadaan ako dito. Malas lang kasi di kita maabutan. Sino nga pala yang kasama mo?"

My Labs StoryWhere stories live. Discover now