One

6.9K 109 4
                                    

Charlie

"I Love You Rosalie!"

"Hoy! Tumahimik ka nga diyan Charlie, gabi na nagsisi-sigaw ka pa diyan."

"Mang Raul naman gusto ko lang po sana umakyat ng ligaw."

"Ay basta umuwi ka na, maaga pa bukas ang simula mo."

"Raul ano ba yan? Sino kaaway mo nakakahiya na sa mga kapit-bahay."

"Naku itong si Charlie ayaw tumigil sa kakapunta dito sa atin Elsa, kanina ko pa nga pinapa-uwi."

Tumingin sa bintana si Aling Elsa at ng mapansin ako galit lang ang aking nakita.

"Ikaw Charlie tigil-tigilan mo na itong unica hija namin at wala lang siyang mapapala sa iyo. Umuwi ka na lang kung gusto mo pang magkatrabaho bukas."

Aalis na sana ako ng mapansin ko siya sa likod ng mga magulang niya.

"Nay at Tay tama na po yan kumain na tayo at masamang pinag-iintay ang grasya."

"Mabuti pa nga, halika na Raul."

"Magandang Gabi sa iyo Rosalie." sabi ko sabay ngiti sa kanya

"Magandang Gabi din Charlie."

"Ngayon wala na yung mga abala, pwede ba akong magtanong?"

"Sira ka talaga, mga magulang ko kaya yung sinasabihan mo na abala. Ano ba kasi ang ginagawa mo dito?"

"Pwede bang manligaw?" diretsong tanong ko sa kanya

"Ay naku umuwi ka na sa inyo at gutom lang yan. Lakas mo din magbiro noh!"

"Ah-eh hindi naman ako nagugutom, busog na busog pa nga ako, tsaka seryoso ako noh!"

"Umuwi ka na at baka walang nagbabantay sa mga kapatid mo, pag-initan nanaman ng Nanay mo."

Ano ba yan mukhang naudlot nanaman pasaway kasi sina Mang Raul eh, kung kailan naman ready na ako wala ng atrasan dun pa sumingit.

"Sige na nga pero seryoso ako dun sa tanong ko ha! Babalik na lang ako sa ibang araw."

"Rosalie, isarado mo na nga yang bintana at kumain ka na dito." sigaw ni Aling Elsa

"Opo Inay susunod na."

"Rosalie!"

"Ano yun Charlie?"

"Goodnight and Sweet dreams!"

"Baliw!"

Umalis ako nung makita kong isinara na ni Rosalie ang bintana.

Kaasar naman malapit na eh, di bale walang sukuan pagdating kay Rosalie, hard-working yata ako.

"O mga pare si tomboy nandito na."

"Oo nga tsak pinalayas nanaman nila Mang Raul, hahahahaha!"

"Nangangarap kasi, eh hindi naman siya papatulan ni Rosalie, ang gusto nun tunay na lalaki, hindi lesbiyana hahahahaha!"

"Meron ka ba nito?" sabay kuha sa kamay ko at ipinahawak ang naninigas niyang pagkalalaki

"Aba Gag* ka!"

susuntukin ko na sana yung lasing

"Pare tama na yan, mahirap na, pagtutulungan ka pa niyan." awat ng matalik kong kaibigan

"Joey bitawan mo ako, namumuro na sa akin itong mga tambay na ito eh!"

"Charlie naman tara na at yung mga kapatid mo sa bahay kawawa."

My Labs StoryWhere stories live. Discover now