Three

2.1K 73 6
                                    

Charlie

Hindi ko na natuloy ang sinabi ko kasi natulala ako sa chika babe na lumabas sa magarbong sasakyan.

"Ano manong Leo matagal pa ba yan?"

"Ay eh senorita pasensya na po, mukhang matatagalan po kasi medyo napalakas yung pagkabangga nitong tricycle sa sasakyan." sagot nung matandang lalaki

"Pakitawagan na lang po yung driver ni Mama at pakisabi sunduin ako kung nasaan man tayo dahil nagmamadali ako."

"T-teka mas mahalaga pa ba yang nangyari sa auto niyo kaysa sa tricycle ko? Aba ms kailangan niyo akong bayaran mas malaki kaya ang sira nung sa akin."

"Manong Leo kayo na ang bahala diyan at dito lang ako sa loob habang nag-aantay ng sundo."

"Masusunod po."

Aish! Kung minamalas ka nga naman. Lalapitan ko na sana yung babae kaso humarang si tatang.

"Kung ayaw mong makulong magbayad ka na lang, kasi ibabawas sa sweldo ko ang pagpapa-ayos nito, wala naman akong kasalanan."

"Huwag niyo po akong idaan sa ganyan, pare-pareho naman tayong nagtratrabaho dito at tulad niyo hindi ako ang nagmamay-ari nito kaya lagot din ako."

"Mahirap ka bang paki-usapan, ikaw naman itong agad-agad na sumulpot at isa pa high-way na ito, di pwede ang tricycle dito. Ipahuli kaya kita sa mmda."

"Takutan pala ang gusto niyo manong eh! Pwes para sabihin ko sa inyo matapang yata ito."

"Iho kung ako sa iyo para iwas gulo magbayad ka na lang, kitang-kita naman na ikaw ang dehado."

"Aba sira-ulo ka ba manong, anyaman-yaman ng amo walang pampaayos."

"Manong Leo hindi pa ba kayo tapos mag-usap? Natawagan niyo na po ba yung isang driver?"

Lumabas mula sa loob yung chika babe kaso mukhang galit na galit na at naiinip.

"Senorita pasensya na po, hindi ko pa po natatawagan, ito kasing batang ito makulit."

"Sir hindi ako makulit, di porket ma pera kayo eh lagi na kayong tama, ako na nga itong mabait dahil di na ako mag-dedemanda."

"Manong unahin niyo nga po muna yung utos ko, late na late na ako, meeting pa naman yun."

Imbis na kausapin ako ni tatang nilabas niya ang cellphone niya para tumawag.

Habang inaantay ko siyang matapos, nakatingin lang ako dun sa chiks, ang ganda niya sayang mukhang suplada at matapobre. Bagay pa naman kami, hehehe well meron naman akong Rosalie wala siyang panama dun.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" masungit at seryosong tanong niya

"Ah-eh wala, may naalala lang ako."

"Ano sabi Mang Leo?" sabi niya dun sa tatang na kakatapos lang makipag-usap

"Darating na daw po yung isang driver in 15-20minutes, mag-antay na lang po kayo sa loob."

Bumalik si ms sa kotse at si tatang naman humarap na sa akin.

"Ito ang number ko, tawagan mo ako kung ready ka na magbayad, kukunin ko na rin pala ang number at address mo just in case takasan mo kami."

Aba! Kundi man ito tanga, ako pa talaga ang tatakas

"Sir kung wala kayong balak magbayad magkita na lang po tayo sa prisinto, kasi sa totoo lang kayo ang dehado."

"Naku ako pa ang sinisisi mo sige dalhin na lang natin itong problema sa pulis nang sila ang makapagdecide na tama ako at mali ka iho."

Matapos ang ilang minuto kong pakikipagtalo kay tatang eh may humintong itim na van sa may tabi at agad lumabas ang isang lalaki na mukhang bodyguard.

"Uy teka manong san kayo pupunta? Ikaw yata ang tumatakas eh, uy san..."

Bago ko pa ituloy ang sasabihin ko yung bodyguard biglang lumapit at hinarang ako.

"Senorita nandito na po yung sasakyan. Ililipat ko na lang po agad ang mga gamit niyo." sabi ni tatang habang inaalalayan palabas yung babae

"Bilisan mo manong Leo, kung inasikaso niyo kasi agad yan di na tayo magtatagal, PERA LANG NAMAN ANG HABOL NIYAN!"

Grabe! Nakakapanggalaiti lalo na at diniinan pa niya yung mga huling sinabi niya.

Susugurin ko na sana ang mataray na matapobreng babae na yun nang tinulak ako ng bodyguard. Sa lakas muntikan na ako mapa-upo.

Matapos ang pangyayari na yun sumunod na yung bodyguard at humarurot na paalis ang van.

"Pasaway na talaga ang mga kabataan ngayon. Wala pang modo."

"Tama kayo tatang, sama ng ugali ng boss mo."

"Siraulo ka! Ikaw ang tinutukoy ko."

"Ah! Eh sandali ako! Iesh baliw na matandang ito. Oh san ka pupunta? Tatang lumabas ka diyan sa sasakyan!!!!"

"Tatang!!!" sigaw ko habang kinakatok ang bintana.

Biglang gumalaw na ang sasakyan

"NBN347" kinabisado ko ang plate number nung sasakyan yun na lang kasi ang hawak kong katibayan at impormasyon, tuluyan ng nawala yung sasakyan.

"KAASAR!!!!"napasigaw na lang ako.

7:00pm

"Kuya san ka ba nanggaling? Kanina ka pa namin inaantay."

"Sorry, may inasikaso lang ako."

"Ano naman iyon?" tanong ni Cecil

"Hala!" biglang sigaw ni Judy yung bunso

"Bakit ka naman sumigaw at nang-gulat?"

"Sensya na kuya charlie, yung tricycle mo kasi parang nabangga ng malaking truck, pipe yung harap, basag pa yung salamin." sagot ni bunso

"Wag niyo na ipaalala. Ako na ang bahala. Sumakay na lang kayo para maiuwi ko kaya agad kasi lalabas ulit ako para kumita pa ng dagdag, lalo na at nasira ko pa itong unit ni Mang Raul."

"Kuya paano na yan? Magkano nanaman ang kailangan para mapalitan natin." singgit ni Cecil

"Sige na, sakay na, sakay na. Di niyo problema yun ako ang may kasalanan at responsibilidad ko itong unit." seryoso kong sagot

Maghahapunan na nang makarating kami, nagluto muna ako para may makain sila. Nakabili na rin ako ng alak para kay Nanay sakaling dumating siya ng maaga. Mahirap na, wala ako para maipagtanggol ang mga kapatid ko.

Sumabay na ako sa kanila nakakagutom din yung mga nangyari sa akin kanina.

"Cecil kayo na ang bahala dito, pakiayos at pakilinis na lang ang mga pinagkainan. May alak na ako nabili para kay nanay para di magwala. Kapag may problema o may kailangan kayo txt mo ako kaagad ha! Wag niyong gagalitin at inay."

"Okay Kuya.👌"

Nakalabas na ako at sumakay na sa tricycle.

Paano na kaya ako? Tsak pupugutan ako ng ulo ni Mang Raul, hehehehe! Di naman siguro aabot sa ganun di ba guys! Ano ba yan kung sino-sino kinakausap ko baliw na yata ako.

AY!!!!!!! Bahala na si batman!!!

End of Chapter Three

Comment and Vote po! :)
Share to others na din!!!!

My Labs StoryKde žijí příběhy. Začni objevovat