Thirty Eight

1.1K 59 6
                                    

Kristel

Alam ko, matagal tagal na din ng huli akong magparamdam. Masisi niyo ba ako, eh sa nabuntis ako. Nalaman ko din nung naipanganak ko si Christa na may problema ang aking mga mata. Maari daw akong mabulag sabi ng doktor. Kaya naisip kong gawin lahat ng gusto ko na walang pag-aalinlangan.

Namuhay ako sa probinsya, kasama ng dalawang matandang tumulong sa akin at sa anak ko. Ilang months pa lang ang nakalipas na mailabas ko si Christa ang laking bata na, kamukhang kamukha ng tatay. Masaya kami dito bukod sa mabait lahat ng tao di nila kami ni minsan hinusgahan. Tumutulong ako sa bukid yun lang kasi ang paraan upang kumita kami at may makain sa araw araw pati na din sa pangangailangan ng anak ko.

Nang malaman kong buntis ako, di na ako nagtaka kung papaano at sino ang ama. Siya lang naman ang nakatalik ko, siya lang ang nakagalaw sa akin at kahit na hindi siya ang una kong minahal, I feel matagal na niyang nabihag ang puso ko.

"Kristel pakibantayan muna itong anak mo at kailangan naming pumunta ng Lolo mo sa bayan."

"Ako na po ang bahala pakibaba na lang po siya sa crib, magtitimpla po ako ng gatas niya."

"O mauna na kami ng makabalik din kami."

"Ingat po kayo ni Lolo."

Nang makaalis sila ay saktong nakapagtimpla na ako ng gatas ng baby ko. Binuhat ko siya at umupo kami sa sofa habang pinapagatas ko siya.

Si Christa Aquino, anak namin ni Charlie, 3months old pa lang. Magandang bata at napakataba kaya ang sarap pisil-pisilin.  Akala ko mahihirapan ako magpalaki sa kanya pero tahimik siyang bata at di magulo, di tulad ng tatay niyang ubod ng kulit. Kahit na di niya nakuha ang ugali nito sa tuwing titignan ko ang anak namin si Charlie ang naaalala ko.

"Tao po? Tao po?"

"Sandali lang."

Binuksan ko agad ang pinto habang buhat ang anak ko.

"Kristel! Tamang tama nandito ka may ibibigay sana ako sa iyo, ito o naparami ulit ang huli namin kaya naisip kong bahagian ka."

"Paeng paulit-ulit ko ng sinabi sa iyo na hindi mo naman kailangan gawin ito. Sandali dyan ka lang kukuha ako ng pambayad."

"Naku wag na, wag na, bigay ko ito di mo na kailangan bayaran at isa pa ako mismo ang naghuli niyan."

"Hay o sige pero sana last na ito, nakakahiya sa mga magulang mo dahil pangingisda lang ang bumubuhay sa inyo tapos ipamimigay mo lang."

"Sige na tanggapin mo na at wag mong isipin yun, kasi alam mo naman na nanliligaw ako di ba, dahil wala akong malaking pera para bumili ng regalo, ito ang naisip kong paraan para maipakita ko sa iyo ang pagmamahal ko. Kung may kailangan ka pang iba dito sa bahay niyo tawagin mo lang ako."

Siya si Paeng, nakilala ko nung mapadpad ako dito, nagsimula sa pagkakaibigan hanggang sa isang araw pumunta siya dito sa amin at idineklarang liligawan ako sa harap nina Lola at Lolo. Mabait si Paeng, nagtratrabaho siya sa laot kasama ng tatay niya at iba pang mangingisda. Marami silang magkakapatid at siya ang panganay. Masipag at may itsura. Pero...

"Alam mo namang ayaw sa akin ng mga magulang mo masyado silang tradisyonal, kita mo namang nabuntis ako ng ibang tao. Kaya itigil mo na yang mga ginagawa mo."

"Wala silang pakialam sa desisyon ko at kung sino ang gusto kong makasama. Bakit sa tingin mo babalikan pa kayo ng lalaking nakabuntis sa iyo, baka nga may iba na yun. Kaya ko kayong buhayin ni Christa, mahal na mahal kita Kristel, at sana bigyan mo ako kahit konting pagkakataon."

"Wag mong sirain ang buhay mo sa akin, marami pang ibang babae diyan na bagay sa iyo at deserve ang pagmamahal na ibinibigay mo sa akin. Sige na baka hinahanap ka na ng tatay mo. Salamat ulit sa isda pero wag na sanang maulit ito dahil ito ang ikinabubuhay niyo, di dapat basta-bastang ipinamimigay."

"Di kita susukuan, di ako tulad ng lalaking nakatalik mo, seryoso ang intensyon ko sa iyo at sa anak mo. Hindi ko kayo iiwan."

Di ko na siya kinausap at pinagsarhan ko na ng pinto. Kaya ko pa ba magmahal ng iba ngayon pang may anak na ako sa taong iyon? Paano nga kung sakaling may mahal na siyang iba or worst may pamilya na. Alam ko namang ipina-partner siya sa anak ng kaibigan ni Sir Arturo kaya hindi malabong magkatuluyan at magkainlaban sila.

"Kristel apo kanina ka pa namin tinatawag, pakitulungan nga ang Lolo mo sa buhat niya."

Nabalik ako sa katinuan at tinulungan ko si Lolo sa kanyang mga dala dala.

"May problema ka ba? Parang may malalim kang iniisip? Ano ba iyon? Baka makatulong kami ng Lolo mo."

"Iniisip ko lang po sanang puntahan yung ama ng anak ko. Gusto ko naman ding malaman niya na meron siyang anak."

"Di ba iniwan niya kayo? Bakit babalikan mo pa?"

"Eh ang totoo po hindi po niya kami iniwan, nagdesisyon po akong lumayo. Hindi ko naman po akalain na magbunga ang ginawa namin."

"Kung ganoon pala dapat nga malaman niya na nabuntis ka niya. Papanagutin mo." sabat ni Lolo

"Isasama mo na ba si Baby Christa?" tanong ni Lola

"Ang balak ko po ay ako lang ang luluwas para makausap muna siya. Pakibatayan na lang po ang anak ko hanggang sa makabalik ako."

"Kami na ang bahala sa kanya, huwag ka mag-alala. Kailan ang alis mo?"

"Bukas po."

Kinabukasan....

"Mag-iingat ka. Tawagan mo kami kapag nakarating ka na ng maynila."

"Opo, kayo na po ang bahala sa baby ko, babalik din po ako agad."

"Bumalik ka ng kasama mo na yang ama ni Baby Christa ng masermonan namin." sabi ni Lolo

Nilapitan ko si Baby Christa at kinausap ko ito.

"Anak aalis muna si mama mo ha! Babalik din ako agad, malay natin makilala at makasama mo na si papa mo. Magpakabait ka at wag makulit kasi sina Lola at Lolo matanda na."

Sumakay na ako ng bus at nagpaalam sa kanila. Ilang oras din ang biyahe pabalik sa maynila, ginabi na nga ako. Nagtungo agad ako sa condo ni Charlie pero nadatnan ko itong walang tao. Next kong naisip na puntahan ay sina Sir Arturo at Mam Melissa.

"Kristel kailan ka pa nakabalik?"

"Sir Arturo pasensya na po kung di ko kaya nasabihan agad. Pasensya na rin po at basta basta ako nagresign may kinailangan lang po akong gawin."

"Walang problema, matagal ka naman na nagtratrabaho sa akin kaya naintindihan ko ang ginawa mo, ready ka na ba bumalik? Tatanggapin naman kita ulit."

Sinabi ko na may aasikasuhin muna ako at di ko masasabi kung kailan ako babalik. Pagkatapos ng pag-uusap namin nalaman ko na nasa ospital si Charlie dahil malubha na ang sakit ng nanay niya. Nagdadalawang isip tuloy ako kung sasabihin ko pa sa kanya na may anak na kami ayoko naman na mastress siya.

Sa ospital.....

Kitang kita ko na pagod na pagod na siya at di alam ang gagawin.

"Di ko akalain nagkagusto ako sa isang baliw."

😳

End of Chapter Thirty Eight

Comment and Vote po! :)
Share to others na din!!!!

My Labs StoryWhere stories live. Discover now