Eight

1.8K 76 5
                                    

Charlie

"Preng Charlie, lalim yata ng iniisip natin ah! Ano ba yan? o Sino ba yan?"

Tinignan ko lang si Joey ng seryoso, wala siya kanina nang mag-usap kami ni Sir Arturo kaya di niya alam kung ano ang sitwasyong binabalak kong pasukin.

Earlier......

"Pretend to be my son Adrian, kahit sa harap lang ng asawa ko."

"Sir bakit ko ho gagawin yun, uulitin ko lang, hindi ako ang anak niyo. Isa pa hindi ko siya kilala, tsak magtataka yung asawa niyo sa akin at mas lalo lang ikasama ng kalagayan niya."

"You said that you are willing to do anything, kaya nga umabot ako sa desisyon na ito."

"Sir, mahirap po yan, bukod sa misis niyo paano yung mga taong nakapaligid sa inyo, pati na yung mga nakakakilala sa anak niyo, kamag-anak, kaibigan."

"Wala tayong magiging problema pagdating sa ganyan. Na-cremate na ang katawan ng anak ko and no funeral happen, yun kasi ang request niya in case may mangyari. Bilang lang siguro ang nakakaalam ng pagkamatay niya. In fact as far as I know, the doctors, nurses, me and my wife are the only one who knows. Besides my employees, friends, even relatives are aware that my son is still working abroad so they will never suspect anything. The truth is my son never like the limelight, ayaw niya ng buhay namin, gusto niyang manatili sa isang simpleng buhay lang, nakakasama lang namin siya kapag bumibisita kami sa kanya."

"P-pero S-Sir k-kasi.."

"Tama na yang kaka-pero at kasi mo, I will help you, ang makakaalam lang ikaw, ako at ang secretary kong si Kristel. Hindi ako palaging available so mas makakabuti na rin na meron pang isang tutulong sa iyo. We will teach you everything from manners, language, etiquette, in's and out of the business."

Nagkatinginan lang kami ni Sir Arturo, nag-aantay siguro ng sagot ko.

"Regarding sa sweldo at mga kailangan mo I am willing to provide it in exchange for the request I am asking. Pipirma tayo ng kontrata para pormal at safe tayo from anything that may happen in the future. Panandalian lang ito Charlie hindi pang-habang buhay. Hanggang gumaling ang asawa ko yun lang."

"Kung maaari po, bigyan niyo ako ng isang linggo para pag-isipan ito."

"Hindi kita pinipressure but I hope you can decide as early as possible. Nakita ka na kasi niya eh, kaya mahirap magdahilan at ayokong mangyari ulit yung kanina.

"I understand Sir, hayaan niyo po muna akong makapag-isip, may mga tao din po kasi akong maiiwan, kaya kailanagan makausap ko din sila."

................................................

4:00 pm....

"Uy! Ano? Sige ka kakainin ko yang merienda mo, kanina pa kasi kita kinakausap, kala ko naman nakikinig ka sa akin."

"Andami ko lang iniisip, alam mo na, yung mga utang ko, may atraso pa ako kay Mang Raul, napurnada pa yung pangliligaw ko sa anak niya, tapos...."

"Tapos ano? Mabuti pa kalimutan mo na lahat ng problema mo kasi iisa lang naman ang sagot diyan."

"Aba! sige aber anong sagot sa mga problema ko?"

My Labs StoryWhere stories live. Discover now