Forty Four

1.4K 70 8
                                    

Charlie/Adrian

"Ano yan?"

Nakita ko kasing lumabas sa office na may dalang folder. Inaantay ko siyang magpaliwanag dahil alam ko kung anong meron sa opisinang nilabasan niya. Doon ako nagpunta para ayusin lahat ng tungkol sa organ donation.

"A-ah eh kasi...."

" Tell me mali ang iniisip ko. Tell me you don't have a death wish."

"Desisyon ko ito atsaka back-up lang naman in case may mangyari sa akin."

"Anong back-up nahihibang ka na ba! Ano? Akala mo makakatulong yang ginagawa mo! Marami pang ibang paraan. Di mo kailangan gawin iyon, para kasing ipinapahiwatig mo na mamatay ka. Sabihin mo nga sa akin may tinatago ka ba? Ano ba ang totoong dahilan bakit ka umalis at ngayon lang nagpakita?Sige nga paano yung mga taong maiiwan mo? Sa tingin mo ba kaya nilang mabuhay na wala ka, mag-isip ka nga huwag yung padalos-dalos. At isa pa nanay ko siya, kaibigan lang kita. Di mo dapat sinasayang ang buhay mo sa pamilyang di sa iyo!"

Narealize ko na masyadong masakit ang mga sinabi ko pero huli na kasi yung taong nasa harap ko lang kanina tumakbo na papalabas ng ospital. Bago ko siya sundan ibinibaba ko ang mga gamit namin ni inay sa kwarto at ibinilin siya sa duty nurse.

Sa labas ng ospital.....

Buti na lang at di pa siya nakakalayo nakita ko siyang nag-aabang ng taxi.

"Kristel sandali!" sigaw ko habang papatakbo sa pwesto niya

Nang makarating ako nakasakay na siya ng taxi kaya ang next kong ginawa tumakbo sa sasakyan ko at hinabol ang taxi.

Ilang minuto din bago huminto ang taxi sinasakyan niya at napansin kong nasa harap kami ng terminal ng bus.

"Aalis ka nanaman. Iiwan mo nanaman ako. Diyan ka magaling eh ang lumayo."

"Di mo naiintindihan.."

"Kung ganoon ipaintindi mo sa akin, mahirap ba yun."

"Kailangan ko ng umalis. Sorry kung pinuntahan pa kita. Don't worry di mo na ako makikita pa ulit."

"Putcha! naman Kristel! Ano ba ang problema mo? May sakit ka ba? Bakit mo naisip idonate ang organs mo? Bakit aalis ka nanaman? Akala ko ba okay na, okay na tayo."

"N-Nabuntis a-ako." pabulong niyang sabi

"Ano yun?"

"May Anak tayo!" sigaw niya

😳

"Nabuntis mo ako. Kaya ako umalis. Hindi ko kasi alam kung tatanggapin mo ba kami, ang anak mo. Natakot ako na baka iwan mo lang kami, na hindi ka ready na magkapamilya."

"M-may a-anak a-ako." naguguluhan kong sabi

"Yes and her name is Christa."

"H-Her. P-Pero d-dapat kasama ko siya. Nasaan siya? Kailangan ko makita ang anak ko Kristel."

"Nasa probinsya siya, huwag ka mag-alala kasi may nagbabantay naman sa kanya."

"Sana sinubukan mo before, eh di sana natulungan pa kita, nakasama ko ang bata,  marami akong namiss Kristel."

"I'm sorry, inuna ako ng kaba at takot. Di ko kakayanin kung ikaw na nakabuntis sa akin ay hindi tanggap ang anak ko. Kaysa mabuhay siya dito malapit sa iyo mabuti pang palakihin ko siya malayo sa iyo. Pero mali ako kaya sorry."

"May kasalanan din ako. Dapat hinanap kita, kayo ng anak natin. Akala ko kasi ayaw mo na magpakita kaya hinayaan na kita at sa tagal mong nawala mas nakikila ko si Athena."

"Mahal mo na ba siya?"

"The truth is.. I don't know.. yet."

"Ngayon alam mo na babalikan ko na si Christa, ilang araw na rin akong nawala sa tabi niya. Wala naman akong kailangan sa iyo kaya kong buhayin ang bata, ang gusto ko lang ay malaman mong may anak ka kung sakaling maghanap ang bata. Kung mahal mo siya Charlie wag mo ng pakawalan. Huwag kang matakot, kasi yan ang mali ko, at ngayon pinagsisisihan ko ang ginawa ko."

Paakyat na siya ng bus ng pigilan ko.

"Yan ba talaga ang nararamdaman mo? Okay lang sa iyo na ipamigay ako sa iba?"

"Di kita pag-aari para diktahan ka kung sino ang dapat mong mahalin."

"Mahal mo ba ako?"

.........

Humarap siya sa akin at hinalikan ako agad, tumigil kami kasi nakaharang kami sa mga gustong sumakay.

"Ano? Mahal mo ba ako?"

"Bakit tinatanong pa ba yun, di ba hinalikan na kita. Nananadya ka ba."

"Aba malay ko ba di mo sinagot yung tanong ko eh!"

"What's next?"

"What's next ka diyan, di pa tayo tapos. Bakit naisipan mong magdonate ng organ? Gusto mo bang lumaki ang anak mo na ulila. Kung may sakit ka sabihin mo sa akin. I will do everything to help you. We will raise her together."

"T-Together? A-As Family?"

"Oo bakit sa tingin mo hahayaan kong lumaki ang anak natin na wala ako."

Nakita ko sa mukha niya ang saya, hindi ko man siya nasamahan sisiguraduhin ko na buo ang pamilya niya hanggang paglaki, di siya kukulangin ng pagmamahal.

"Christa. Christa ang ipinangalan ko sa kanya, magkahalong name natin. Iniisip ko kasi noon kung di ka namin makakasama kahit papaano alam niyang nandyan ka kahit sa pangalan lang."

Nang banggitin niya ulit ang pangalan ng anak ko labis na tuwa at pagkasabik ang naramdaman ko. Hindi pa din ako makapaniwalang nagbunga yun, I mean isang beses lang naman pero tatanggapin ko sila, I will face my responsibilities to her and Christa. Ano ba yan gusto ko na siyang makita.

"O bakit di ka mapakali diyan."

"Wala. Okay masaya ako na excited gusto ko makita agad ang bata. Gusto ko din makilala siya ng nanay ko at ang mga kapatid ko."

"Sigurado akong matutuwa din siya kahit na maliit pa at walang pang alam sa mundo nararamdaman niya na maraming mag-aalaga at magmamahal sa kanya."

"Pwede bang bumalik muna tayo sa ospital? Sasabihan ko lang si Inay, tatawagan ko na din yung parents ni Joey para may magbabantay sa kanya habang wala ako."

"Magbantay?"

"Syempre sasama ako sa iyo. Susunduin natin si Christa tapos ipakikilala natin siya sa pamilya ko. Sabihin ko na din si Sir Arturo na mawawala ako ng ilang araw."

"Hindi ba mahalaga yung pinapagawa sa iyo? Sa tingin mo papayag siya na umalis ka?"

"Ako ang bahala, now sumakay ka na sa kotse nang makabalik din tayo agad kay inay. Ituro mo na lang sa akin ang daan kapag paalis na tayo."

Pumasok na kami at nagsimula ng bumalik sa ospital. Hindi maalis ang nararamdaman kong saya sana lang wala itong kapalit na trahedya.

End of Chapter Forty Four

Comment and Vote po! :)
Share to others na din!!!!

My Labs StoryWhere stories live. Discover now