Thirteen

1.6K 61 3
                                    

Athena

"Iha, sumama ka na mamaya sa party, baka magalit lang lalo at magtampo ang Mama mo. You know how she is."

"Papa naman! Uulitin ko! Ayos lang na umattend ako pero dapat kasama si Ethan."

"Bakit kailangan isama mo pa ang lalaki mo?"

"Papa boyfriend ko siya, at alam ko na ang balak niyong gawin ni Mama. Sa tuwing may pupuntahan tayong party lagi niyo na lang ako ipinakikilala at binibiro sa mga anak na lalaki ng mga kaibigan niyo. How many times do I need to tell you and Mama that hindi niyo kailangan hanapan ako ng mapapangasawa."

"Athena matanda ka na, hanggang kailan mo ba balak na makipaglaro sa lalaking iyan, gusto namin ng Mama mo malagay ka na sa tahimik at magkaroon na sariling pamilya."

"Tahimik po ang buhay namin ni Ethan kaya lang nagiging complicated at magulo dahil sa inyong dalawa ni Mama."

"Dito pa kayo nagsisigawan sa sala kung saan nakikita ng mga katulong." biglang sabi ni Mama

"Don't worry we're done here. I need to go, may mga papers pa akong kailangan i-sign sa office. Makikipagkita pa ako kay Ethan dahil may bibilhin kami."

"Di pa tayo tapos Athena! Don't you dare walk away from me young lady. Ipapakuha ko na lang yung mga papers or documents na kailangan mo, stay here!" galit na sabi ni Papa

"If I stay here who knows what both of you will do."

"Tumigil na kayong dalawa nakakahiya, sa harap pa ng ibang tao kayo nag-aaway. Ganito, okay, I will let you go to the party together with that man but please umayos kayong dalawa. At kung may ipapakilala kami sa iyo give him a chance, malay mo you have a lot in common, and then you will realized that what you have with Ethan is just a fling." seryosong sabi ni Mama

"A fling? What the hell!"

"Stop it! You have no right to talk like that, mga magulang mo pa din kami, you should respect us and understand that we always want the best for you."

"Aalis na ako!"

"Athena Delgado bumalik ka dito!" sigaw ni Mama

Hindi ko sila pinansin at patuloy sa paglabas sa bahay.

I went to my car and I left Mang Leo and drove it myself. Sa sobrang inis ko kung san-san ako napad-pad imbis na dumiretso ako sa opisina.

Nang kumalma na ako, I texted my incompetent secretary and inform her that I will not be going to work today and to just send the papers I need to sign.

One message received

Babes💕

San ka na? Kanina pa ako nag-aantay dito sa shop. Sana makapunta ka na agad, baka daw mawala na itong big bike sabi ng kaibigan ko.

Luv u..

Nagreply ako sa txt niya at sinabi kong papunta na.

Ibabalik ko na ang cellphone ko ng may mag-txt ulit, akala ko si Babe ulit ngunit si Papa lang pala.

Papa,
Buti naman po at nag-agree na kayo sa akin. Okay I will do my part, pero uulitin ko, "I will go to the party together with my man, my boyfriend, my love, my babe and I will not entertain other guys."

Message sent

11:30am at the shop.....

"Babes, anong nangyari kala ko makakarating ka agad. Buti na lang at napaki-usapan silang i-hold ang pagbenta dun sa big bike dahil sure buyer na ako." bungad ng boyfriend ko

"Babe you know naman my parents right? They kept on making me go to stupid parties and arrange me with other guys. Alam naman dapat nila ang taste ko."

"Mamaya na natin pag-usapan yan, halika na dali, baka mamaya may dumating at ipagpilitan na kunin yun, limited edition pa naman yun."

"Babe ano ito collectible! Parang bata lang! At wag mong kakalimutan na share tayo, ayaw kong isipin ng ibang tao lalo na ng mga magulang ko na you are just ripping me off."

"Athena naman di ba sabi ko sayo kulang yung pera ko, tapos kapag ginamit ko pa yun wala na akong ipon at magagamit sa daily needs ko. Kaw na muna ang magbayad at babayaran na lang kita. Please luv, isipin mo na lang na parang gift mo sa akin. I love you 😘"

"Naku Ethan Vargas kungdi lang kita mahal matagal na kitang kinalimutan. Daily needs eh nakatira ka na nga sa condo ko."

"Babes wag masyadong masungit sige ka papangit ka niyan, well kahit pangit ka o saksakan na kasungitan which is true, sa akin ka pa rin kasi mahal kita."

"Nambola pa ito. Okay I'll go get that bike you want pero Ethan yung pangako mo ha! Atsaka can you do me a favor?"

"Anything for you my Babes."

Pinuntahan ko muna yung kaibigan niya to pay for the motorcycle, I presented my card wala kasi akong dalang cash and as for the papers hinayaan ko na siyang mag-fill up nito dahil para sa kanya naman yun.

Naka-tatlong oras din kami dun sa shop dahil marami pang inasikaso, idedeliver na lang daw bukas yung bike kaya nang natapos kami doon ay nagyaya siyang kumain sa labas nakakagutom din kasi yun.

We went to a nearest restaurant and order some food.

"Babe habang inaantay natin yung pagkain, do you remember earlier I mentioned a favor?"

"Oo babes ano ba yun?"

"Can you be my escort to a party that I am going to attend later? Don't worry about what you are going to wear because I'm going to help you with it, that is the least I can do since biglaan ito."

"Party? Saan bang bar gaganapin? Sa amin ba? Pwede naman yung regular clothes ko."

Oh right, sa bar nga pala nagtratrabaho ang boyfriend ko and that is where we met.

"Ibang party ito babe, ah-eh medyo formal, actually formal talaga siya."

"Sige papayag ako, wala naman akong shift today, so I'm free."

"Thank you Ethan. I love you 💕💕😘

Bago siya makasagot dumating na ang pagkain namin. Tamang-tama after we eat pwede na kaming mag-fit ng suit at dress for the party, then we will go straight to the venue, kapag sumabay pa kami kayna Papa at Mama baka kung san lang mapunta ang pag-uusapan namin, nakakahiya.

Okay na din ito at pumayag sila, because I will be able to introduce my special someone to everybody, matitigil na rin yung dalawa sa pagseset-up sa akin kung kani-kanino.

"Babes okay ka lang? Kanina pa kasi kita kinakausap pero di ka yata nakikinig."

"Sorry what were you saying?"

"Ganito yun............

End of Chapter Thirteen

Comment and Vote po! :)
Share to others na din!!!!

My Labs StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon