Seven

1.8K 79 4
                                    

Arturo

"Sweetheart, sila ang magiging personal bodyguard mo."

"Adrian! Adrian anak buhay ka! Anak ko!"sigaw niya sabay yakap kay Charlie

😔

"Melissa, hindi yan ang anak natin. Alam mo naman na.."

"Arturo! Please don't make me suffer more. Ayaw mo ba na nandito siya. Matagal ko din siyang hindi nakita kaya please." pamamakaawa ng asawa ko

Akala ba niya siya lang ang nalungkot at nagdudusa. Ano ba ang gagawin ko? Ayoko naman mawala ang asawa ko sa akin, nawalan na ako ng anak pati ba naman siya unti-unti na ring mawawala.

"Adrian anak! Buhay ka di ba? Di mo naman iiwan si mommy di ba?"

Nagkatinginan lang kami nila Charlie at Joey, paano ba ito? Hindi ko naman akalain aabot sa ganito.

"Arturo! Bakit hindi sumasagot ang anak natin? Baby ako ang mommy mo. Magkakasama lang tayo last month, di ba hon birthday niya yun."

"Sweetheart tama na yan! Halika na, inumin mo muna yung gamot mo."

"HINDI AKO IINOM NIYAN! Lalo lang ako nakakatulog. Hindi ko makikita ang anak ko!" galit na sigaw niya

"Joey pakitawag naman si Kristel."

"Hon ano ba, bitawan mo ako, ayan yung anak natin."

Nagwawala na ang asawa ko, dapat yata palabasin ko muna si Charlie

"Melissa ganito na lang, sama ka muna kay Kristel dun sa kabila, kakausapin ko lang si Char- Adrian."

"O di ba sabi ko sa inyo siya yung anak ko eh! Baby nandito lang si mommy ha! Di ako aalis. Pagkatapos mo kay daddy mo puntahan mo ako ha!"

Mabuti na lang at sumunod siya sa akin at naidala na ni Kristel sa kabilang room.

"Boss, nasa labas na po yung doctor." sabi ni Joey ng makapasok sa office

"Okay ako na ang kakausap, papasukin mo na."

Makalipas ang ilang segundo pumasok na yung family doctor and friend na nag-aasikaso sa kalagayan ng asawa ko.

"Arturo ano itong naririnig ko na inaatake nanaman si Melissa."

"Franco, sinubukan ko siyang painumin nung gamot kaso ayaw niya. Pinakakalma namin siya kanina pero mas lalong lumalala. Ano ba ang dapat kong gawin?"

"Ano ba ang nagpa-trigger sa kanya? Bakit naman may nasabi ka."

"Kasi.."

"A-Adrian?" 😨

"H-hindi po a-ako si A-Adrian, Charlie Rivera po."

"Pero paano? Ka-kamukha mo talaga ang inaanak ko."

"Yan ang gusto kong ipaliwanag sa iyo. Sila Charlie at Joey yung tumulong sa amin kanina, dahil nga sa wala silang trabaho nag-offer ako na maging bodyguard sila ni Melissa. Nung una ganun din ang akala ko kasi hindi mo maipagkakailang may hawig siya sa anak ko pero hindi siya si Adrian. Ipapakilala ko na sila sa asawa ko nang biglang magwala siya. Wala naman sa isip ko kanina na mangyayari ito pero may doubts na ako, but I still went with it."

"I know, kahit ako, I find it hard to believe na ibang tao itong nasa harapan natin. Sige I'll talk with her first and also check if may masakit o masama siyang nararamdaman."

Pinuntahan na ni Franco ang asawa ko.

"Sir mas mabuti po yatang ibang trabaho na lang ang ibigay niyo sa akin. Kawawa naman po si Maam Melissa, ayoko pong ako ang maging dahilan ng paghihirap niyong dalawa. Binigyan niyo na nga kami ng trabaho tapos.."

"Don't worry kami na ang bahala sa kanya, sa ngayon iba na lang muna ang gawin ninyo. I am true to my words, empleyado ko pa din kayo."

"Kahit ano na lang po kahit maging janitor, ok lang po sa amin. Mahirap na po kasi lalo na at mapapadalas ang pagkikita namin ng asawa niyo at matrigger ko po ulit."

Napaisip ako sa mga sinabi niya, yun nga ba dapat ang gawin ko o iba???

"Boss kung hindi niyo po mamasamain, pwede po bang magtanong?"

"Ano yun Joey?"

"Ano po ang nangyari sa anak niyo?"

"Joey pre.."

"Okay lang Charlie, last month my son died due to a fatal car accident. Sinubukan ng mga doctor na irevive siya pero dead on arrival na. Pauwi na siya nun dahil may surprise party kami for his birthday, ngunit kami pala ang nasupresa."

"Sorry po."

Yun na lang ang nasabi nilang dalawa.

15 minutes later......

"Arturo, nakausap ko na ang asawa mo and she seems fine. Hindi naman mataas ang blood pressure niya, in fact nakikitaan ko nga siya ng signs na on recovery na siya. Ito lang ang maipapayo ko sa iyo kung pwede sa iyo at kay Charlie na alagaan muna niya si Melissa habang nagpapagaling, it would be much better. Paano alis na ako, may mga pasyente pa ako, if you need anything medical related just call me. Continue lang niya yung nireseta ko."

"Salamat. I'll see you soon. Joey pakihatid na sa lobby si Dr. Franco."

Nakaalis na ang kaibigan ko, ngayon kailangan kong gawin itong ideya ko kung gusto kong gumaling siya.

"Charlie." tawag ko sabay tingin sa kanya

"Po?"

"I know this idea is absurd but this is the only way I think na makakatulong sa recovery ni Melissa. I hope you can help me."

"Sir anything po. Sa totoo po kailangan na kailangan ko ng pera, marami po akong pinagkakautangan at may mga kapatid po ako na nag-aaral pa, wala na akong ama at tanging si inay na lang ang kasama namin, so I cannot afford po to loose this job, which is why I can do anything po."

"Kita ko naman na mabait at masipag kang bata. Nung una pa lang kitang nakita kanina, I knew then you could help me, but I didn't think that I would go to such length as to lie to my own wife."

"Ano po ba ang ipagagawa niyo sa akin?" seryosong tanong niya

"She is the love of my life, siya ang dahilan kung bakit hindi pa ako sumusuko simula ng mawalan ako ng anak. Kaya ngayon I will do everything, gumaling lang siya. Charlie I will only ask you one thing."

"Po?"

"Please pretend to be my dead son."

"Sir?"

"Pretend to be my son Adrian, kahit sa harap lang ng asawa ko."

I see hesitatiton and confusion in Charlie's expression but this is the only way.

End of Chapter Seven

Comment and Vote po! :)
Share to others na din!!!!

My Labs StoryWhere stories live. Discover now