Chapter 48 - Shocking Twist

2.2K 88 22
                                    

Jaden's POV
Napa facepalm nalang ako habang tinatahak namin ang Batangas kasama ang ibang TREASURE Guys. Nang nabalitaan nila sa akin na si Mason ang Alec na tinutukoy ko na kababata namin ni Rinrin ay nagpresinta na rin sila na sumama sa akin para iligtas si Trinity. Ikwinento ko na sa kanila ang lahat para hindi na sila magtaka pa kung bakit dinukot ni Mason si Trinity.

Ang sikip ng pwesto namin dito sa Van at dahil ang dami namin sa loob ng sasakyan ay halos hindi na ako makahinga sa sobrang suffocation.

"Ano ba naman 'yan, John! Pwede bang 'wag kang malikot? Nakita mo na ngang ang sikip-sikip dito tapos para ka pang bulate na inasinan diyan!" Inis na reklamo ni Justin habang katabi si John.

"Sorry na! Nag-aalala lang naman kasi ako kay Trinity kaya hindi ako mapakali, e." Nakapout niyang sabi.

"Tsk! Mabuti nalang at wala si Micca dito kundi baka-" David stopped them.

"Huwag na nga kayong magbangayan dyan. Kahit ngayong araw lang ay 'wag na kayong magtalo. Nasa panganib si Trinity at kailangan nating iligtas siya." Sabi nito.

"Malalagot talaga sa akin ang Mason na 'yan sa oras na may gawin siyang masama kay Trinity." Madiing sabi ni Daniel.

"Oh? So you're acting again as her boyfriend while you are not?" Sarkastiko namang pagkakasabi ni Ben na ikinasama ng tingin sa kanya ni Daniel.

"Shut up, Ben." Sabi naman ng kanina pang tahimik na si Kyle pero alam kong nag-aalala rin siya para kay Trinity.

"Alam mo na palang si Mason 'yung Alec na 'yon pero bakit hindi mo pa sinabi kay Trinity nung una?" Tanong naman ng nasa tabi kong si Sam.

Napabuntong-hininga ako. "Hindi kasi ako sigurado nun na siya talaga si Alec. It's my fault too kung bakit sumama pa sa kanya si Trinity." Napayuko nalang ako at napailing.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Trinity nang dahil kay Mason.

Hinagod naman ni Sam ang balikat ko. "It's not your fault, Jaden. We will make sure na mauuwi natin si Trinity ng ligtas." Sabi niya na ikinatango ko nalang.

Malayo-layo rin ang byahe namin mula Maynila hanggang Batangas hanggang sa makarating na kami sa resthouse na sinasabi sa akin ni Tita Hilda na pinaghihinalaan niyang dito dinala ni Mason si Trinity.

Pagkababa namin lahat sa Van ay bumungad sa amin ang isang tahimik na isla na napapaligiran ng mga puno at halaman. May malaking bahay kaming nakita kaya kaagad kaming pumunta doon.

Its already 11 am in the morning at kahit pagod at puyat kami sa byahe ay gagawin namin ang lahat mailigtas lang si Trinity mula kay Mason. Naiinis ako sa sarili ko dahil nagtiwala ako kay Mason, ni hindi ko man lang napansin na siya pala ang kababata namin noon ni Trinity na si Alec. Napakagaling niyang magpanggap na okay lang ang lahat sa amin pero ayon pala ay may binabalak siya para masira ang relasyon namin.

"What kind of house is this? Early 80's pa yata ang style nito." Sabi ni Jun habang tinatanaw nito ang malaking bahay sa tapat namin.

"It's a cool but creepy house." Sagot naman ni Arthur.

"Pasukin na natin 'yung loob." Sabi ko at nag-umpisa na akong maglakad papunta sa may gate. Good thing is hindi nakalock ito at ang akala yata ni Mason ay hindi namin sila makikita.

Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng malaking bahay ay tahimik lang ang paligid at wala kaming marinig na ingay. Nagulat nalang kami nang biglang lumabas sa isang kwarto si Mason kasama si Trinity na nakasakay sa isang wheelchair.

Nagulat si Trinity nang makita niya kami at napaluha na ito. Napansin ko rin na may benda ang paa niya at may bahid pa ito ng dugo. May sugat siya.

Living with the 13 GuysWhere stories live. Discover now