Chapter 46 - Unexpected

2.1K 92 29
                                    

Trinity's POV

Napag-usapan namin ni Mason na magkikita kami sa Coffee Shop mamayang 8am at iuuwi naman daw niya ako ng 5pm. Mabuti nalang at may pasok si Jaden sa kompanya nila at kaninang 6am pa siya umalis at baka 9pm na rin siya makauwi kaya pasalamat nalang at hindi kami magkikita ngayong araw dahil magiging busy siya sa trabaho niya.

7:45am na at nakabihis na rin ako. I wear simple jeans at sleeveless ruffled dress na kulay yellow. Nagdala rin ako ng purse at ready to go na.

Nagpahatid ako sa driver namin papuntang Coffee Shop. Nang makarating na ako at makalabas ng kotse ay nakita ko kaagad si Mason sa labas ng Coffee Shop na mukhang naghihintay sa akin. He's very simple when it comes to his fashion. Hindi siya katulad ni Jaden at ng ibang TREASURE Guys na kung todo pumorma. He's wearing a simple gray t-shirt, wristwatch, jeans and rubber shoes pero kahit napakasimple lang ng get up niya ay nakaw atensyon pa rin siya dahil napakagwapo niya. Hindi nga nito napapansin na maraming babaeng napapatingin sa kanya dito sa labas ng Coffee Shop dahil busy ito sa kakatingin sa hawak niyang cellphone.

"Mason!" Tawag ko habang papalapit sa kanya.

Napatingin naman siya sa akin at nginitian ako nang makalapit na ako sa kanya.

"Mabuti at dumating ka." Sabi niya habang nakatitig sa akin.

"Syempre, nangako ako sa'yo na sasamahan kita sa favorite place mo at makikinig na rin sa problema mo." I wink at him na ikinatawa niya.

"Thank you. Gusto mo bang kumain muna dito or magcoffee?" Alok niya pero umiling lang ako.

"Nakapagbreakfast na ako sa bahay. Ikaw ba kumain ka na?" Tanong ko.

"Tapos na, so pwede na tayong umalis?" Nahihiya niyang tanong.

Tumango nalang ako at tinungo namin ang kotse niya sa parking lot ng Coffee Shop.

Nang makarating na kami sa parking lot ay sumakay na ako sa kotse niya at nagseatbelt habang siya naman ay pumasok na rin at nag-umpisa nang magmaneho.

Tahimik lang kami sa biyahe hanggang sa nagsalita na siya.

"Salamat at hindi ka nagpaalam kay Jaden." Sabi nito at sumulyap sa akin at ibinalik rin ang tingin niya sa kalsada dahil nagmamaneho siya.

"Okay lang. Busy rin naman si Jaden ngayong araw kaya pwede kitang samahan." He smiled at hindi na muling nagsalita.

This guy really loves to smile.

Pagkatapos ng mahigit isang oras na biyahe ay narating na rin namin ang sinasabi niyang lugar. Namangha ako dahil napakaraming mga bulaklak sa paligid nito at over looking pa siya dahil nakikita namin ang buong syudad. Mahangin rin at mapresko ang lugar. May mga puno rin at napansin kong may nakalatag na puting tela, mga prutas at iba't-ibang klase ng pagkain sa may tabi ng puno. Mayroon rin juice at candies.

"Ang ganda naman dito, Mason at talagang balak mo pang magpicnic  tayong dalawa, ah?" Natawa siya sa sinabi ko at inayang maupo sa puting telang nakalatag sa damuhan. Umupo naman ako at siya rin.

"This is my secret place. I discovered this 1 decade ago. Dito ako palaging nagpupunta kapag may problema ako. TREASURE Guys didn't know this place. Kapag nagpupunta ako dito ay panandalian kong nakakalimutan ang problema ko." Sagot nito at ngumiti na naman ng malungkot.

Mas lumapit naman akong lalo sa kanya. "Tell me, what's your problem?" Bumuntong-hininga ito at tumingin sa over looking view na nasa harap lang namin.

"The truth is, I'm only an orphan. Namatay ang mga magulang ko dahil sa isang sunog. Ako nalang ang nabuhay sa amin hanggang sa nagpalaboy-laboy ako sa lugar na hindi ko na alam kung saan. Hindi ko kilala ang mga kamag-anak namin kaya hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta." Hindi ko alam pero biglang nangilid ang luha ko dahil sa ikinikwento niya.

Living with the 13 GuysWhere stories live. Discover now