Chapter 21 - Going Crazy

4.5K 178 13
                                    

Trinity's POV
Nakauwi na kami galing sa Tagaytay, masasabi kong nag-enjoy ako sa pag-iistay don dahil ang ganda-ganda ng lugar na iyon at doon rin kami nakapag-usap ni Jaden ng matagal. Dun ko na rin napag-isipan na kailangan kong makausap sina Daniel at Travis para maipaliwanag sa kanila na hindi na dapat nila ako pagtuonan ng pansin. Sana nga lang ay maintindihan nila ako. Nang makapasok na kami sa loob ng bahay ay nakita namin sina Daniel at Ben na nag-uusap. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay ayaw sa akin ni Ben at hindi ko alam kung bakit.

Nang mapansin na nila kami ay tumigil na sila sa pag-uusap at si Daniel ay nakatingin lang sa akin.

"Kumusta ang bakasyon niyo?" Tanong ni Ben kay John. Naupo naman si John sa isang couch at sumandal don.

Ang iba naman ay pumasok na sa kanilang mga kwarto at ang iba naman ay pumunta sa kusina.

"Masaya naman, nag-enjoy kami." Sagot nito.

Lumapit sa akin si Daniel at inayang maupo sa tabi niya. Nakokonsensya lang ako dahil napakabait niya at lahat ay ginagawa niya para sa akin kaya mahirap ang tanggihan siya pero kailangan para sa ikabubuti niya. He doesn't deserve a girl like me, he deserves someone better.

Nang maupo na ako sa tabi niya ay nilapit pa niya ang sarili niya at hinawakan ang kamay ko. Nacoconcious pa ako dahil nakasuot lang siya ng sandong hapit na hapit sa katawan niya at nagkakadikit pa yung katawan namin. Naiilang ako.

"Nag-enjoy ka ba dun?" Tanong nito habang hinahaplos-haplos ang palad ko.

"A-ah.. oo naman, nag-enjoy ako." Agad ko namang binawi ang kamay ko. Natahimik siya sa ginawa kong iyon.

"We're leaving." Biglang paalam ni Ben at umalis na nga sila ni John na nagtatakang nakatingin sa amin ni Daniel.

Nang kaming dalawa nalang ni Daniel ay bumuntong-hininga muna ako bago magsalita.

"Daniel, alam ko na-" Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang sumabat.

"Gusto mo nang itigil ang panliligaw ko sayo?" Medyo nagulat ako dahil alam niya at may halong inis sa tono ng pananalita niya.

Yumuko ako at tumango. Lumayo naman siya sa akin ng kaunti.

"Ah shit!" Rinig kong bulong nito.

Kahit medyo nahihirapan ako ay hinarap ko pa rin siya dahil kailangan kong sabihin ang mga salitang ito.

"Daniel, alam kong mabait kang tao, gwapo at maaalalahanin. Noong una ay akala ko na kapag binigyan kita ng chance ay may posibilidad na magustuhan kita pero mali pala ako, ginawa ko ang lahat para magustuhan ka pero kahit anong gawin ko ay w-wala pa rin talaga.." Tahimik lang siyang nakikinig sa akin habang nakatitig sa couch na kaharap namin.

"You will find a right girl for you, halos lahat ng magagandang katangian ng isang lalake ay nasa sa'iyo na. Ayoko lang na umasa ka sa akin."

Katahimikan ang bumalot sa buong living room.

Biglang napatawa si Daniel ng mahina. "I see. Sanay naman ako na tinatanggihan ang pagmamahal na binibigay ko, wala namang nagbago. I almost rejected for how many times.. sanay na sanay na ako," Nakangiti siya habang sinasabi 'yan pero halata sa boses nito na nasasaktan siya.

Sorry Daniel, ginagawa ko lang ito para sa ikabubuti mo.

"Daniel.." Lumapit siya sa akin at tinap ang balikat ko.

"It's okay. Pinilit ko lang naman ang sarili ko sayo e, at naiintindihan kita. Siguro nga ay hanggang magkaibigan nalang tayo." Dahil sa tuwa ay niyakap ko siya.

"Thank you Daniel and i'm sorry." He hugged me back.

"Okay lang 'yon."

Tama nga si Jaden, maiintindihan ako nila Daniel kapag sinabi ko sa kanila ang tunay kong nararamdaman. Sana pati si Travis ay maintindihan din ako dahil nung una kong sinabi sa kanya na hanggang pagkakaibigan lang ang turing ko sa kanya ay parang wala lang siyang narinig.

Living with the 13 GuysWhere stories live. Discover now