Chapter 38 - Drunk Mistake

3.6K 122 4
                                    

Trinity's POV

I'm crying like there's no tomorrow. Pakiramdam ko ay napakadumi ko nang babae. The man sleeping beside me is an evil. I trust him but he broke my trust. Papaano niya sa akin nagawa ang bagay na 'to? Bakit niya ako sinaktan? Mas lalo pa akong napaiyak nang makita ko ang dugo na nasa kama. Its confirmed, Travis raped me at may nangyari sa amin.

Unti-unti na siyang gumagalaw mula sa pagkakahiga niya hanggang sa tuluyan na siyang nagising. Lumingon siya sa akin at tinitigan ako habang umiiyak. Ginawa niya ang kababuyan niya sa akin at dito pa mismo sa pamamahay namin. Galit ang nararamdaman ko para sa kanya. Hinding-hindi ko siya mapapatawad!

"Papaano mo nagawa sa akin 'to, Travis?!" Sigaw ko at pinagpapalo siya sa dibdib niya. Wala na akong pakialam kung natanggal man ang kumot na nakabalot sa akin. Wala na rin naman akong magagawa dahil nakita na niya ang lahat-lahat sa katawan ko.

Pinigilan naman niya ang dalawang kamay ko habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. Bigla na lang akong natakot sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

"Ano pa bang magagawa mo? Nangyari na at hinding-hindi mo na maibabalik pa ang virginity mo!" With that ay sinampal ko siya ng napakalakas. Napahawak naman siya sa pisngi niyang sinampal ko. He deserved it.

"I trust you! Bakit mo ba 'to ginagawa?" Natahimik siya sa sinabi ko pero di kalaunan ay ngumisi lang siya.

"Simple lang, ayokong mapunta ka kay Jaden at sinaktan mo rin ako. You rejected me!" Padabog niyang binitawan ang kamay ko at saka siya bumangon at umupo sa gilid ng kama patalikod sa akin.

"Napakasama mo! Kinamumuhian kita!" Napatakip na lang ako sa mukha gamit ang dalawa kong palad at humagulgol na ng tuluyan.

I'm only 18 years old at nakuha na ang pagkababae ko. Gusto ko pa naman sana na ibibigay ko ang virginity ko sa lalakeng mahal ko at papakasalan pero nakuha lang 'yon ng isang demonyo.

"Will you please stop crying? Nakakarindi ka!" Naiinis na sabi nito saka pinulot ang t-shirt niya sa sahig at sinuot ito.

Umiyak na lang ako ng tuluyan. Hindi ba siya nakokonsensya sa ginawa niya sa akin? Ganon na ba niya ako kagusto para angkinin ako? Sana pala at nakinig na lang ako sa sinabi ni Eugene na huwag akong masyadong magtiwala kay Travis dahil sa kutob niya dito. He's right, nanganganib na ngayon ang buhay ko sa demonyong kasama ko.

"Pagkatapos mong umiyak diyan bumaba ka na. I will cook our breakfast dahil day-off ng mga katulong ngayon. Inumin mo din yung honey tea dyan sa bedside table para mawala 'yung sakit ng ibaba mo." Tumayo siya at walang lingon na lumabas na siya ng kwarto ko.

Namalik mata lang ba ako nang makita kong may bumagsak na luha sa mga mata niya? Siguro nga dahil ang mga walang konsensyang katulad niya ay hindi umiiyak.

**
Naligo ako at halos masugatan na ang balat ko sa matinding pagkukuskos sa katawan ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ako naging malakas. Kailangan kong magpakatatag para sa sarili ko.

Nang matapos akong maligo at magbihis ay bumaba na ako mula sa kwarto ko. Paika-ika pa akong naglalakad ng hagdan dahil sa sakit ng ibaba ko. Ang walanghiyang iyon! Ano kaya ang mga pinagagagawa niya sa akin nung wala akong malay? Ang natatandaan ko lang noon ay may pinainom siya sa aking beer at pagkatapos ay nahilo ako at wala na akong naalala.

Pagkarating ko sa kusina ay nakita ko si Travis na kumakain sa dining table. May nakahanda na ring pagkain sa lamesa.

"Bakit hindi ka pa umuwi?" May galit kong tanong sa kanya na ikinalingon niya.

"Eh sa ayoko. Kumain ka na." Sabi nito at nagpatuloy lang kumain.

Kung makaasta siya ay para siyang may-ari ng bahay na ito.

Living with the 13 GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon