Chapter 39 - Blackmail

2.7K 109 5
                                    

Trinity's POV

Papauwi na ako papuntang bahay. Napasapok na lang ako ng aking ulo nang malaman ko na nalasing pala ako at inuwi ni Ben sa condo niya dahil hindi nito alam ang address ng bahay namin. Naperwisyo ko pa tuloy sila ng pinsan niyang si Roxanne. Mabait naman pala si Roxanne. Pinagselosan ko pa tuloy siya. Dati, she said that she really likes Jaden pero nagpaubaya na lang daw siya dahil hindi siya nito mahal at alam din niya ang tungkol sa break-up namin pero hindi daw niya kukunsintihin ang panlolokong ginawa sa akin ni Jaden pero dapat daw ay humingi ako ng explanation. Gagawin ko naman iyon pero hindi pa muna sa ngayon, masakit pa rin kasi. Nagtanong pa siya kung okay lang ba kami ni Travis. Sinabi ko na lang na oo dahil ayoko nang marinig at makita ang lalaking iyon. Nagpapasalamat ako dahil kahit nalasing ako ay hindi ako ginawan ni Ben ng masama hindi katulad ng kaibigan niya. I'm glad that we're okay now.

Nakauwi na ako ng bahay at pagkapasok ko ay wala pa rin tao. Nagbakasyon ang mga katulong namin sa probinsya. Dumiretso agad ako sa kwarto ko pero pagkabukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang pagmumukha ng lalaking kinamumuhian ko.

"Saan ka nanggaling?" Tanong niya pero sinamaan ko lang siya ng tingin at nilagpasan siya papunta sa loob ng kwarto ko.

"Ang sabi ko, saan ka nanggaling?" Tanong ulit niya saka lumapit sa akin at hinawakan ako sa braso.

Hindi ba't dapat ako ang nagagalit dahil sa ginawa niya sa akin?

Tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Ano bang pakialam mo?" Inis na sabi ko sa kanya. I saw how he clenched his jaw.

"Baka nakakalimutan mo Trinity, pag-aari na kita." Tumawa naman ako. Nagpapatawa ba siya?

"Kahit kailan, hindi mo ako naging pag-aari, Travis. You raped me at hindi ibig sabihin nun na pagmamay-ari mo na ako." Bakas ang galit sa mukha niya dahil sa mga sinabi ko.

Ganyan lang Trinity, inisin mo siya.

"Talaga lang ha?" May paghahamon niyang sabi.

"Talaga at ipapakulong kita dahil sa ginawa mo sa akin. May ebidensya ako laban sa'yo." Bigla ay tumawa siya ng malakas at pumalakpak pa.

"Ipapakulong mo ako? 'Yung ebidensya ba na tinutukoy mo ay 'yung kuha ng CCTV Camera sa loob ng kwarto mo? Oh c'mon! Pinabura ko na 'yon bago ka pa gumawa ng hakbang." He smirk.

Bigla na lang akong nanlumo dahil sa mga sinabi niya. "Walanghiya ka! Napakasama mo!" Pinagpapalo ko siya sa dibdib at napaiyak na lang. Parang balewala lang sa kanya ang ginagawa ko at tuwang-tuwa pa siya na umiiyak ako. Wala siyang konsensya! Ang sama-sama niya.

Napaluhod na lang ako sa sahig. Ang pag-asa ko, wala na.

"Nakakarindi ka na! Iyak ka ng iyak." Humiga naman ito sa kama ko.

Mas lalo namang namuo ang galit ko sa kanya. "Sasabihin ko ito sa mga magulang ko para makulong ka!" Mukha namang hindi ito makapaniwala sa sinabi ko at umiling.

"Talaga ngang napakabata mo pa, Trinity. Magsusumbong ka sa mga magulang mo? Tsk. mga bata lang ang gumagawa nun at isa pa, kaya ko namang baliktarin ang lahat."

"Demonyo ka!" Sigaw ko.

"Alam ko. Binablackmail na nga kita. Sumunod ka na lang kasi sa mga gusto ko para wala ka nang problema." Sabi niya habang nakangiti.

Parang hindi siya si Travis na nakilala ko at inalagaan ako nung may sakit ako. Ibang-iba itong kaharap ko ngayon.

"H-hindi ko akalain na ginagawa mo sa akin 'to, Travis. Hindi na pagmamahal 'yan kundi kasakiman mo. Hindi mo iniintindi ang nararamdaman ko... Itigil mo na 'to please..." Pagmamakaawa ko kasabay ng  pagpunas ng luha gamit ang kamay ko.

Living with the 13 GuysWhere stories live. Discover now