Chapter 18 - The First Mover

5.4K 195 20
                                    

Kevin's POV
12:00am na nang makarating ako sa mansyon namin. Ayoko munang makita si Trinity dahil nakikita ko na ang saya-saya niya kasama ang mga kaibigan ko. Ang unfair nga e, kasi kami ang unang nagmeet, nag-usap at nagdinner pero kami pa palagi ang hindi madalas magkasama. Ngayon, mag-isa na naman ako sa mansyon na 'to. Malungkot na naman ako. Sa kabila ng mga ngiti ko ay may lungkot akong nadarama. Siguro nga ay creepy ang tingin sa akin ng mga kaibigan ko dahil may kakaiba sa akin pero ang totoo, gusto ko lang naman maghanap ng kalinga at pagmamahal na hindi naibigay ng mga magulang ko dahil inabandona nila ako sa lola kong namayapa na at may mga sarili na din silang pamilya. Simula nung bata palang ako ay nasanay na akong mag-isa hanggang sa makilala ko si Arthur at ipinakilala niya ako sa TREASURE. Nang namatay ang lola ko ay sa akin niya ipinamana ang mga ari-arian niya at nakuha ko na iyon dahil 21 years old na ako. Katulong ko si kuya Francis na assistant ni lola na magpatakbo ng kompanya namin. Dahil anak ako ni Valdemore Monteclaro ay isa ako sa pagpipilian na maging fiancé ng nag-iisang anak na babae nila Mr. and Mrs. Hernandez at nalaman ko rin na pati ang TREASURE ay kasali rin kaya mga bata palang kami ay pinagsama na kami sa iisang bahay. Lahat kami ay anak ng mga makakapangyarihang business tycoon sa bansa. Talaga ngang pinagtagpo kami ni Trinity ng tadhana dahil siya pala ang babaeng tinutukoy ni lola. Ang babaeng nameet ko sa mall dahil sa pamangkin niyang si Valerie. Minsan nga mapasalamatan ko ang bata na 'yon dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko makikilala ang tita niyang si Trinity. Naalala ko rin nung nagdinner kami ni Trinity dito sa bahay ay ikwinento niya sa akin ang hindi pagbalik ng kababata niya na nangakong babalikan siya. Nainis ako that time don sa kababata niya dahil pinaasa niya lang sa wala si Trinity kaya ang ginawa ko ay siniraan ko ang lalakeng iyon. Hindi niya alam kung gaano kasakit na maiwan dahil naranasan ko na iyon noon pa sa pag-iwan sa akin ng mga magulang ko.

Umiinom ako ng beer mag-isa dito sa entertainment room ko nang biglang pumasok si kuya Francis na mukhang kakauwi lang galing sa university na pinagtuturuan niya. Nginitian niya ako pagkatapos ay umupo siya sa tabi ko at kumuha ng beer in can sa lamesang katapat namin.

"Himala at nandito ka." Sabi niya at ipinatong nito ang kanyang paa sa lamesa. Bastos talaga at walang manners!

"Ano naman? This is my house and I can be here whenever I want." Badtrip ako kaya siya ang napagbubuntunan ko ng inis.

Tumawa lang siya sa sinabi ko. "Babae 'yang problema mo at sa tingin ko ay si Trinity 'yan." I rolled my eyes. Kilalang-kilala na nga niya talaga ako.

"You know what? Yung estudyante ko na anak ni Mayor Buenavista ay obsess na obsess sa kanya. Kilos na Kevin baka maunahan kapa pati ng mga kaibigan mo." Sinamaan ko siya ng tingin pero natawa lang siya sa reaksyon ko.

"I have my ways," Tinaasan niya ako ng kilay.

"What ways? Martyr ways? Waiting ways? Painnocent ways? Haha! You're so old school Kevin. There's one way na makukuha mo siya na wala nang kawala pa."

Knowing Francis ay napakababaero nito at lahat nalang ng gusto niyang makuha ay nakukuha niya. Kahit nga pinsan pa niya ay kinuha niya ang pagkababae. He's evil katulad ng anak ni Mayor pero kapag nandon daw siya sa university na pinagtuturuan niya ay daig pa niya ang anghel sa pagbabait-baitan. Minsan nga ay ikinikwento niya sa akin ang pagsesex nila ng mga estudyante niya. Psh. Maniac Prof.

"Ano?"

Umayos siya ng upo at hinawakan ang isang balikat ko. "Rape her." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Ano? Nababaliw ka na ba? Mas lalo niya akong kamumuhian kung gagawin ko 'yon at kahit kailan ay hindi ko magagawa iyon sa kanya dahil kaibigan ko siya." He nodded at bumalik sa dating posisyon niya.

"Suggestion lang naman."

"Your suggestion sucks, bigtime." Baliw siya para maisip na gawin ko yun kay Trinity.

Living with the 13 GuysWhere stories live. Discover now