Chapter 4 - We Meet Again

10.6K 468 34
                                    

Trinity's POV
Nandito na ako sa tapat ng bahay na titirhan ko. The house is too big and beautiful, hindi ko talaga maimagine na titira ako dito with those 13 unknown guys. Nakalagay na rin lahat ng mga gamit ko sa mga maletang dala-dala ko. Kanina sa bahay ay napaiyak ako dahil malalayo na ako kila mommy at sa mga kuya ko. In my 18 years of existence kasi ay nasanay na ako sa sila parati ang kasama ko at dahil kuya Tristan's girl ako ay mamimiss ko talaga ang pinakamamahal kong kuya pero ngayon.. sabi ni mommy ay kailangan ko na din maging independent at para maisalba na rin ang kompanyang pinaghirapan nila kasama si daddy.

So here it is, new sorroundings and new people.

Pagkadoorbell ng driver namin sa gate ng bahay na titirhan ko ay mga maids agad na nagsilabasan at kinuha ang mga maletang dala-dala namin at ipinasok 'yon sa loob ng bahay. Pinapasok na nila ako sa loob at naiwan ang driver namin sa labas.

"Mam Trinity, hinihintay na po kayo nila sir sa may living room, excited na kayong makita." Sabi ng katulong na katabi ko habang tinutungo namin ang living room.

"Talaga? Mababait po ba sila?"

"Hindi lang mababait, mga gwapo at matutulungin rin katulad nalang ni sir Jaden." Nakangiting sagot ng katulong. Matanda na ito pero mukhang malakas pa naman.

"Jaden?" Isa rin kaya siya sa makakasama ko sa loob ng bahay na 'to?

"Opo mam, sa katunayan nga po ay pinag-aaral niya ang aking bunsong anak, gusto daw niya akong matulungan kaya malaki ang utang na loob ko kay sir Jaden dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi gagraduate ang anak ko sa kolehiyo."

Ang bait naman pala nung Jaden, pinag-aaral pa niya ang anak ni manang. Napangiti ako dahil may ganun pa palang klaseng lalake.

"Mabait nga siya, manang."

"Sana mam Trinity ay si sir Jaden ang makatuluyan niyo, bagay na bagay kayo." Hinawakan nito ang kamay ko bilang assurance sa sinabi niya.

"P-po?" Imbes na sagutin nito ang tanong ko ay nginitian niya lang ako.

"Nandito na po tayo," Hindi ko namalayan na narating na namin ang living room.

"Sir, nandito na po si mam Trinity."

Napalingon ako sa harap ko at..

O.O - mga mukha nila

Bakit natulala sila nang makita ako? At bakit parang namumula pa sila? Mukha ba akong multo?

"Nagandahan siguro sila sayo, mam." Bulong ni manang sa akin.

Tinignan ko sila isa-isa at hindi ko nga maipagkakaila na gwapo silang lahat. Nakatulala pa rin sila kaya nagsalita na ako, nakakaconcious kasi ang pagtitig nila sa akin. Iniwan na kami ni manang at umalis na siya.

"May problema ba?" Bigla ay mukhang natauhan na din sila at umayos sa kani-kanilang mga ulirat.

Nilapitan naman ako nung isang lalake.

"E-ehem.. Welcome Trinity, I'm Daniel at ipapakilala namin ang sarili namin sayo isa-isa."

Grabe naman 'to kung makatitig sa akin, para kasing kakainin niya ako ng buhay kung tumitig siya.

"Wala pa yung tatlo mong makakasama rin dito pero mamaya ay makikita mo na sila, may pinuntahan lang." Nakatitig pa din ang Daniel na 'to sa akin.

Tumango na lang ulit ako. Pwede bang tusukin ko nalang ang mata niya? Sa lahat yata ng gwapo ay siya ang pinakacreepy.

"Ako nga pala ulit si Daniel."

"Hi Ganda! Ako nga pala si John and welcome!" Sabi nung lalakeng may matabang cheeks.

Living with the 13 GuysWhere stories live. Discover now