Chapter 45 - Happiness?

2K 93 11
                                    

Jaden's POV

It's been one month since unexpected things happened. Masasabi ko na masaya at mapayapa na ang lahat. We are now at TREASURE house celebrating Trinity and her friends graduation party. Kami ni Trinity ay going strong pa rin. I want our relationship won't last dahil sa mga pinagdaanan namin pero sa huli ay kami pa rin ang magkasama.

"Congrats sa mga bagong graduate!" Sigaw ni John.

"Kailangan talagang sumigaw?" Naiirita namang sabi ni Justin at tinakpan ang tenga nito gamit ang dalawang palad niya.

Kahit kailan talaga ay palagi silang nagbabangayan. Wala yatang araw na hindi sila nagtatalo pero sa maniwala man kayo o hindi ay magbestfriend talaga sila.

Tumawa naman si Bonnie. "Ang cute niyo kapag nag-aaway kayo." Napangiti naman kaming lahat dahil sa sinabi niya.

"Seriously? Cute sila kapag nag-aaway? Are you blind?" Sarkastikong sabi ni Ben na siniko naman ni Jun.

"Ano bang pakialam mo eh 'yon ang tingin sa kanila ni Bonnie e," Naiirita namang sagot ni Micca na ikinairap nalang ni Ben.

As I look at Trinity, she seems so really happy. Isinandal ko naman siya sa balikat ko at hinalikan ang noo niya. Nakita pa ng peripheral vision ko na napayuko si Daniel dahil sa ginawa ko.

"Congratulations to you." Mahinang sambit ko.

"Thank you."

"Ehem! Ang sweet-sweet naman ng couple dito, oh?" Parinig ng bestfriend ni Trinity na si Chae habang nakaakbay naman sa kanya si Leo.

"Ang sakit pa rin makita na ganyan kayo. Oh shit!" Nagkunwari naman na parang nasasaktan si Kevin na ikinatawa ni Trinity.

"Nawala na kaagad 'yung pagkacrush ni Trinity sa'yo kasi narealize niyang pangit ka talaga." Nang-aasar na sabi ni Arthur na nakatikim ng death glare ni Kevin.

Open naman ang TREASURE Guys na gusto nila si Trinity pero ngayon ay alam nila kung saan sila lulugar. Masaya ako dahil pinapahalagahan nila ang pagkakaibigan namin for almost a decades and I hope that someday they will find the right girl for them.

Tumayo naman bigla si Trinity at nagbow ito sa lahat.

"Guys, thank you for everything. Mula kila Chae, Bonnie, Micca at Leo pati na rin sa inyo Daniel, Kevin, Arthur, David, Kyle, Jun, Sam, Mason, Ben, Justin and John. Alam kong maraming problema ang dumaan sa akin simula nang makilala ko ang 13 guys. Siguro ay kapalaran ko na talaga 'yon. Salamat at nandyan kayo para sa akin. Alam kong napakabata ko pa para maranasan ang lahat ng pagsubok na 'to pero dahil sa inyo ay naging mas matatag ako especially to you, Jaden." She smiled at me habang ako ay napatitig nalang sa maganda niyang mukha.

"Since we was a kid, alam na ng puso ko na ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda ko but you broke my heart a hundred times. You kept a secret from me pero nagbalik ka naman, e. Let's forget about the past. Let's make a new happy memories together." May kung anong humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. Ang alam ko lang ay kailangan ko siyang protektahan, mahalin at alagaan.

Tumayo ako at niyakap si Trinity. Nakita ko pa na napapaluhang napapahiyaw sa amin sila Bonnie while the rest ay nakangiting nakatingin sa amin.

"I will promise to you, Trinity that I will never leave you again. I will love you forever and make a good memories to you in the future." Naramdaman ko nalang ang pagyugyog ng balikat niya senyales na umiiyak siya.

Inilayo ko ng kaunti ang mukha niya sa balikat ko at pinunasan ang mga luha niya.

"Sshhh.. don't cry," She pouted while sobbing.

Living with the 13 GuysWhere stories live. Discover now