Chapter 42 - The Pain Ends

2.4K 116 7
                                    

Trinity's POV

Para akong nabunutan ng tinik dahil nalaman na rin ni Mommy ang lahat ng ginagawa sa akin ni Travis. Hindi ko iyon nasabi kaagad dahil sa pambablackmail sa akin ni Travis at baka may masama siyang gawin sa pamilya ko. Sa nakikita ko kasi sa kanya ay kaya niyang gumawa ng mga bagay na makakasira sa amin ng pamilya ko. Hindi na rin namin itutuloy ang napagplanuhang kasal. Bigla ay naalala ko si Jaden, sobrang laki ng kasalanan ko sa kanya. Pinagtabuyan ko siya at hindi pinakinggan ang eksplenasyon niya. Mapapatawad pa kaya niya ako sa ginawa ko? Gusto ko siyang makausap para magkaayos kami. Nung sinabi sa akin ni Roxanne na kaya hindi na ako binalikan pa ni Jaden ay dahil sa nagkasakit ito at inabot na ng ilang taon ang therapy niya nung naging successful ang operasyon niya.

Bakit ba kasi ganon si Jaden? Ni hindi man lang niya sinabi sa akin ang dahilan kung bakit siya aalis. Kinimkim niya ang problema niya at ako lang pala ang iniisip niya all this time.

Pagkatapos ng klase ko ay sinundo ako nina Mommy at Kuya Troy mula sa school dahil didiretso daw kami sa isang restaurant para makausap sila Travis at ang parents nito. Sinabi ni Mommy kay Kuya Troy ang lahat at galit na galit ang kapatid ko. Nagalit nga rin sa akin si kuya dahil bakit ko daw nilihim ang lahat ng iyon. Naintindihan naman niya ako nung sinabi kong inunahan lang ako ng takot at baka may gawing masama si Travis sa amin. Kanina sa YGA ay nagulat ako nang nalaman nila Chae na dapat ay papakasalan ko si Travis at iyong tungkol din kay Jaden. Ayon pala ay pumunta sila sa TREASURE House at humingi ng explanasyon kila Daniel at sa iba pang TREASURE Guys. Nagkwento daw kasi si Jaden sa TREASURE Guys kaya nalaman na nila ang lahat. Sinabi ko rin sa kanila ang tungkol sa panggagahasa at pagdrugged sa akin ni Travis kaya halos nag-iyakan nalang kami nun sa Canteen. Galit na galit rin at halos kanina ay nagwala na sina Jerome at Leo sa matinding galit. Lumambot ang puso ko nun dahil nakikita ko kung paano sila sobrang mag-alala sa akin. They are really my true friends.

Bigla ay naalala ko si Kuya Tristan. Kumusta na kaya siya? Namimiss ko na rin kasi siya. Ano ba ang dahilan niya para lumayo sa amin?

"Makukulong ang Travis na 'yon. I will make sure." Matigas na sabi ni Kuya Troy at hinawakan ang kamay kong nanlalamig sa sobrang kaba lalo na't kakausapin nila si Travis at ang parents nito.

"Kinakabahan ako, Mommy at kuya," Sabi ko.

"Don't worry anak, maaayos rin ang lahat ng 'to." Sabi ni Mommy at nginitian ako. Ngumiti na lang rin ako kahit may kaba pa rin akong nararamdaman.

Narating na rin namin ang restaurant na pinareserve ng parents ni Travis para sa amin. Ang buong akala nila ay mag-uusap lang kami tungkol sa kasal pero hindi nila alam na nalaman na nila Mommy ang katarantaduhan na ginawa ng anak nila sa akin. Pagkapasok namin sa loob ng restaurant ay nakita namin sila Travis at ang parents nito na nakaupo na sa isang reserved seats. They all look presentable especially Travis wearing a white shirt, black coat, dark blue pants and sneakers. Ang disente niyang tignan pero ubod naman ng sama ang pagkatao.

"I'm glad to see you again, Trinity," Bati sa akin ng Mommy ni Travis at saka ako bineso nang makalapit na kami sa pwesto nila. Hindi nalang ako umimik dahil sobrang sama ng titig ni Kuya Troy kay Travis.

"Pag-uusapan na ba natin ang kasal nila Trinity at Travis?" Nakangiting tanong ng Daddy ni Travis kay Mommy.

"Walang magaganap na kasal." Galit na sabi ni Mommy na ikinagulat nila.

"What? We already talked about this, right? That-" Hindi na natapos magsalita ang Mommy ni Travis nang magsalita agad si kuya.

"We don't want Trinity to marry a crazy, rapist and a drug addict guy like your son, Mrs. Ramos." Sarkastikong pagkakasabi ni Kuya Troy na mas lalong nagpagulat sa kanila.

Living with the 13 GuysDär berättelser lever. Upptäck nu