Chapter 30 - Truth or Dare

2.9K 136 3
                                    

Chae's POV
Sa wakas at nagkaboyfriend na rin ang bestfriend kong si Trinity. Yung nagligtas pa sa kanya na si Jaden ang naging boyfriend niya. Botong boto talaga ako don kaysa sa Daniel na 'yon. Nung time kasi na hinatid niya si Trinity sa room nito ay parang naiinis pa siya nang dumating kami nila Bonnie. Mabuti nalang talaga at kay Jaden napunta si Trinity.

Dahil birthday ko ngayon ay inimbitahan ko ang mga kaibigan ko including Trinity at pati na rin ang 13 Guys dito sa bahay namin. Simpleng inuman, kwentuhan at kainan lang naman ang mangyayari dito. Katulong ko ang boyfriend kong si Leo sa pag-aayos at paghahanda ng pagkain habang sina Bonnie at Micca naman ay magkatulong na nililinis ang bahay ko. Wala pa si Jerome dahil may inaasikaso lang daw ito pero hahabol naman daw siya. Si Leo na ang gumastos sa lahat dahil mayaman naman siya at nag-insist ito. Sabi pa niya ay masusurprise daw ako sa gift niya. Ano naman kaya iyon? May regalo rin sa akin yung dalawa pero mamaya nalang daw nila ibibigay.

Pagkatapos namin maayos ang lahat ay umakyat na sina Bonnie at Micca sa kwarto ko para makapag-ayos na sila ng kanilang mga sarili para mamaya. In short, magpapaganda para sa mga crush nila sa 13 Guys habang kami naman ni Leo ay magkayakap sa couch at hinahalikan nito ang leeg ko.

"Stop it Leozon! Baka may makakita sa atin.." Suway ko dito. He just smirk at tumigil na rin siya.

"Did you know that Travis is my friend?" Nagulat ako sa sinabi niya.

"Really? Eh bakit parang hindi naman kayo nagpapansinan nung pumunta tayo sa bahay nila?" Hindi kasi talaga sila nag-iimikan that time kaya nakakagulat na magkaibigan pala sila.

"Sabi kasi niya na kapag nagkita kami at kaharap namin kayo e, 'wag daw kaming magpansinan edi ginawa ko ang gusto niya although its weird." Ano 'yon? Kinakahiya ba ng Travis na yun na kaibigan niya ang milyonaryong si Leo?

"Hayaan mo na, magsaya nalang tayo ngayong birthday mo," At muli na naman niya akong hinalikan.

"Kunwari wala nalang kaming nakita." Napakalas kami ni Leo dahil nakita lang naman kami nila Bonnie at Micca na naghahalikan. Bihis na bihis na 'yong dalawa at halatang mga nagpaganda talaga sa mga crush nila.

"Hindi ka pa nasanay sa dalawang iyan, Bonnie." Pangangantiyaw ni Micca.

Napailing na nangiti nalang si Leo habang ako naman ay napayuko dahil sa hiya. Nag ayos na rin ako ng sarili ko at ganon rin si Leo. Pagkatapos namin ay may narinig kaming nagdoorbell kaya nagpunta na ako sa may gate.

Pagkabukas ko ng gate ay bumungad sa akin ang magandang si Trinity at ang mga guys na kasama niya sa iisang bahay. What the? Bakit ang gagwapo nilang lahat? Lalo na ang maangas na Daniel na 'to. Teka! Bakit ba nasama siya sa usapan na 'to? Erase! Erase!

"Happy Birthday Bessy!" Bati ni Trinity at bineso ako. May dala rin siyang paperbags.

"Salamat Trins, mabuti at nakarating kayo," Sabi ko.

"Siyempre naman. Hindi ako papayag na hindi kami makapunta dito, right guys?" Tanong pa ni Trinity sa mga guys.

"Yeah." Sagot naman nila. Wow ha? Napapasunod sila ni Trinity? Hmm.

"Happy Birthday nga pala," Bati sa akin ng katabi lang ni Trinity na si Jaden, ang boyfriend niya.

"Salamat. Kapag ikaw e, pinaiyak mo ang bestfriend ko talagang malilintikan ka sa amin." Pagbabanta ko sa kanya. Mahirap na at baka masaktan niya ang bestfriend ko.

"I promise na hindi ko sasaktan si Trinity." Sabi nito at nakikita ko naman na sincere siya sa mga sinasabi niya.

"Good."

Binati rin ako ng ibang 13 guys at pinapasok ko na sila sa loob ng bahay. Wala sina mom at dad dahil may business trip sila sa Bangkok. Nag-iisa lang rin akong anak kaya mabuti nalang at may boyfriend at kaibigan akong kasama sa pagcecelebrate ng birthday ko and i'm very lucky to have a friends like them. Sa garden namin naisipan magcelebrate. Nakalatag na sa damuhan ang mga blanket na may mga pagkain at inumin namin. Nagtabi kaming apat na girls habang yung mga lalake naman ay nagtabi at si Leo ay tumabi nalang sa akin.

Living with the 13 GuysWhere stories live. Discover now