Chapter 15 - Be With Me

6.3K 272 77
                                    

Trinity's POV
Dahil magaling mag-alaga si Travis ay magaling na ako sa aking lagnat. Laking pasasalamat ko sa kanya at nakakakilos na ako ng maayos hindi tulad ng kahapon. Araw-araw ay tumatawag sa akin sina kuya Troy at mommy, tinatanong nila ako kung ayos lang ba ang lagay ko dito. Minabuti ko nalang na hindi sabihin sa kanila ang ginawa sa akin ni Jun dahil kung sasabihin ko pa iyon ay lalo lang mas magiging komplikado kaya sinabi ko nalang na maayos ang lagay ko dito.

May kumakatok sa pintuan ng kwarto ko kaya napabangon ako mula sa kama at tumayo upang mapagbuksan ng pinto ang kumakatok. Nang binuksan ko ang pintuan ay si Daniel ang bumungad sa akin.

"Daniel, ikaw pala."

Napakamot siya sa ulo niya at tila nahihiya. "Ah.. ano kasi.. y-yayain lang sana kitang mamasyal para naman malibang ka at hindi laging nakakulong dito sa kwarto mo. Yun ay kung okay lang sayo."

Gusto ko sanang matawa sa itsura ni Daniel or should I say 'Kuya Daniel' dahil mas matanda siya sa akin ng 6 years. Halatang nahihiya siya sa akin.

I nodded at para bang nawala ang hiya niya at ngumiti sa akin. This guy is so handsome.

"Talaga? Salamat, Trinity," Halatang masaya siya habang kausap ako.

"Your welcome. Sige, mag-aayos na muna ako ha?"

He tapped my shoulder. "Hintayin kita sa may sala."

I nodded again at umalis na rin siya. Simula nang humingi ng tawad si Daniel dahil sa paghalik niya sa akin ay nawala na yung mga ngisi at malalalim na titig nito sa akin. Naging mas palangiti siya at komportableng kausap kumpara noon. Nagtataka nga ako kung paano nagawang makipagbreak ng girlfriend ni Daniel sa kanya. Napakaswerte naman ng babaeng 'yon dahil may Daniel na nagmahal sa kanya.

Nag-umpisa na akong maligo pagkatapos ay namili na ako ng magandang susuotin. I wear a blue dress na above the knee, may mga sequence din ito sa laylayan at hindi naman masyadong revealing. Niregalo 'to sa akin ni Chae nung Christmas. Nagsuot rin ako ng doll shoes na color peach at may ribbon itong color blue sa gitna. Kinuha ko naman ang sling bag ko na kakulay ng dress ko, naglagay lang ako ng simpleng make-up at nilugay ang brownish kong buhok at plinantsa ito. Nagspray din ako ng perfume na paboritong-paborito ko ang amoy.
Nang matapos na ako ay bumaba na ako at nagpunta sa sala. Nakita ko naman na katabi ni Daniel sina Sam at John. Nang mapansin na nila akong tatlo ay natulala sila at napatitig lang sa akin.

Hindi ba maganda ang ayos ko?

"Okay lang kayo?" Nagwave ako ng kamay sa harap nila at doon lang sila natauhan.

"Ang ganda mo, Trinity." Nginitian ako ni John at nag thumbs-up sa akin.

Napayuko ako dahil sa hiya. "S-salamat, John."

Tumayo naman si Daniel at may binulong sa akin.

"You really look so beautiful and gorgeous." Napangiti ako sa compliment niya at nagpasalamat.

"Saan kayo pupunta?" Tanong bigla ni Sam dahil napansing nitong bihis na bihis kaming dalawa ni Daniel at tinaasan niya rin kami ng kilay.

"May pupuntahan lang kami." Sagot ni Daniel at nginitian si Sam.

Para pang napairap si Sam don habang si John naman ay nakaawang ang bibig na nakatingin sa amin.

"K-kayong dalawa lang?" Tanong niya.

Sasagot na sana ako nang biglang nagsalita si Daniel. "Oo, kaming dalawa lang."

Hindi na nakapagsalita pa si John nang hilahin na ako ni Daniel papalabas ng bahay. Pinapasok niya ako sa isang kotse habang siya ay umikot papasok sa drivers seat.

Living with the 13 GuysWhere stories live. Discover now